Teary-eyed ang mga nakapanood kahapon sa guesting ni Francis Magalona sa Eat Bulaga.
Na-excite ang televiewers sa biglang pag-apir ni Francis habang kumakanta at tumutugtog si Ely Buendia at ang Pupil Band.
Parehong may-sakit sina Francis at Ely. History ang performance nila kahapon sa Eat Bulaga. Parehong pumayat sina Ely at Francis pero lalong nadagdagan ang kanilang kaguwapuhan.
Hinayang na hinayang si Papa Joey de Leon dahil hindi sila nag-abot ni Francis sa studio ng Eat Bulaga. Umalis kaagad si Papa Joey sa studio dahil tumakbo siya sa studio ng Startalk.
Hindi naman nalungkot si Papa Joey dahil live na umapir sa Startalk si Francis. Mabuti na lang, pinayagan siya ng kanyang doktor na lumabas sa TV.
* * *
May mga marka sa braso ni Francis dahil ‘yon ang resulta ng chemotherapy treatment sa kanya.
Miss na miss na ni Francis ang hosting job niya sa Eat Bulaga. Ang sarap-sarap daw ng pakiramdam niya nang tumuntong siya sa studio ng Eat Bulaga, pagkatapos ng 85 days.
Kung napanood ninyo kahapon si Francis sa Eat Bulaga, talagang masiglang-masigla siya sa pagkanta. Ganoon din si Ely na parang hindi dumaan sa angioplasty procedure. Inspirasyon sila ng mga tao na may sakit at nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Saturday, October 25, 2008
Kahit maysakit, Francis at Ely parehong gumuwapo
Labels: ely buendia, francis m
Stress ni Angel nawawala sa aso
Gandang-ganda ang mga nasa audience kay Angel Locsin nang rumampa ito sa fashion show ng Folded & Hung na idinaos sa Atrium ng Mall of Asia (MOA) noong Biyernes. Sanay na sanay na talaga itong rumampa.
Nakausap namin ang magandang aktres sa backstage matapos ang fashion show at masayang ibinalita na meron siyang bagong alagang tuta na kabibili at ito’y si Vichon na dalawang buwan pa lang. Naniniwala si Angel na nakakawala ng stress ang pagkakaroon ng alagang aso lalo’t ito’y malambing.
Ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol kay Claudine Barretto kung saan pilit silang iniintriga.
Labels: Angel Locsin
Kahit binibira ,Gabby propesyonal
Kahit pa may namayaning hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Gabby Concepcion ay hindi namin maaaring baligtarin ang kuwento. Laging sa totoo lang kami.
Nung Biyernes ng gabi sa Metro Bar, sa concert ng Side A Band kung saan naging guest si Gabby kasama ang Juan Pablo Dream, bumbunan pa lang niya ang nakikita ng manonood mula sa paakyat na hydraulic machine ay binalot na ng tilian ang buong Metro Bar.
Nakaternong itim na polo at pantalon si Gabby, kulay na mas nagpalutang pa sa kanyang kaguwapuhan kahit hindi na siya bagets, sa una pa lang niyang kanta ay hindi na magkarinigan sa lugar dahil sa mga tili at palakpakan sa kanya ng mga kababaihan.
Naging kontrobersiyal ang nasabing concert dahil ilang linggo na ang nakararaan ay may nakarating na balita sa amin na hindi raw sisiputin ni Gabby ang palabas, may kung sinong nakikisawsaw na nagsabi sa kanya na huwag na niyang puntahan ang show, tutal naman ay palagi namin siyang binibira sa aming mga kolum.
Ang Backstagepass Productions ng aming anak na si BM ang nagprodyus ng concert, bago pa sila nagkademandahan ni Mommy Rose FLaminiano ay plantsado na ang kontrata, matalino naman si Gabby para hindi niya maisip na kung hindi niya sisiputin ang show ay panibagong problema na naman ang haharapin niya.
Biyernes ng hapon pa lang ay nagkuwento na ang aming anak, “Dumating po siya on time sa rehearsal, wala kaming problema sa kanya, marunong siyang makisama,” paunang salita ng aming panganay.
Noon pa namin nasulat na propesyonal si Gabby pagdating sa mga tinatanguan niyang kompromiso, pinahanga niya kami nung puntahan pa rin niya ang booking ng aming anak para sa kanya sa Lemery, Batangas, kahit nakaburol ang kanyang ama.
Isang mahadera niyang kaibigan ang nagsabi sa kanya, “You have a very valid reason now not to go to the show, you’re mourning, maiintindihan ng mga tao kung hindi mo man siputin ang show ng anak ni Cristy,” sabi nito.
Pero nagpunta pa rin si Gabby sa show, tumupad siya sa kanyang pangako.
Labels: Gabby concepcion
‘Ang arte ko naman kung iiwas ako kay Claudine’ - Angel
Kung hindi nakarating si Angel Locsin sa 10th anniversary fashion show ng Folded & Hung last Thursday, October 23 na ginanap sa A-Venue, Makati, bumawi naman ang young actress the following night, Friday (Oct. 24) sa Fashion Week ng nasabing clothing line na ginanap naman sa Mall of Asia.
Si Angel ang nanguna sa nasabing fashion show kasama si Maja Salvador na matatandaang rumampa rin sa anniversary fashion show last Thursday with Claudine Barretto.
Sina Angel, Maja at Claudine ang tatlong malalaking female endorsers ng nasabing clothing company.
Sa dalawang magkasunod na event ay nagkaroon ng intriga between Angel and Claudine dahil pinaghiwalay pa silang dalawa. Marami ang naghinala na baka may tampuhan pa ang mga ito dulot ng nakaraan nilang pagbabanggaan.
Kaya naman ito ang itinanong kay Angel ng mga reporters nang kapanayamin siya after the fashion show.
“Okay na po lahat. Matagal na ring naayos and ako po, nirerespeto ko siya. Pareho kaming hindi nagsalita sa issue noon bilang isang lady at hanggang ngayon, ganu’n pa rin po ang aking stand,” ani Angel.
So, hindi talaga sila nag-iwasan ni Claudine?
“Hindi po talaga. Ang arte-arte ko naman kung iiwas-iwas pa ako, ako pa ang choosy eh Claudine Barretto ‘yan,” she said.
Ayon kay Angel, talagang hindi raw siya kasama sa program ng anniversary fashion show dahil naka-block-off na ang date na ito for Australia. Dapat kasi ay nagsu-shooting na sila ni Piolo Pascual ng Land Down Under sa nasabing bansa by this time. Kaya nga nag-video shoot na lang daw siya na ipinakita sa opening.
But unfortunately ay na-delay ang alis nila kaya tinapos muna ang shooting sa Subic, Zambales at ngayon ay sa Clark, Angeles naman. Nung gabi ng anniversary show ay may shooting daw siya at dapat ay hindi pa rin siya makakasama sa Fashion Week nitong Biyernes kung hindi lang na-pack-up ang shooting.
Wala na raw talagang problema sa kanila ni Claudine and in fact, nagte-text-an na sila and according to Angel ay binigyan pa siya ng book ng aktres. Kasama raw kasi sa pinag-usapan nila ang magbigayan ng libro.
Anyway, sa naturang fashion show sa MOA ay dalawang beses rumampa si Angel – opening and finale.
Sa first week of November naman ay aalis na sila ni Piolo papuntang Australia kasama ang direktor nilang si Rory Quintos.
Labels: Angel Locsin, Claudine Baretto
Kaya nanahimik, Karylle pino-protektahan sina Dingdong at Marian
Kung ang pagbabasehan ay ang kumakalat na balita ngayon, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na. Nawala na sa kwadro si Karylle. Pinagbibintangang kontrabida na ito ngayon sa relasyon ng dalawa gayung sa matagal nilang relasyon ni Dingdong ay never itong nag-ingay at nanahimik na lamang na kung tutuusin ay mayroon naman siyang karapatan.
Nang huli kong makausap si Karylle, hindi pa naman ito nalalaunan, ay inamin nito na wala pa namang nagbabago sa kanila ni Dingdong, sila pa rin daw bagaman at ramdam na ramdam nito na marami ang gusto silang paghiwalayin ng nobyo. Kung ipinasya man niyang manahimik, ito ay bilang respeto na lamang sa loveteam ng dalawa. Lalabas naman siyang insecure kung umalma siya in the beginning. Siyempre, mahalaga rin naman sa kanya ang career ng nobyo. Batid niya kung bakit kailangan nitong protektahan ang loveteam, kahit madalas siyang nasasaktan. Happy naman si Karylle sa takbo ng kanyang career, combining both television and stage.
Ayaw nitong mag-comment sa isyu na sabay umalis ang nobyo at ang kapareha nito sa event ng GMA recently at naglagi lamang ito sa kanya na ipinagpalagay ng marami na isang indikasyon ng pagkakaroon ng relasyon na mahigit pa sa magkapareha.
Labels: Karylle
Boy Abunda nag-aaral uli
Today (October 26) marks the birthday celebration of Boy Abunda on The Buzz, three days before he turns a year older, wiser, busier, and richer!
Party within the show ang concept ng program staff kung saan imbitado ang press in taking part in yet another event as monumental as the birthday boy himself.
Without much pandering, bilib ako kay Kuya Boy for discovering that a day in the life of a person is beyond 24 hours. With his hands full sa dami ng kanyang mga ginagawa, nakukuha pang mag-aral ni Kuya Boy who’s enrolled at the PWU taking up a course in diplomatic relations.
Ano ba talaga, kuya? A congressional seat representing Eastern Samar, o pagiging ambassador? Whichever, sa talent ni Kuya Boy and lots of it, there’s more to hosting, to artist management to column writing, to what have you.
Anyway, happy birthday Kuya Boy. May your tribe (and bribe?) increase.
Labels: Boy Abunda
Young actress binabakuran ng tatay
Matagal ng may relasyon ang sikat na loveteam, hindi lang nila maamin dahil hindi alam ng ama ng actress na totohanan na ang relasyon nila ng ka-loveteam. Ang katuwiran ng ama, bata pa ang anak para makipag-relasyon, kaya ang drama ng magka-loveteam, MU o Mutual Understanding lang ang namamagitan sa kanila.
Sobrang higpit ang ama ng actress sa anak at kung puwede lang samahan ang anak sa mga lakad nito lalo na ‘pag alam na kasama ang kapareha nitong actor. Sa sobrang higpit nga nito, pati sa mga show ng anak sa probinsya ay sumasama at para hindi maligwak, sariling pera ang ibinibili ng tiket sa eroplano.
No choice nga naman ang actress at ang mga taong nagpapalakad sa kanyang career kundi isama ang ama dahil sariling pera ang ginagastos nito pati sa pagkain.
Labels: Blind Item
Donate
Search
Categories
- abs-cbn (1)
- Alessandra de Rossi (2)
- Angel Locsin (2)
- Angelica Panganiban (2)
- Angelika dela Cruz (2)
- anne cutris (2)
- Blind Item (12)
- Boy Abunda (1)
- Carlene Aguilar (1)
- CharicePempengco (1)
- Claudine Baretto (2)
- Controversy (5)
- Cristy Fermin (1)
- Dennis Trillo (2)
- Ding dong Dantes (4)
- Edu Manzano (1)
- ely buendia (1)
- francis m (1)
- Gabby concepcion (2)
- Gabby conception (4)
- heart evanghilista (2)
- Janina San Miguel (1)
- Jc de Vera (1)
- Jennylyn Mercado (3)
- john lloyd cruz (2)
- Jolina Magdangal (1)
- Judy Ann Santos (5)
- KAPAMILYA (4)
- Kapuso (3)
- Karylle (1)
- katrina halili (3)
- Kris Aquino (1)
- marian rivera (5)
- Movies (2)
- Nadia Montenegro (2)
- ogie alcasid (1)
- Paolo Bediones (1)
- Patrick Garcia (3)
- Phoemela Baranda (1)
- pokwang (2)
- Polo Ravales (1)
- Pops Fernandez (1)
- Raymart Santiago (2)
- Rhian Ramos (4)
- Richard gomez (2)
- Richard Gutierez (1)
- Robin Padilla (1)
- Roxanne Guinoo (1)
- Ryan Agoncillo (2)
- sam milby (2)
- Sarah Geronimo (5)
- Shows (1)
- Startalk (1)
- vilma santos (1)
- willie revillame (1)