Saturday, October 25, 2008

Kahit maysakit, Francis at Ely parehong gumuwapo

Teary-eyed ang mga nakapanood kahapon sa guesting ni Francis Magalona sa Eat Bulaga.

Na-excite ang televiewers sa biglang pag-apir ni Francis habang kumakanta at tumutugtog si Ely Buendia at ang Pupil Band.

Parehong may-sakit sina Francis at Ely. History ang performance nila kahapon sa Eat Bulaga. Pare­hong pumayat sina Ely at Francis pero lalong nadag­da­gan ang kanilang kaguwapuhan.

Hinayang na hinayang si Papa Joey de Leon da­hil hindi sila nag-abot ni Francis sa studio ng Eat Bulaga. Umalis kaagad si Papa Joey sa studio dahil tumakbo siya sa studio ng Startalk.

Hindi naman nalungkot si Papa Joey dahil live na umapir sa Startalk si Francis. Mabuti na lang, pina­yagan siya ng kanyang doktor na lumabas sa TV.
* * *

May mga marka sa braso ni Francis dahil ‘yon ang resulta ng chemotherapy treatment sa kanya.

Miss na miss na ni Francis ang hosting job niya sa Eat Bulaga. Ang sarap-sarap daw ng pakiramdam niya nang tumuntong siya sa studio ng Eat Bulaga, pagkatapos ng 85 days.

Kung napanood ninyo kahapon si Francis sa Eat Bulaga, talagang masiglang-masigla siya sa pag­kanta. Ganoon din si Ely na parang hindi dumaan sa angioplasty procedure. Inspirasyon sila ng mga tao na may sakit at nawawalan ng pag-asa sa buhay.

0 comments:

ads