Wednesday, September 17, 2008

Fans ni Rhian biglang nanahimik


Ang galing sumuporta ni Eugene Domingo. Bagaman at mga kilala nang komedyante sina Rufa Mae Quinto at Jolina Magdangal, nagawa niyang palu­tangin ng husto ang kanilang mga nakatutuwang eksena with her presence. Riot ang mga magkakasamang eksena nilang tatlo. I dare you to watch the film at kung hindi kayo bibirit ng tawa sa mga eksena nila, sabihin n’yong sinungaling ako.

Hindi naman pala totoo na mabo-boo ng fans sina Mark Herras at Rhian Ramos. Behaved ang mga fans nung premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You). Mga palakpakan at sigawan lamang ng paghanga ang narinig mula sa kanila. Did they finally realize na trabaho lamang ang ginagawa ng dalawa? Sana naman.

Actually may chemistry ang dalawa, puwede silang maging loveteam. Pero, ano itong nababalitaan ko na si JC de Vera ang nagbibigay ng bagong excitement kay Rhian at hindi si Mark. So wala nang dapat ipangamba ang mga fans ni Mark na pinupuntirya ni Rhian ang idolo nila.

Going back to Eugene, talaga nga palang nakatutuwa siya. Sana mapanood pa siya sa maraming proyekto ng GMA 7. Magtatapos na kasi ang Kim Sam Soon na kung saan nagpasaya rin siya ng mga manonood.

0 comments:

ads