Monday, September 22, 2008

‘Hindi ko girlfriend si Anne!’ – Sam Milby


Marami nang nagtaas ng kilay sa sinabing ito ni Sam Milby dahil matagal nang tinanggap ng publiko na mayro’n silang relasyon at wala naman ni isa sa kanilang dalawa na nagtatwa nito. Ngayon na lamang dahil nabalitaang nag-split na sila.

“Hindi ko girlfriend si Anne (Curtis, kapareha niya sa Dyosa). We used to be together, nagkaro’n ng panahon na naging kami. Now we need to concentrate on our career.

“It’s not true that we split dahil I’m conservative and she’s liberal, na pinagbabawalan ko raw siya maging daring sa kanyang mga roles. Hindi ako gano’n although I will admit seloso ako.

“Walang third party and although we’re not together anymore I still have feelings for her, nandun ’yon, hindi mawawala,” pagtatapat ng FilAm guy who is preparing for his major solo concert, Sam Milby: The Rockouztic Heartthrob, na magaganap sa Aliw Theater sa October 25, Saturday.Guests sina Pokwang, Yeng Con­stantino, G-Force, and Arnel Pineda, prodyus ng ASAP Live at nasa direksyon ni Marvin Querido.

Nang makausap ko si Sam recently, mala-Adonis ang kanyang pangangatawan. Utang daw niya ito sa regular na pagpunta sa Gold’s Gym, hindi pagkain ng baboy, baka at kanin. Salad, gulay, manok at cereals lamang siya sa umaga.

Hindi na rin siya gumagamit ng kotse, mas madalas siyang nagmo-motor kahit halos lahat yata ng kaibigan niya’t kakilala ay pinagbabawalan siya dahil delikado ito.

“Masyadong ma-traffic, mas madali kung naka-motor lang ako,” sabi niya sa kanyang matatas nang pananagalog. “I get ex­cited when I’m using my 600cc Yamaha, maski na minsan ay nabangga ako, the excitement hasn’t diminished. I’ve also been bruised many times but nothing serious. What I can do is bawa­san ang speed ko be­cause I drive very fast,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, Sam has been designa­ted by the Department of Education for Students and Co-Curricular Affairs (DepEd-CSCA) as their youth spokesperson and role model. Bukod sa Dyosa, may ginagawa siyang indie film, ang Cul De Sac. Ipalalabas ito rito at maging sa labas ng bansa.

Hindi mo masisisi si Sam kung binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang career ngayon kesa pag-ibig, tambak kasi ang proyektong dumarating sa kanya ngayon. Wala talaga siyang panahon na maibibigay sa kanyang magiging girlfriend. Tanungin n’yo pa si Anne.

0 comments:

ads