Tuesday, September 16, 2008

Katrina, feeling ‘katorse’ sa non-showbiz boyfriend!

N-LOVE si Katrina Halili ngayon!


Pero, ‘yun nga lang, kahit anong pilit namin, ayaw niyang ipangalandakan kung sino ang masuwerteng lalaking source of inspiration daw niya.


Say ni Katrina, bago lang daw kasi at gusto niya munang i-enjoy ang moment ng pagiging inspired at kilig niya.


Natawa lang kami sa description ni Katrina sa relationship nila ng naturang guy. Aniya, “Nasa getting-to-know each other stage pa lang kami. Pero serious na ‘to. Seryosohan na. Ha! Ha! Ha!”


“Pero siyempre, dahil seryoso na ko, ayoko naman ng lantaran. So, tama na, sa akin na muna ‘to,” nakikiusap na sambit pa ni Katrina.


Marami pa raw sa mga ka-close niya ang hindi pa masyadong nakikilala ang bago niyang inspiras­yon. Pero sa palagay raw niya, magugustuhan din ng mga ito ang kanyang inspirasyon.


“Well, base kasi sa pagkakakilala ko, magugustuhan siya. Kaya nga kinikilala ko pa siya ngayon, pero, hindi rin naman ako magsasabi na seryoso na kung hindi naman siya worth it.”


Obviously, hindi non-showbiz ang bagong guy sa buhay ni Katrina dahil sa tanong namin kung nakakatrabaho or makakatrabaho pa lang ba niya ito?


“Nakakatrabaho ko siya!” ang nakangiting sabi ni Katrina na tila kinikilig.


“Basta, marami na rin kaming napagkukuwentuhan. Tipong naihanda ko na rin siya sa kung ano ang mga maririnig niya, mga kalokohan, kagaguhan.”
Ano ba ang nagawa na sa kanya ng lalaking ito para maging sobrang espesyal sa kanya?


“Basta! Nasa getting to know each other pa lang kami, pero seryoso na! Ha! Ha! Ha!”


Grabe ka pala kapag na-in-love.


“O, ‘di ba? Sabi ko nga sa inyo, huwag ninyo akong papa-inlabin dahil iiwan ko ang career ko. Ha! Ha! Ha!” pabirong say ni Katrina.


Sa isang banda, nga­yong Miyerkules na raw siya magpe-first taping day para sa balik primetime series niyang Gagam­bino. Mag-i-start na rin daw siya ng shooting ng One Night Only kaya magiging bisi-bisihan na naman daw siya.


So, feeling ni Katrina, deserving naman daw siguro siyang may nagpapa-inspire naman at nagpapasaya sa buhay niya dahil super work naman daw kasi siya.


“Alam niyo naman ako, hopeless romantic talaga ko. Iba kasi ako. Kahit nakikita nila kong ganito, conservative ako lalo na pagdating sa relationship. Eh, ngayon, feeling ko naman, okey siya. At saka, feeling ko, fourteen years old ako. So, hayaan niyo na sa akin ‘to! Ha! Ha! Ha!”


Anyway, dahil sa tagumpay ng Obra ni Katrina, puro bida roles na raw ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7. At sabi, mas matinding tapatan at kumpetisyon na raw ang mangyayari sa kanila ni Marian Rivera?


Nangangahulugan nga raw ‘yon na tuloy pa rin ang banggaan sa kanilang dalawa, at mas palaban na raw si Katrina kay Marian ngayon!


“Ayoko namang ma­kipag-kumpetisyon kahit na kanino. Basta ako nagtatrabaho lang. Kung ayaw niyo sa akin, eh, ‘di huwag! Ganoon lang ‘yun!” sabi na lang ni Katrina.

0 comments:

ads