Saturday, September 13, 2008

Paolo, pinutakti ng insekto sa Thailand!


Mahigit pala sa 43,000 Survivor fans ang nagpa-audition para ma­ging castaway sa Survivor Philippines. At matapos ang mahigit isang taon na paghahanda, nakapag-produce na ang team ng Survivor Philip­pines ng isang world-class reality series, ayon sa standards ng Castaway Television Productions, ang orig na producer at may-ari ng Survivor.


Anyway, dumaan ang bawat isa sa mahigpit na screening process para masigurong kaka­yanin nila ang mga pagsubok na pagdaraanan sa isla.
Pero, hindi naman nahirapan ang GMA 7 na pumili ng Pinoy version ni Jeff Probst, dahil iisa lang ang pinili nila, at `yun ay si Paolo Bediones.


Sa Koh Tarutao Island sa Thailand ginawa ang pagsubok ng castaways.

Bagama’t deli­kado ang buhay nila roon, kinailangan nilang harapin ang mga elemento sa ibabaw ng isla at sa ilalim ng dagat.


‘Yun na marahil ang pinakamahirap na pagsubok sa pagkatao ng isang castaway: ang tumira sa isang islang salat sa mga panga­ngailangan habang nag­lalaban para makamit ang premyong tatlong milyong piso.


Sabi, lumabas ang tunay na kulay ng ibang castaway sa kalagitnaan ng laro. Nandiyan ang mga pasaway at palaban talaga.


Meron din namang tila mga bayani na inuuna pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili.


Maraming mukha ng kasinungalingan, pagkamuhi at pagkatalo, mayroon ding katotohanan, pagmamahalan at pagkapanalo. ‘yan ang mga hindi inaasahang rebelasyon at pangyayari na dapat abangan sa Survivor Philippines, na magsisimula na sa September 15.

0 comments:

ads