Diborsyada na pala si Cherie Gil. Yup, you read it right. Ilang buwan na rin palang na-diborsiyo ang kasal nila ng asawang violinist na si Roni Rogoff matapos payagan ng korte (hindi ko alam kung saang bansa) ang kanilang petition for divorce.
Last August lang daw na-grant ang annulment. After daw kasi nilang maghiwalay, hindi natagalan ay nag-file agad ng divorce ang asawa ng aktres na madaling na-approved.
Nasa Israel ang dalawa nilang anak - Bianca, 12, and Raphael, 9, (doon sila huling nanirahan) at nag-aaral doon. At pag walang trabaho ang aktres, binibisita niya ang dalawang anak.
Nasa bansa si Cherie at aktibo uli sa showbiz. Siya ang ka-back to back bida ni Ryan Agoncillo sa isa sa pinakasikat na obra sa komiks ni Carlo Caparas na Pieta na ngayon ay kasama sa Hapontastic Block ng ABS-CBN. Kakaibang Cherie ang mapapanood dito dahil for a change, hindi siya sosyal na kontrabida na sobrang nagpapahirap sa bida ng teleserye.
Matagal-tagal na ring naba-blind item ang tungkol sa status ng relasyon nina Cherie at Roni. Pero walang nagsasalita although, inamin na dati pa ni Cherie na hiwalay na sila ng violinist niyang asawa for 20 years.
Kasama sa pinagdaanang trials ng kanilang pagsasama ay nang makaligtas sila sa killer tsunami noong 2005 sa Karon Beach Resort in Phuket, Thailand. Katatapos lang noong mag-Pasko nang dumating sila sa Phuket at biglaang nagkaroon ng tsunami. Maraming namatay noon, pero sa awa ng Diyos ay nakaligtas silang pamilya partikular na ang dalawa nilang anak na tulog nang mangyari ang insidente.
Tuesday, October 21, 2008
Cherie Gil diborsyada na!
Posted by
ryan
at
8:56 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Donate
Search
Categories
- abs-cbn (1)
- Alessandra de Rossi (2)
- Angel Locsin (2)
- Angelica Panganiban (2)
- Angelika dela Cruz (2)
- anne cutris (2)
- Blind Item (12)
- Boy Abunda (1)
- Carlene Aguilar (1)
- CharicePempengco (1)
- Claudine Baretto (2)
- Controversy (5)
- Cristy Fermin (1)
- Dennis Trillo (2)
- Ding dong Dantes (4)
- Edu Manzano (1)
- ely buendia (1)
- francis m (1)
- Gabby concepcion (2)
- Gabby conception (4)
- heart evanghilista (2)
- Janina San Miguel (1)
- Jc de Vera (1)
- Jennylyn Mercado (3)
- john lloyd cruz (2)
- Jolina Magdangal (1)
- Judy Ann Santos (5)
- KAPAMILYA (4)
- Kapuso (3)
- Karylle (1)
- katrina halili (3)
- Kris Aquino (1)
- marian rivera (5)
- Movies (2)
- Nadia Montenegro (2)
- ogie alcasid (1)
- Paolo Bediones (1)
- Patrick Garcia (3)
- Phoemela Baranda (1)
- pokwang (2)
- Polo Ravales (1)
- Pops Fernandez (1)
- Raymart Santiago (2)
- Rhian Ramos (4)
- Richard gomez (2)
- Richard Gutierez (1)
- Robin Padilla (1)
- Roxanne Guinoo (1)
- Ryan Agoncillo (2)
- sam milby (2)
- Sarah Geronimo (5)
- Shows (1)
- Startalk (1)
- vilma santos (1)
- willie revillame (1)
0 comments:
Post a Comment