Thursday, October 2, 2008

Dingdong at Marian niri-request sa Japan

Matagal nang hinihiling ng mga Filipino televiewers ng Access TV (ATV) sa Japan ang tambalang Marian Rivera at Dingdong Dantes na makarating sa bansang Hapon pero hindi pa rin sila napapagbigyan dahil sa higpit ng schedule ng dalawa.

Ang ATV ay siyang broadcast carrier sa Japan ng mga programa ng GMA 7 at QTV na GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

Bukod kasi sa tuluy-tuloy ang taping ng Dyesebel, busy din sa kani-kanilang endorsements shoots at sa kanilang kauna-unahang pelikula na One True Love.

May ilang beses na ring nakarating si Dingdong sa Japan pero ito’y noong panahon na hindi pa siya ganoon kasikat habang si Marian ay hindi pa nakakarating sa bansa ng Cherry Blossoms.

Samantala, take two si Richard Gutierrez sa Japan sa November 21 hanggang 24 dahil nakatakda na naman itong magtungo ng Nagoya sa November 21 kasama ang kanyang Asero co-star na si Heart Evangelista at si Allan K. Mula Nagoya ay tutulak sila patungong Tokyo sa gabi ng November 22 para naman sa Family Day ng Philippine Embassy-Tokyo sa November 23. Babalik naman sila ng Pilipinas sa November 24. Unang nakarating si Richard sa Japan nung nakaraang Marso.

Kung ka-date ni Richard ang kanyang rumored girlfriend na si KC Concepcion sa Vienna, Austria para sa premiere night ng For the First Time, si Heart Evangelista naman ang ka-date ng binatang aktor sa Japan.
Hindi naman kaya magselos si KC?

0 comments:

ads