Tuesday, October 14, 2008

Fanny Serrano ayaw sa The Buzz

Pinalamig ni Richard Poon ang studio nung Lunes nang hapon dahil bago ito dumating ay naglabas ng sama ng loob ang kaibigang Jobert Sucaldito tungkol sa salon owner na si Fanny Serrano.

Nakarating kay Jobert ang pahayag ni Tita Fanny na bakit daw siya magpapainterbyu sa The Buzz tungkol sa isyu kina Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta samantalang binira siya ni Jobert sa radyo, sa ibang talk show na lang daw siya magsa­salita, dahil taga-The Buzz nga si Jobert.

Sabi ni Jobert, sa susunod daw na kukuha ng spokesman ang megastar, sana raw ay may utak ang kunin ng aktres, hindi tulad ni Tita Fanny na namemersonal.

Nabanggit din ni Jobert na noon daw ay si Precy Ejercito ang palaging takbuhan ng salon owner, napakalaki raw ng naitulong sa kanya ni Precy, pero nung EDSA 2 ay tumayo pa siya sa entablado para sa pagpapababa sa Pangulong Joseph Estrada na biyenan ni Precy.

“Nung magkasakit siya, ipinanghingi siya ng tulong ni Tita Evelyn Alvaran para sa operasyon niya, pero ano ang ginagawa niya? Ayun, tatapatan pa niya ang event nung tao, mabilis siyang makalimot,” dagdag pa ni Jobert.

Nag-ugat ang isyu sa pagtawag ni Tita Fanny sa mga manunulat para ipaliwanag na hindi naghiwalay ang mag-asawang Senador Kiko at Sharon, ang ibinigay niyang dahilan ay quiet time, ang sinabi naman ni Jobert sa radyo ay maging quiet na lang sana si Tita Fanny dahil baka hindi niya alam ang kabuuang isyung naglalabasan ngayon.

Nakarating yun kay Tita Fanny, maaaring may dagdag at may kulang na ang kuwento, kaya siya nakapagsalita na ayaw niyang magpainterbyu sa The Buzz dahil nandun nga si Jobert.

0 comments:

ads