Thursday, October 16, 2008

Kahit may dyowa, Vhong na-miss na ni Toni

Maganda ang trailer ng My Only U nina Vhong Navarro and Toni Gonzaga. Maraming natatawa.

Magkasama uli kasi ang dalawa sa nasabing pelikula na malapit na ang showing. Kaaliw ang ipinakikitang trailer nila.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor nila na siya ring nasa likod ng tagumpay ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. At sa pinakahuling resulta ng pelikula, kumita ito ng P180 million na bihirang mangyari sa isang pelikulang Tagalog. Mabili rin daw ang video ng nasabing pelikula.

Going back to My Only U, bahagi pa rin ng 15th anniversary celebration ng Star Cinema ang pelikula nina Toni at Vhong.

Ibang putahe na naman daw ang hatid ng Star Cinema dito.

Dati nang nagkasama sina direk Cathy at Toni, pagkatapos ng back-to-back hits nila noon na You Are the One at You Got Me. Ito naman ang unang pagsasama ni Vhong at direk Cathy.

“It is an honor na makasama kami ni Toni sa line-up ng mga pelikula ng Star Cinema ngayong 15th anniversary nila. After ng D’Anothers nakakatuwang makasama ulit si Toni. Nakaka-miss ang mga bonding moments namin,” say ni Vhong.

“After kasi ng Wazzup Wazzup at ng movie namin noon, sa ASAP na lang kami nagkakasama, so text-text na lang kami palagi, usap kung kailan mabigyan ng pagkakataon, kaya nakakatuwa na pinagsama ulit kami ng Star Cinema because Vhong is a dear friend at laging nakakatuwang makasama siya,” sagot naman ni Toni.

“This is another movie na kukurot sa puso nating lahat, again, we hope na we will once more touch our hearts and make the moviegoers happy with what we do for film. Sana magustuhan nila ito,” pahabol ni direk Cathy.

Catch My Only U in theaters nationwide on October 29.

0 comments:

ads