Tuesday, October 21, 2008

Raymart namili ng magandang offer ng Siete

Kung sa ibang artista mangyari yung mawalan ng proyekto ng anim na buwan, malamang sa hindi pumakabilang bakod na ito, pero hindi si Raymart Santiago na sa halip na magreklamo at mag-isip ng hindi maganda ay ginugol ang kanyang panahon sa pag-aasikaso sa mga bagay na may kinalaman sa mga batang nangangailangan ng atensyon.

Pinagkaabalahan din niya ang kanilang dalawang anak ni Claudine.

“Masaya naman ako sa GMA 7, bakit ako lilipat? Naghahanap lang siguro sila ng tamang project para sa akin.

Although may mga inalok naman sila sa akin pero hindi ko tinanggap dahil hindi bagay sa akin ang role. Nakita ko naman ang effort nila to give me work and to keep me busy.

“Okay na ako sa Siete, tulad din ng okay naman si Claudine sa Dos. Walang problema, we’re both busy,” sabi ni Raymart na may magandang role sa Gagambino, bagong telefantasya ng GMA 7 bilang pinuno na magtuturo kay Bino (Dennis Trillo) at sa mga kaibigan nito ng kanilang mga kapangyarihan.

0 comments:

ads