NAIIRITA na raw si Anne Curtis sa akusasyon ng ibang movie writers na mahilig siyang magtago ng relasyon. Sabi kasi, kahit kitang-kita na ang pagmamahalan nila ni Sam Milby ngayon, patuloy niya itong itinatanggi, sa hindi malamang dahilan.
Pero, giit ni Anne, nu’ng naghiwalay sila ni Sam noon, hindi siya nagpatumpik-tumpik na aminin ito.
Sabi pa ni Anne, wala pa talaga silang relasyon ni Sam ngayon, kaya wala pa siyang dapat aminin.
Pero sabi pa ni Anne, lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalake ay taglay-taglay ni Sam. Pero wala raw dahilan para magmadali sila ni Sam na magkaroon ulit ng relasyon.
“Right timing lang ang hinihintay ko. Hindi uso sa akin ang nagpapakipot. Hindi ako nagpapakipot kay Sam.
“Ang importante sa ngayon, happy kami ni Sam, at hindi kami nagmamadali. Kapag nagmadali kasi kami, baka hindi rin mag-work. Sayang lang.
“Sabi ko sa sarili ko, na kapag nakipagrelasyon ako ngayon, ang gusto ko ay siya na ang mapapangasawa ko,” sabi ni Anne.
Marami raw natutunan si Anne kay Sam, tulad ng pagiging mapagpatawad.
“Kulang ako sa ganun, `yung pagiging mapagpatawad. Si Sam kasi,
mabilis magpatawad. Sabi ko sa sarili ko, kung nagagawa ni Sam `yon, bakit hindi ko kayang gawin?” say pa rin ni Anne.
Masaya si Anne ngayon dahil maganda umano ang feedback sa show niyang Dyosa sa ABS-CBN 2.
0 comments:
Post a Comment