DAHIL sa tagumpay ng Gaano Kadalas Ang Minsan nina Marvin Agustin, Diana Zubiri at Camille Pratts, na-inspired ang GMA 7 na gastusan pa nang husto ang serye na ito.
Nakatakdang magpunta (o nakapunta na) sa Hong Kong ang buong cast para mag-taping ng eksena sa HK Disneyland.
Anyway, sa pakikipagtsikahan namin kay Marvin, inamin niya na interesado siya sa game show na niluluto ngayon ng GMA 7. Ayaw pang sabihin ni Marvin kung ano ang game show na type niya na siya ang mag-host, pero ikinuwento niya na kinareer niya nang husto ang audition.
Sabi, bago sumalang sa audition si Marvin ay ni-research niya nang husto sa internet ang game show na sumikat din noon sa Amerika. Kaya nu’ng sumalang na siya sa audition, parang minani-mani na lang ni Marvin ang paghu-host ng game show.
May mga kuwento-kuwento na bukod kay Marvin, nakita rin na nag-audition si Ogie Alcasid para maging host ng game show na `yon. At mukhang may advantage na agad si Ogie, dahil nakapag-host na siya ng game show noon sa ABC-5 na TV-5 na ngayon.
Sa taping ng Codename: Asero noon, inamin ni Richard Gomez na ang mag-host ng game show ang type na type niyang gawin ngayon. Gusto raw niya `yung idea na may nanalo sa isang show.
Ganiyan din ang sinabi ni Marvin nu’ng makausap namin siya, na ang saya-saya ng pakiramdam niya kapag nanonood siya ng game show, at may nananalo.
Sabi nga niya, kung puwede lang ay siya na mismo ang magpu-produce ng game show, para lang makapagbigay ng papremyo sa mga tao.
“Ang sarap kasi ng feeling nu’ng nakikita mo na may napapasaya kang mga tao na nanalo sa game show. At saka, bata pa lang ako, mahilig na ako sa game show. Fan na fan ako ng game show,” sabi ni Marvin.
Well, sa tono ng pananalita ni Marvin, kung game show rin lang ang pag-uusapan, palaban siya, at tila hinding-hindi siya aatras sa laban, kung sina Goma at Ogie ang kalaban.
0 comments:
Post a Comment