Tuesday, August 19, 2008

KOLEHIYALA, NAG-ILUSYON KAY MARK

NAGSILBING aral kay Mark Herras itong nangyari sa kanya na may isang kolehiyalang nag-iilusyon na may relasyon sila.
Nakausap ko ang ilan sa mga taong malapit kay Mark at kilala nila itong babaeng lumabas sa Showbiz Central na nagsabing may relasyon kuno sila.
Valerie raw ang pa­ngalan ng babaeng ito na estudyante sa UST.
Isang avid fan ito ng young actor na madalas na nakabantay sa kanya at umabot pa sa pagtulog sa kanilang bahay.
Kahit saan magpunta si Mark -- gaya ng taping, shooting o guesting -- sumisipot ang babaeng ito na minsan ay may dala pa itong pagkain.
Minsan ay inaabot ito ng umaga sa pagbabantay sa young actor kaya naawa sila, pinapatulog na lang ito sa kanilang bahay.
Ito ang napala ni Mark.
Nagmagandang-loob lang sa isang fan, nagkais­yu nang may relasyon ito sa isang kolehiyala.
May mga text message pang patunay kuno na may relasyon sila, pero tinitiyak ni Mark na wala silang relasyon.
Pinagsabihan na ni Manay Lolit ang alaga niya na mag-ingat na ito dahil hindi mala­yong mangyari ang mga ganu’ng bagay kapag sob­rang nagpaka-close ka sa isang fan.
Iyong pagtulog sa kanilang bahay, parang OA nang closeness iyan sa isang fan.
Sa susunod, dapat na mag-ingat na si Mark. Hindi nakakatulong minsan kapag lumabis na ang magandang pagtrato sa isang fan.
***
Sinorpresa si Sunshine Dizon ng kanyang Mommy Dorothy nu’ng Lunes ng hapon.
Dinala ni Mommy Dorothy ang anak sa isang farm sa Antipolo.
Alam ni Sunshine na merong biniling lupa ang kanyang Mommy sa Antipolo pero hindi niya sukat akalaing nakapagpatayo na ito roon ng bahay-bakasyunan.
Kaya raw pala halos araw-araw ay nasa Antipolo si Mommy Dorothy, abala ito sa pagpapaayos ng lupang binili.
Dapat ay sorpresa ito ni Mommy Dorothy sa birthday ni Sunshine pero nasa hospital pa ito noon kaya lalo pa niyang pinaganda para ma-appreciate ng aktres.
Tinatawanan na lang daw nila ang mga nagla­labasang isyung nagsanla na ito ng gamit at nagbenta ng bahay.
Iyun pala, ang daming lupang binili ni Mommy Dorothy sa Antipolo at ilan pang bahagi ng Rizal.
Mas gusto ni Sunshine na iyun ang pinagkakaabalahan ng Mommy niya dahil nagkakaedad na ito. Bagay raw ito sa mga tahimik na lugar gaya ng Antipolo.
Malaki ang pasasalamat ni Mommy Dorothy at hindi na in love ang kanyang anak kaya nakakapag-concentrate na ito sa trabaho.
Nakakaaliw ang interview ni Kuya Ricky Lo sa mag-ina na napanood sa The Ricky Lo Exclusives kagabi dahil halatang irita si Mommy Dorothy kay Jojo Manlongat.
Pinigilan na lang ito ni Sunshine na magsa­lita dahil mabuting hindi na lang daw sila nakakasama ng loob sa ibang tao.
Halos lahat pala na lalaking na-link kay Sunshine ay hindi type ni Mommy Dorothy. Pinapakisamahan lang daw niya ang mga ito dahil mahal ng kanyang anak.

0 comments:

ads