Kung isang malaking sorpresa at pasasalamat para sa isa hottest love teams ng bansa ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang mga fans ang Let's Celebrate: The Dingdong & Marian Birthday Blowout! kagabi, August 27, sa Araneta Coliseum, isang malaking sorpresa rin ang ibinigay sa kanila sa naturang birthday concert.
Sa part ni Marian, hindi nito napigilan ang sobra-sobrang mapaiyak habang yakap-yakap ni Dingdong nang marinig ang boses ng ama na bumabati sa kanya sa wikang EspaƱol mula sa Spain.
May ilang segundo nang tapos ang naturang recorded message ng ama na si Mr. Francsico Javier Alonzo Gracia, pero patuloy pa rin sa pag-iyak si Marian. Hindi itinago ng young actress na miss na miss na niya ang kanyang ama na limang taon na niyang hindi nakikita.
Habang humihikbi ay ipinaliwanag ni Marian ang kanyang saloobin.
"Siguro marami po sa inyo ang hindi alam yung tungkol sa pamilya ko. Miss na miss ko na kasi ang Papa ko kaya ganun na lang ang naging reaksiyon ko. Sobrang mahal ko yun kahit hindi ko nakikita, kasi limang taon na kaming hindi nagkikita kaya ang saya para sa akin," pahayag niya sa gitna ng entablado.
After ng concert, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Marian. Pagkatapos niyang marinig ang boses ng kanyang ama, kailan naman niya pinaplanong dalawin ito?
"Hindi ko pa po alam. Boses pa lang po, masaya na ako. Ano pa kaya kung makita ko siya?" masayang-masayang pahayag ni Marian na overwhelmed pa sa success ng kanilang birthday concert at hindi inaasahang pagbati ng kanyang ama.
Dagdag niya, "Kung may pagkakataon, gusto kong talaga ako ang pumunta sa kanya, e."
Ayon kay Marian, five years na raw silang hindi nagkikita ng kanyang ama at madalas ay napuputol daw ang kanilang communication. Hindi ba siya nakaramdam ng sama ng loob sa ama?
"Never! Masama yun!" nakangiti niyang sabi. At saka isinunod na, ‘Tama na, maiiyak na naman ako, e!"
Nagulat daw siyang talaga na nagawa ng production team na ma-contact ang kanyang ama.
"Nagulat talaga ako kasi, wala talaga, as in wala! At hindi ko ine-expect na siya ang pinakamalaking sorpresa sa akin. Nagulat talaga ako. Kaya salamat sa gumawa at humanap sa kanya, mahal kita!" bulalas ni Marian.
Any message for her dad?
"Basta kahit na ano'ng mangyari, mahal kita. At sa lahat, higit sa pamilya ko na nagmamahal sa akin, especially sa lola ko, kahit na ano'ng mangyari, nandito ako para sa kanila. At hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanila," pahayag ni Marian.
Posibleng manibago ang daddy niya kapag nakita na siya dahil ibang-iba na siya at sikat na sikat na ngayon?
"Hindi pa rin! Ako pa rin ang batang gustung-gusto niya at mahal na mahal niya. Hindi magbabago yun, hindi!" may diin at natatawa niyang sabi.
SUCCESSFUL BIRTHDAY CONCERT. Masayang-masaya rin si Marian dahil sa tagumpay ng kanilang birthday concert at sa dami ng taong dumating sa kabila ng pag-ulan at kinabukasan ay may pasok pa.
"Siyempre, sobrang saya! Bilang artista, bibihira lang naman ang chance na mag-concert ng ganito at Araneta pa, sobrang laki! At para namang hindi malabo ang mata ko, nakita ko naman na puno naman siya. Sobrang ligaya namin ni Dong at sabi ko nga, gagawin namin ito dahil mahal namin silang lahat."
Para kay Marian ang ginawa naman daw nila sa Araneta Coliseum ay hindi para ipakitang mga concert performers sila dahil alam naman nilang hindi. Since it was a birthday celebration, so ang inisip nila ay ang maging masaya sila at makapagpaligaya sila ng mga sumusuporta sa kanila.
"At saka ano, hindi na namin inisip na baka magkamali kami rito, mapapahiya kami," dagdag niya. "Parang enjoy na lang namin ito, kasi ginagawa naman namin ito para sa kanila. At alam naming mahal nila kami at kahit ano pa ang gawin namin, iintindihin at mamahalin nila kami".
Sa kanilang speech sa katapusan ng show, hindi nakalimutang pasalamatan nina Dingdong at Marian ang isa't isa sa kung anuman ang meron silang tinatamasa sa kanilang career ngayon.
Sa tanong ng PEP kung pagkatapos ng Marimar at Dyesebel ay gugustuhin pa rin nilang silang dalawa pa rin ang mapanood ng mga tao na magkasama sa isang project, parehong mabilis ang naging tango ng dalawa.
Sabi ni Marian, "Siyempre, kung pagbibigyan ng chance, bakit hindi, di ba? Bakit hindi pa rin kaming dalawa ni Dong?" - Philippine Entertainment Portal
Thursday, August 28, 2008
Marian Rivera cries upon hearing her father's voice
Posted by
ryan
at
6:03 PM
Labels: marian rivera
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Donate
Search
Categories
- abs-cbn (1)
- Alessandra de Rossi (2)
- Angel Locsin (2)
- Angelica Panganiban (2)
- Angelika dela Cruz (2)
- anne cutris (2)
- Blind Item (12)
- Boy Abunda (1)
- Carlene Aguilar (1)
- CharicePempengco (1)
- Claudine Baretto (2)
- Controversy (5)
- Cristy Fermin (1)
- Dennis Trillo (2)
- Ding dong Dantes (4)
- Edu Manzano (1)
- ely buendia (1)
- francis m (1)
- Gabby concepcion (2)
- Gabby conception (4)
- heart evanghilista (2)
- Janina San Miguel (1)
- Jc de Vera (1)
- Jennylyn Mercado (3)
- john lloyd cruz (2)
- Jolina Magdangal (1)
- Judy Ann Santos (5)
- KAPAMILYA (4)
- Kapuso (3)
- Karylle (1)
- katrina halili (3)
- Kris Aquino (1)
- marian rivera (5)
- Movies (2)
- Nadia Montenegro (2)
- ogie alcasid (1)
- Paolo Bediones (1)
- Patrick Garcia (3)
- Phoemela Baranda (1)
- pokwang (2)
- Polo Ravales (1)
- Pops Fernandez (1)
- Raymart Santiago (2)
- Rhian Ramos (4)
- Richard gomez (2)
- Richard Gutierez (1)
- Robin Padilla (1)
- Roxanne Guinoo (1)
- Ryan Agoncillo (2)
- sam milby (2)
- Sarah Geronimo (5)
- Shows (1)
- Startalk (1)
- vilma santos (1)
- willie revillame (1)
0 comments:
Post a Comment