Wednesday, September 10, 2008

‘Di ko nalilimutan ang GMA’ – Richard

Sa launching ng promo ng Emperador na kanyang ini-endorse with his dad and siblings, nilinaw ni Richard Gutierrez ang isyung paglipat niya sa ABS-CBN ‘pag natapos ang kontrata niya sa GMA 7 dahil sa nangyari sa inang si Annabelle Rama at SVP for TV Entertainment na si Wilma Galvante.

“Mga balita lang ‘yun, pero hindi totoo. Am just very happy na tinanggap akong guest ng ABS-CBN at dream come true sa akin ‘yun, pero siyempre, hindi ko nakalilimutan ang home network ko. Ang sarap nga ng feeling na nag-unite ang two networks kahit sandali lang at kami ni KC (Concepcion) ang bridge.”

Ipinarating namin kay Richard na may mga Kapuso viewers ang nalungkot sa posibilidad na lilipat siya sa ABS-CBN at heto ang kanyang sagot: “May mga na-confuse because I was guesting in ABS and they’re not used seeing me in Ch. 2, pero agreement lang ‘yun for the promotion of For The First Time.”

Para payapain ang fans niyang naguguluhan, ibinalita ni Richard na pag-uusapan na ang next project niya sa Ch. 7 kahit up to November pa ang Codename: Asero. Excited siya pareho sa two projects na ibinigay sa kanya at mamimili siya nang gustong gawin.

“By December, magsu-shoot na rin kami ni KC ng When I Met You ng GMA Films and I’m sure, ABS will do their part and help us sa promo ng Valentine movie. May balitang tatapatan kami ng movie nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, pero hindi naman pala tapat, magkakasunod lang ang playdate,” pahayag ni Richard.

May dalawa pang kasunod na endorsement si Richard at isa rito’y pagsasamahan nila ni Anne Curtis.

0 comments:

ads