Wednesday, August 20, 2008

Phoemela Baranda, suspendido sa ‘TV Patrol’ dahil sa paghuhubad?

SI Krista Ranillo ang pansamantalang nag-take over sa pag-anchor ng mga entertainment news sa TV Patrol. Dati itong trabaho ng model-turned-celebrity na si Phoemela Baranda na kasalukuyang naka-leave daw ngayon sa naturang TV news program ng ABS-CBN 2.


Sabi ni Krista, wala raw siyang alam kung bakit biglang nag-leave si Phoemela sa TV Patrol. At lalong hindi raw niya sinulot ang trabaho ni Phoemela.


“Basta tinawagan na lang nila ang manager ko and they asked kung okey ba ako to do an entertainment segment for TV Patrol. ‘Yung ginagawa raw ni Phoemela ang gagawin ko.


“Since it’s a good opportunity, why not? Pero nagtanong naman ako kung dalawa ba kami ni Phoemela ang gagawa. Sinabi nila na ako lang daw kasi wala si Phoemela. I asked naman kung bakit wala si Phoemela? They just said that she left and had to do something important daw.


“The latest I heard was she was taking a vacation somewhere. ‘Yun lang ang mga nakakara­ting na balita sa akin,” kuwento ni Krista.


Pero may kumalat na balita na diumano’y suspended daw ngayon si Phoemela sa TV Patrol dahil sa ginawa nitong daring pose sa co­ver ng Maxim magazine. Halos hubo’t hubad daw ang larawan ni Phoemela sa naturang men’s magazine kaya napatawan daw ito ng suspension?


“I didn’t know about that but I heard nga that she was super daring doon sa Maxim cover, though I haven’t seen it yet.


“Sana naman hindi totoo ang balitang ‘yan kasi nakapanghihinayang naman ang sinimulan niyang trabaho sa TV Pat­rol. Isipin na lang natin na she’s just on a vacation at babalik pa siya sa show,” sambit ni Krista.


Teka, nag-pose rin naman si Krista sa FHM ng seksi, di ba? “Sila naman ang nag-offer ng job sa akin kaya siguro wala naman silang nakitang masama sa mga nagawa ko na. If they find me na hindi karapat-dapat na puma­lit kay Phoemela, hindi sana nila tinawagan ang manager ko para kunin nila ako, ‘di ba?


“Kung anuman ang reason kung bakit nila ako kinuha, sila na lang ang tanungin niyo. Basta ako, may nag-offer ng trabaho, gagawin ko ang makakaya ko para hindi naman ako mapahiya. So far, okey naman lahat and I’m enjoying myself sa TV Patrol.”


Bukod sa TV Patrol ay kasama rin si Krista sa cast ng Hush-Hush ng bagong TV5. Kasama niya rito sina Bernard Palanca, Joem Bascon, Bruno Folster, Ina Feleo, Ana Feleo, Valeen Monte­negro at Dominic Ochoa. Mula ito sa direksyon ni Laurice Guillen at Jade Castro.

www.abante-tonite.com (RUEL MENDOZA)


0 comments:

ads