Thursday, August 21, 2008

Viva P100 M ang budget sa Baler; Anne nangangarag

Sosyal ang Viva Films. Talagang may-I-hold nila sa isang five-star hotel ang press launch ng Baler, ang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Take note, Filipino costume ang suot ng mga artista ng pelikula porke period movie nga ang Baler.

Present sa presscon si Senator Edgardo Angara na malaki ang kinalaman kaya nabuo ang project na hinuhulaan na hahakot ng award sa MMFF.

True ang sinabi ni Boss Vic del Rosario na pinaka­magastos na filmfest entry ang Baler dahil aabot sa P100 M ang budget ng pelikula na hindi nakapag­tataka.

Kayo na ang magkaroon ng project na malaki ang cast at may name lahat. Kasali sa Baler sina Jericho Ro­sales, Anne Curtis, Joel Torre, Michael de Mesa, Bernard Palanca, Baron Geisler, Carlo Aquino, Ryan Eigenmann at Phillip Salvador.

Siyempre, kukunan sa Baler, Quezon ang mga eksena ng pelikula or else, hindi na Baler ang bagay na pamagat di ba?

* * *

Lalong lumiit ang mukha ni Anne sa presscon ng Baler dahil malaki ang kanyang ipinangayayat.

Ngarag si Anne dahil sa madugong taping ng kan­yang TV series sa ABS-CBN at sa shooting ng Baler.

Hindi biro ang magkaroon ng regular TV show. Palaging puyat at pagod ang mga artista kaya luxury sa kanila ang magpahinga at matagal na tulog.

* * *

Sunud-sunod ang project ni Baron, kesehodang bad boy ang kanyang image. Nakatulong kay Baron ang best actor trophy na napanalunan niya sa Cine­malaya at ang guidance sa kanya ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Magaling na artista si Baron at nakita ni Maryo J. ang kanyang potensyal. Huwag sanang sayangin ni Baron ang pagtitiwala ng kanyang bagong manager.

Sa totoo lang, nakatulong din kay Baron ang expo­sure niya sa Pinoy Big Brother. Kahit papaano, nain­tindihan ng mga tao ang kanyang pinanggagalingan itsurang naloka sila nang isubo niya ang microphone nang malasing siya.

* * *

Matagal na kaming hindi nagkikita ni Boss Vic. May nagkuwento sa akin na pumayat si Boss Vic dahil sa yoga.

Parang type ko na rin na mag-Yoga. Maraming mga celebrity ang hook sa Yoga dahil nagkaroon daw sila ng healthy mind, body and spirit.

Isa si Boss Vic sa mga tao na hindi ko malilimutan. Isa siya sa mga tao na nagpakita sa akin ng kabutihan noong down ako. Na-touch talaga ako sa good deed na ginawa sa akin ni Boss Vic na never kong malilimutan. Thank you Boss Vic!

Lalo pa sanang dumami ang mga pelikula na ginagawa ng Viva Films para maging active uli ang entertainment

0 comments:

ads