Wednesday, September 10, 2008

ennylyn, enjoy sa pagiging nanay


HINDI maikakaila ang pagiging super proud mom ni Jennylyn Mercado sa kanyang baby na si Jazz. Habang hindi pa bumabalik sa kanyang showbiz career, very hands-on pa nga si Jennylyn sa pag-aalaga ng kanyang anak.


Ayon kay Jen, “Ang sarap maging mommy, sobra! Walang katumbas!”


Nang sabihin namin na ang cute ng baby niya na nakita namin ang picture sa Startalk, siya na mismo ang nagsabing, “nakuha niya sa akin ‘yung eyes at saka lips niya. Para siyang Chinese.”


May mga commercial offers na ba ang baby niya?


“Wala pa naman po. At saka, sa coffee table book ko po kasi siya unang lalabas.”


If ever na may offer for TV commercial, papayag ba siya?


“Siguro po, pero, hanggang doon lang. Ha! Ha! Ha!”


Hindi pa raw talaga puwedeng mag-release ng mga pictures or ipa­kita ang anak ng live sa telebisyon dahil una nga raw itong masisilayan ng publiko sa kanyang coffee table book.


‘Yun nga lang, siguradong mas masasabik ang mga tagahanga ni Jennylyn na makita ang kanyang coffee table book kunsaan, detelyado na makikita ang mga pictures noong buntis pa lang siya at hanggang sa actual na ipinapanganak niya ang kanyang baby. Instead na sa unang napabalita na October ang release nito, na-move na raw ito by November.


Pero matutuwa naman ang mga fans niya dahil by next month, balik limelight na raw siya at sasabak na muli sa pagta-trabaho. Hindi pa nga lang daw niya alam kung anong project ang una niyang gagawin.


Ito na ba ang balik tam­balan nila ni Mark Herras?


“Hindi ko po alam. Kahit ako, wala akong idea. Ayaw nilang sabihin. Secret daw muna po.”


Contrary sa mga chika na lilipat na rin si Jennylyn sa Kapamilya network tulad ni Angel Locsin na kasamahan niya sa ma­nagement ni Becky Agui­la, wala raw katotohanan ‘yun.


“Kapuso pa rin po ako. Hindi lang po ako nag-renew na sa GMA Artist Center, pero, sa GMA 7 po, may exclusive contract po ako sa kanila. ‘Yun na rin po ang gusto ni Tita Becky,” say na lang ni Jennylyn.

0 comments:

ads