Thursday, September 11, 2008

Charice ima-manage ni Oprah


Sosyal na sosyal ang bagets na si Charice dahil pinag-uusapan ang pag-apir niya sa show ni Oprah Winfrey noong Martes.

Mukhang totoo ang tsismis na si Oprah na ang magiging manager ni Charice dahil hangang-hanga siya sa talent ng bagets na Pinay singer.

Magkakaroon ng duet sina Charice at Celine Dion sa show nito sa Madison Square Garden sa Septem­ber 19 at kukunan ito ng mga kamera ng Oprah para ilabas sa kanilang show. Ganoon katindi ang suporta ni Oprah kay Charice na international singer na ang aura.

Malayung-malayo ang mararating ng singing career ni Charice dahil mga sikat na personalidad sa Amerika ang tumutulong sa kanya. Bukod kay Oprah, suportado rin si Charice ng sikat na composer na si David Foster.

Ano kaya ang masasabi ng tatay ni Charice sa tagumpay ng kanyang anak? Naimbyerna kaya ang fadir dahil ibinulgar ni Charice sa show ni Oprah na bayolente ang tatay niya?
* * *

Laman ng mga news program noong Miyerkules ng gabi ang pag-apir ni Charice sa show ni Oprah.

Ewan ko lang kung naririto sa Pilipinas si Charice dahil kasali nga siya sa concert ni Celine Dion sa Madison Square Garden sa September 19.

Hindi ko napanood ang tsikahan portion nina Charice at Celine sa show ni Oprah pero may nagku­wento sa akin tungkol sa pagiging inconsistent ni Celine.

Inconsistent dahil may moment na ‘Cherish’ ang tawag niya kay Charice at may oras na Sherish ang pronounciation niya sa name ni Charice. Nalito-lito na siguro si Celine kaya iba-iba ang tawag niya kay Charice. O di ba, pati si Celine eh pinatulan ko dahil sa mali-maling bigkas niya sa pangalan ni Charice?

0 comments:

ads