Wednesday, September 10, 2008

Gabby at Mommy Rose, pera ang ugat ng problema

HINDI natuloy ang paghaharap at pag-uusap nina Gabby Concepcion at ng kanyang business manager na si Mrs. Rose Flaminiano noong Lunes ng gabi.


Nag-request si Mommy Rose na ilipat sa ibang araw ang meeting nila ni Gabby dahil gabi na nang makabalik siya sa Metro Manila. Nangga­ling si Mommy Rose sa Dagupan at naipit siya sa matinding trapik dahil sa malakas na ulan.


Base sa mga lumalabas na balita, pera ang diumano’y ugat ng hidwaan ni Gabby at ng kanyang manager.


Malaki raw ang ipinag­bago ng ugali ni Gabby nang matapos ang kanyang successful two-night concert sa Music Museum. Humihingi na raw si Gabby ng mas mataas na talent fee at nag-walk out siya sa isang meeting nang malaman niya na co-producer si Mommy Rose sa kanyang concert.


Pero iba ang mga sinasabi ni Mommy Rose nang tawagan namin ito kahapon para hingin ang panig niya tungkol sa walk-out issue. Imbes na siraan si Gabby, ipinagtanggol pa niya ang kanyang alaga.


Mariing sinabi ni Mommy Rose na hindi nag-walk out si Gabby nang makita nito ang kontrata. Walang insidente na ganoon at lalong wala sa ugali ni Gabby ang mag-walk out.


In fact, according to Mommy Rose, siya pa raw ang nagsabi kay Gabby tungkol sa memorandum of agreement nila ni Arlene Lipana, ang co-producer ng mga show ni Gabby.


Maraming tawag sa telepono ang natatanggap ni Mommy Rose mula sa staff ng mga showbiz-oriented talk show at humihiling na mainterbyu siya tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng talent-manager relationship nila ni Gabby.


Tinanggihan ni Mommy Rose ang mga request dahil naniniwala siya na hindi kailangan na magpainterbyu sa mga talk show para malutas ang mga problema o pagtatampo ni Gabby.

0 comments:

ads