Wednesday, September 10, 2008

Rhian Ramos, iti-take home si JC de Vera


SA presscon ng Obra, sinabi ni JC de Vera na kung naging isang tunay na macho dancer siya, at papipiliin siya kina Rhian Ramos, Yasmien Kurdi, at Michelle Madrigal, ng babae na magti-take home sa kanya, si Rhian ang isinagot niya na type niya na mag-take home sa kanya.

Sabi pa ni JC, bata, fresh at maganda raw kasi si Rhian, kaya type niya na ito ang mag-uwi sa kanya mula sa gay bar, kung saka-sakali.


Sa interview ng ilang entertainment writers kahapon kay Rhian para sa bago niyang serye sa GMA 7 na La Lola, ipinakita namin kay Rhian ang hubad na larawan ni JC. Isang malakas na tili at halakhak ang naging reaksyon ni Rhian.


“Ang guwapo kasi niya. Ha! Ha! Ha! Ha!


“Bakit may picture siyang ganyan? Trip lang niya?” sabi pa ni Rhian.


Anyway, ikinuwento ng press kay Rhian ang sagot ni JC na siya ang type nitong mag-take home sa kanya. At muli, isang malakas na tili at ha­lakhak na naman ang na­ging reaksyon ni Rhian.


“Okey sige, iti-take home ko siya, kasi may La Lola kami. Ha! Ha! Ha! Ha!” say pa ni Rhian.


Anyway, sa October 3 ay 18 na si Rhian, at na­nga­ngahulugan ba `yon na papayag na siyang ligawan ni JC?


“Ngayon ko pa lang siya makikilala. Ngayon ko pa lang siya makakasama ng madalas. So, tingnan na lang natin. Mas maganda kung makilala ko muna siya.”

0 comments:

ads