Saturday, September 20, 2008

JC, kahilera na nina Richard, Dingdong at Dennis?


Maganda ang Obra project na ibinigay ng GMA Network kay JC de Vera na alaga ni Annabelle Rama. Was this to prove na walang personalan sa pagkakasabay ng first day showing ng Richard Gutierrez mo­vie at ng Dingdong birthday show sa Araneta Coli­seum?


Well, if that was meant simply to appeased the wrath of the Visa­yan Monster Mom -- GMA Network hit the jackpot. Maraming nag-aabang tuwing Huwebes nang gabi no matter how late sa gagawin ni JC de Vera.


Magaling ang nagplano to entice the gay community ay isang macho dancer role ang u­nang salvo ng 4-weeks presentation, perhaps to test the waters na rin for JC kung lalabasan (natu­ral naman, noh! Albert Sunga?) siya ng galing sa akting.


At maganda ang binu­ong istorya although gamit na gamit ang ganoong genre o istorya tung­kol sa mga nakakarelasyon o nawa-one night stand ng mga ba­ding at matrona.


Sa isang matrona na-involved si JC sa kuwento, dahilan para mapatay siya and end the story na bitin nga.


Suspetsa ko, gusto ng author o ng direktor na lagyan ng audience parti­cipation ang Obra para ang televiewers ang bumuo o gumawa ng sa­rili nilang Obra -- in other words, kung bitin man ang istorya, eh bahala na kayong maglagay ng ending o draw your own conclusions.


Gaya nung Huwebes na ala-Cogie Domingo ang role na ginampa­nan ni JC.

Akting na akting na nga si JC ang kapareha naman niyang si Lovi Poe ay kulang na kulang sa emosyon. In fairness, nakadeliber si JC at aabangan ko ang kasunod na ikatlong Obra sa Huwebes ha, Bisaya.


But one thing, rendahan mo ang alaga mo at baka makabuntis siya this early, mawalan ka ng another goldmine!


And now, our ranking: Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Dennis Trillo and ....JC de Vera. Duma­dami ang mga lalake ng GMA Network na pagnanasaan ng mga bading sa ABS-CBN!

0 comments:

ads