Thursday, September 11, 2008

Sarah, type maging madre!


WALANG duda na ang bangu-bango ng career ngayon ni Sarah Geronimo. Super-tagumpay ang movie nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love, at halos lahat na yata ng lalake sa showbiz ngayon ay type siyang makasama sa movie.

Sabi, pinag-aagawan siya ngayon nina Ronnie Liang, Mark Bautista, Erik Santos at Billy Crawford?


Aminado si Sarah, may isang lalake na nakikita niya tuwing Sunday ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Mas matanda raw ang lalake sa kanya.


Ano ba ang ginagawa nu’ng lalakeng ‘yon at sumasaya siya?
“Mahirap mag-des­cribe, eh…” say ni Sarah.


Akala ko, sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Rayver Cruz ang mga crush mo?


“Wala po sa kanila! Si Piolo, iba pa po siya.


“Basta, napapasaya po ako nu’ng crush ko, pero hindi naman talaga ‘yung kilig. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako napapasaya.”


Bakit ba ayaw niyang sabihin ang pangalan ng crush niya? Baka naman may asawa na ito?


“Naku, ayaw ko pong magsalita. Marami ang magre-react kapag sinabi ko. Nakikita ko kasi ‘yung mga magiging consequences, kaya ayokong sabihin.”


Anyway, si Sarah yata ang kaisa-isang babae ngayon sa showbiz na maraming bawal gawin. Bawal sa kanya ang maki­paghalikan sa pelikula, at bawal din ang magkuwento tungkol sa kanyang crush.


Sabi nga, baka kung hindi nag-artista si Sa­rah, isa na siyang madre ngayon.


“Siguro po kung wala na itong lahat, may posibilidad na maging madre ako

. Totoo po ‘yon. Pero, hindi ko po alam, parang may gusto po akong mara­ting. Hindi po ito joke. Seryoso po ito.


“Sobrang conservative talaga ako. Hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na nakikipaghalikan sa harap ng mga tao. Parang nakakakilabot. Kung iki-kiss man ako ng lalake, gusto ko sa aming dalawa na lang, ayaw kong makita ng lahat,” say na lang ni Sarah.

0 comments:

ads