Thursday, September 11, 2008

Bossing ng isang network ‘nangagat’

Suspendido pa hanggang ngayon ang isang bossing ng isang departamento ng isang malaking network. Parang malalim na parang mababaw lang ang dahilan ng kanyang suspensiyon, ang paghahatid-paglilipat ng salita sa isa niyang kasamahang bossing din, ang kanyang siniraan ay bossing din kaya nagkagulo-gulo sila.

Sinabi nung suspendidong bossing sa mas mataas na ehekutibo kesa sa kanya, “Alam mo ba na kapag nakatalikod ka, tinatawag kang___(isang negati­bong termino) ni ____(pangalan ng isang bossing din ng departamento)?”

Natural, nagulat ang sinabihan niya, bakit nga naman ganun? Hindi naman ito ____(ang terminong ikinambal diumano ng isang bossing sa kanya), matalino naman ang female boss, ano naman kaya ang galit ng bossing na yun sa kanya para ikambal sa kanyang katauhan ang napakasakit sa pandinig na salitang yun?

Kailangang magamot agad ang problema, hindi nga naman tama na meron palang nangangagat nang talikuran sa kanilang departamento, kaya ihinain sa kataas-taasang ehekutibo ang isinumbong na chika ng suspendidong bossing sa kanyang kasamahan.

E, palaban ang taong diumano’y tumawag ng____ sa female boss, harap-harapan nitong kinompronta ang kanyang kasamahan, ayon sa bossing ay napakahalay ng ganun na sila-sila na nga lang ang magkakasama sa departamento ay nagtatrayduran pa sila.

Sa halip na kampihan, sinuspinde ng departamento ang ehekutibong gumawa ng isyu, ayon sa hatol ay hindi tama na gumagawa ng mga kuwento ang bossing para magkagulo-gulo ang kanilang dibisyon.

Ang tanong, sa pagbabalik kaya ng suspendidong ehekutibo ay mabalik pa sa dati ang kanilang samahan ng bossing na iginawa niya ng kuwento para makaaway ang mas mataas na ehekutibo sa kanila?

0 comments:

ads