Sunday, September 21, 2008

Sexy Actress lumaklak ng pabango

Nag-attempt ng suicide ang sexy actress na ito, pero hindi sa pamamagitan ng pag-o-overdose ng gamot o pag-inom ng pesticides. Sosyal ang hitad at Victoria’s Secret perfume ang nilaklak at ang katu­wiran, kahit mamatay siya’y mabango pa rin siya. Hindi yata nito alam na i-embalsamahin siya kung siya’y natuluyan at mawawala rin ang bango niya sa katawan.

Hindi rin tungkol sa love life ang rason kung bakit ginusto ng actress na wakasan ng maaga ang kanyang buhay, kundi dahil sa pera. Nag-away ang actress at ina nito tungkol sa pera at sa sama ng loob, ayun uminom ito ng perfume. Mabuti’t naagapan at mabilis na nailabas nito ang ininom na pabango at back to work ang luka-luka.

0 comments:

ads