ASIWANG-ASIWA si Dennis Trillo na pag-usapan ang bagong boyfriend ni Carlene Aguilar na si Yo Ocampo. Dinaan na lang ni Dennis sa pagtawa ang mga tanong sa kanya tungkol kina Carlene at Yo.
“Wala na bang puwedeng pag-usapan? Puwede ba na Gagambino na lang ang itanong ninyo sa akin?” nakangiting pakiusap ni Dennis.
Lantaran na nga na ipinarada ni Carlene ang lalakeng ipinalit niya kay Dennis. Palagi silang magkasama, at always present si Yo sa Celebrity Duets.
Sabi nga ni Dennis, kung saan masaya si Carlene, gawin niya. Wala raw siyang nakikitang masama sa ginagawa ni Carlene dahil wala na silang commitment, maliban lang sa pagiging magulang sa anak nilang si Calix.
“Carlene can do whatever she wants naman. Hindi ako makikialam sa mga gagawin niya. May kani-kanya na kaming buhay. Ang importante ay hindi namin napapabayaan si Calix.
“Like what I said, kung saan masaya si Carlene, doon siya. At kung saan din ako masaya, doon din ako.”
Okey rin kay Dennis kung maging close si Yo sa anak nila ni Carlene.
“Okey ‘yon sa akin. Ako pa rin naman ang ama ni Calix at hindi mababago iyon.”
Tulad nga ni Dennis, naging kontrobersyal din si Yo Ocampo noong sumubok itong pumasok sa showbiz noong 2003. Sumali sa ilang contests noon si Yo at nakasama pa sa pelikulang Hubog ni Assunta de Rossi.
Ang natandaan naming issue kay Yo noon ay ang nu’ng pinag-agawan siya ng dalawang talent managers. May kontrata kasi siya sa dalawang managers noon. Nagkaroon pa ng hindi magandang confrontation noon ang dala-wang managers dahil kay Yo. After noon ay bigla na lang nawala si Yo at balitang ayaw na nitong mag-artista dahil na-trauma ito sa pag-aaway ng dalawang managers.
Monday, October 13, 2008
Dennis, walang pakialam sa lalake ni Carlene!
Posted by
ryan
at
6:48 PM
Labels: Dennis Trillo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Donate
Search
Categories
- abs-cbn (1)
- Alessandra de Rossi (2)
- Angel Locsin (2)
- Angelica Panganiban (2)
- Angelika dela Cruz (2)
- anne cutris (2)
- Blind Item (12)
- Boy Abunda (1)
- Carlene Aguilar (1)
- CharicePempengco (1)
- Claudine Baretto (2)
- Controversy (5)
- Cristy Fermin (1)
- Dennis Trillo (2)
- Ding dong Dantes (4)
- Edu Manzano (1)
- ely buendia (1)
- francis m (1)
- Gabby concepcion (2)
- Gabby conception (4)
- heart evanghilista (2)
- Janina San Miguel (1)
- Jc de Vera (1)
- Jennylyn Mercado (3)
- john lloyd cruz (2)
- Jolina Magdangal (1)
- Judy Ann Santos (5)
- KAPAMILYA (4)
- Kapuso (3)
- Karylle (1)
- katrina halili (3)
- Kris Aquino (1)
- marian rivera (5)
- Movies (2)
- Nadia Montenegro (2)
- ogie alcasid (1)
- Paolo Bediones (1)
- Patrick Garcia (3)
- Phoemela Baranda (1)
- pokwang (2)
- Polo Ravales (1)
- Pops Fernandez (1)
- Raymart Santiago (2)
- Rhian Ramos (4)
- Richard gomez (2)
- Richard Gutierez (1)
- Robin Padilla (1)
- Roxanne Guinoo (1)
- Ryan Agoncillo (2)
- sam milby (2)
- Sarah Geronimo (5)
- Shows (1)
- Startalk (1)
- vilma santos (1)
- willie revillame (1)
0 comments:
Post a Comment