Monday, October 13, 2008

Young actor kinalimutan na ang utang

Ilang linggo naming nakasama sa Winnipeg, Canada si Bernadette Dueñas, ang make-up artist ng ABS-CBN na inutangan ng young actor (na nung magtagal-tagal na ay umaming young actress pala ito) na si Marc Cortez, ipinagpasa-Diyos na lang pala niya ang pagkakautang nito dahil kahit anong paniningil ang gawin niya ay puro kaechosan lang naman ang mga pangakong binibitiwan sa kanya.

“Hindi ko na lang siya iniintindi, malaking pera ang inutang niya sa akin, totoo yun, pero kung dun ko naman ibubuhos ang attention ko, baka hindi na sumulong ang buhay ko,” katwiran ni Bern.

Ang huling pangako ni Marc Cortez ay susunod ito sa kanyang ina sa ibang bansa, kapag nandun na raw ito ay magpapadala na lang ng pambayad sa kanya, pero iba naman ang pananaw ni Bern tungkol dun.

“Kung yung nandito nga siya, e, hindi man lang siya makaalalang magbayad, kundi ko pa siya hanapin at tawagan, e, hindi naman siya nakakaalalang manghingi man lang ng dispensa sa akin, yung nasa ibang bansa pa kaya niya ako maalala?

“Siyempre, sinabi na lang niya yun para maisip kong magbabayad pa rin siya, pero hindi na ako umaasa pa, lista na lang sa tubig yun. Bahala na ang Diyos sa kanya, perang pinaghirapan ang kinuha niya sa akin, hindi ko napulot lang sa kung saan ang mahigit na two hundred thousand pesos na inutang niya, may balik ang ganun kapag hindi niya ako binayaran,” pabuntong-hiningang kuwento ni Bernadette.

Kapag nag-iikot kami sa Winnipeg ay magkaduweto sina Bern at Tina Roa, ang aming PA, sa panginginig dahil sa sobrang lamig, nakatutuwa rin silang pagmasdan habang nagpapalitan ng komento, “Akalain mo, nasa Canada na tayo ngayon?”

Si Bern ay dalawang beses nang nakapagbiyahe sa Amerika, ito ang unang pagdalaw niya sa Canada, kaya binalikan niya bigla ang buhay niya sa probinsiya.

Mula siya sa Oriental Mindoro, lumaki siya sa bukid, pero nung labing-isang taong gulang na siya ay sumama siya sa isang tiyahin na nangakong pag-aaralin siya sa Maynila.

Ang pangako nito ay hindi natupad, ginawa lang siyang boy sa bahay nito, magulo ang pamilyang kumupkop sa kanya kaya nagdesisyon siyang umalis na.

Namasukan siyang boy sa isang pamilya, nagtagal siya dun, hanggang sa lumutang na ang kahiligan niya sa pagme-make-up. Nagpunta siya sa parlor ni Bhoy Navarette, naging personal make-up artist siya ng isang sexy star na ini­wan din niya dahil sa pagbibisyo, hanggang sa marami na siyang nakilalang mga personalidad.

0 comments:

ads