Tuesday, October 21, 2008

Dingdong at Karylle, ok sa isa’t isa

NGAYONG araw naka-schedule kunan ang love scene nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikulang One True Love.
Ewan kung open ito sa media dahil marami pa rin ang gustong kunan ng statement si Dingdong tungkol sa isyung break-up nila ni Karylle.
Nakorner ni Butch Francisco si Dingdong sa inauguration ng bagong studio ng GMA 7 nu’ng Biyernes, pero hindi pa rin sinagot ng aktor ang naturang isyu.
Nang nakausap ko si Dingdong sa dressing room nito, pinag-uusapan pa raw nila kung ano ang eksaktong sasabihin.
Sa tingin ko, itatanggi nila itong isyung break-up.
Depende pa rin sa kanilang pag-uusap pero nangako si Dingdong na magbibigay na siya ng pahayag ngayong linggong ito.
Tinanong ko si Dingdong kung okay ba sila ni Karylle. Mabilis ang sagot ni Dingdong na okay sila na parang wala silang problema.

0 comments:

ads