Tuesday, October 21, 2008

Sarah, dinumog sa Los Angeles, CA

NASA Los Angeles, California pala si Sarah Geronimo kasama ang pamilya niya para pasinayan ang bagong branches doon ng Jollibee.
Ngayon lang nagbukas ng Jollibee outlets sa mga mall doon at sa bawat puntahan ng sikat na singer-actress ay dinudumog ito ng mga kababayan natin.
Sa bawat branch ay may programa sa mall area. Sa loob o labas ng mall ay punong-puno ng mga tao para masilayan ang sikat na katambal ni John Lloyd Cruz sa A Very Special Love na tumabo nang husto sa takilya.
Hindi pinanghinaya­ngan ng mga taga-Jollibee ang ginastos nila sa pagpapapunta roon kay Sarah.
Sa tatlong mall shows daw ni Sarah ay present si Tito Al Chu na producer ng mga show ni Sarah doon.
Ang show nina Carmen Soriano, Pilita Corrales at Carmen PateƱa ang latest na prinodyus Tito Al na successful din daw at may show pa ang mga ito sa San Diego.
Tito Al, pupuntahan ka namin sa pagdalaw namin diyan sa katapusan ng November.

0 comments:

ads