SEEN: Ang pagsusumbong ni Carlene Aguilar kay MMDA Chairman Bayani Fernando na nahuli siya ng MMDA traffic enforcers dahil sa traffic violation (beating the red light) at ang pangongotong ng mga nanghuli sa kanya. Hindi lamang nagsumbong si Carlene. Inamin din niya na guilty siya. Nagbayad si Carlene sa MMDA traffic enforcers na nanghingi ng “lagay.”
SCENE : Walang kasawa-sawa ang mga Pilipino sa original TV version ng Marimar ni Thalia. Ilang beses nang paulit-ulit na ipinalabas sa TV ang Marimar ngunit mataas pa rin ang rating nito.
SEEN: Nagmukhang comedy act ang exaggerated reaction ni Pokwang sa aswang issue. Kung mapapanood ninyo ang mga stand-up comedy act ni Pokwang, mas matindi ang panglalait niya sa mga ordinaryong tao. Mahihirapan si Pokwang na ipagtanggol ang sarili laban sa aswang issue dahil equally guilty siya sa kasalanan na kanyang ibinibintang kay Joey de Leon.
SCENE: Kailangang mag-isip ng bagong style ng pagpapatawa sina Maverick and Ariel. Napanood na sa kanilang mga dating programa sa ABC 5 ang antics na ipinakikita nila sa mga show ng GMA 7. Re-invention please!
SEEN: Ang boyish charm ni Chef JL Cang ng Katoque. Instant favorite si Chef JL ng mga reporter sa presscon ng Celebrity Duets Season 2. Mahigpit na kalaban ni Chef JL si Phil Younghusband sa pagiging heartthrob ng Celebrity Duets.
SCENE: Jones vs
0 comments:
Post a Comment