Thursday, August 21, 2008

Vilma at John Lloyd, magsyusyuting sa New York

TULOY-TULOY ang aktibong pananawagan ni Governor Vilma Santos para sa mga magulang na painumin ng gatas ang kanilang mga anak.


Naalarma na nga si Ate Vi, dahil parami nang parami ang mga kabataan ngayon na hindi na umiinom ng gatas.


“Naniniwala ako sa gustong iparating ng Bear Brand. Na kailangan natin ng tibay na katawan at isipan para sa kinabukasan. Kailangan natin ito dahil kailangan natin ng malusog na bansa.

Ito ang pinakamalaking kampanyang pangkalusugan at ito ay may katotohanang layunin. For that reason alone,

I am very proud to be a part of Bear Brand’s Laki Sa Gatas campaign,” sabi ni Ate Vi nang makatsikahan namin kahapon sa Anabel’s restaurant.


Magiging abala rin si Ate Vi sa pagsyusyuting bago matapos ang 2008.

Nakatakda siyang magpunta sa New York, na kung saan ay kukunan ang 50% ng pelikula na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz para sa Star Cinema.


Siyanga pala, dumating din sa presscon si Luis Manzano para interbyuhin ang nanay niya para sa show niyang E-Live ng ABS-CBN. At makikita mo nga na sweet na sweet sina Ate Vi at Luis sa isa’t isa. Para nga silang magdyowa kung maglambingan. Ganiyan kamahal ni Luis si Vilma.


by:abante

0 comments:

ads