Monday, August 25, 2008

Rhian Ramos answers new issues involving leading men Mark Herras and JC de Vera

May mga panibago na namang isyu na naglalabasan tungkol sa controversial young actress na si Rhian Ramos at sinagot niya ang mga ito nang makapanayam siya sa Showbiz Central noong Linggo, August 24. Ilan sa mga isyu sa kanya ay tungkol sa dalawang leading men niya na sina Mark Herras at JC de Vera.



Unang tanong sa kanya ay kung sino ba ang magiging escort niya sa kanyang debut at kung totoo ba na si Mark nga ito.



"Hindi ko naman masasabi kung sino ba ang magiging escort ko. Exag na yun! Pero gusto ko lang malaman ng lahat na kung sino ang mga naging love team ko, nandoon sila sa 18 Roses. Sina Richard [Gutierrez] Mark at JC. Kasi, malaking part sila ng buhay ko. Sila yung mga tumulong sa akin sa mga projects ko, sila yung palaging kong kasama, di ba?



Ipinagtanggol naman ni Rhian si Mark sa isyung may non-showbiz girlfriend si Mark na nagngangalan diumanong Valerie Pornea.



"Well, kilala ko si Mark at wala siyang girlfriend na non-showbiz. Wala siyang girlfriend. Period!" natatawang sabi ni Rhian.



Ano naman ang masasabi niya sa isyung mga fans daw niya ang nagpapakalat ng intrigang may girlfriend si Mark na non-showbiz?



"Well, ako, yung mga tungkol nga sa akin kasi hindi ko alam kung sino ang nagpapakalat. So, mas lalo na isyu sa ibang tao," sabi ng young actress.



Kasabay nito, nilinaw na rin ni Rhian ang isyu na marami raw against sa love team nilang dalawa ni JC dahil makakasira raw ito sa loveteam nina JC at Yasmien Kurdi. Si JC kasi ang leading man ni Rhian sa upcoming primetime series niya sa GMA-7, ang La Lola.



"Wala namang dahilan para ma-threaten or what yung mga fans," sabi ni Rhian. "Kahit naman ako, nakikita ko na malakas ang chemistry nila ni Yas. I mean, kita naman yun ng lahat. Malakas ang chemistry nila ni Yas."



Sa kabila naman daw ng lahat na ito, kung may inaasam man daw si Rhian ngayon ay ang magkaroon ng chance to portray a mature role on- and off-screen.



"Mae-expect ng mga tao na hindi lang sa screen kundi maging sa totoong buhay na mas matured na. Siyempre, mas matured na not on the sense na nagpapa-sexy or anything. Pero siguro, mas may poise?" tawa niya.



Kasama rin ba dito ang pagkakaroon ng mas serious na relationship?



"Naku, siguro aabangan na lang nila kung sino talaga ang interested na manligaw, kasi dun lang naman ako puwedeng tumanggap, e, kapag 18 na, di ba?" natatawang sabi ni Rhian. pep.ph

0 comments:

ads