Saturday, October 25, 2008

0

Kahit maysakit, Francis at Ely parehong gumuwapo

Teary-eyed ang mga nakapanood kahapon sa guesting ni Francis Magalona sa Eat Bulaga.

Na-excite ang televiewers sa biglang pag-apir ni Francis habang kumakanta at tumutugtog si Ely Buendia at ang Pupil Band.

Parehong may-sakit sina Francis at Ely. History ang performance nila kahapon sa Eat Bulaga. Pare­hong pumayat sina Ely at Francis pero lalong nadag­da­gan ang kanilang kaguwapuhan.

Hinayang na hinayang si Papa Joey de Leon da­hil hindi sila nag-abot ni Francis sa studio ng Eat Bulaga. Umalis kaagad si Papa Joey sa studio dahil tumakbo siya sa studio ng Startalk.

Hindi naman nalungkot si Papa Joey dahil live na umapir sa Startalk si Francis. Mabuti na lang, pina­yagan siya ng kanyang doktor na lumabas sa TV.
* * *

May mga marka sa braso ni Francis dahil ‘yon ang resulta ng chemotherapy treatment sa kanya.

Miss na miss na ni Francis ang hosting job niya sa Eat Bulaga. Ang sarap-sarap daw ng pakiramdam niya nang tumuntong siya sa studio ng Eat Bulaga, pagkatapos ng 85 days.

Kung napanood ninyo kahapon si Francis sa Eat Bulaga, talagang masiglang-masigla siya sa pag­kanta. Ganoon din si Ely na parang hindi dumaan sa angioplasty procedure. Inspirasyon sila ng mga tao na may sakit at nawawalan ng pag-asa sa buhay.

0

Stress ni Angel nawawala sa aso

Gandang-ganda ang mga nasa audience kay Angel Locsin nang rumampa ito sa fashion show ng Folded & Hung na idinaos sa Atrium ng Mall of Asia (MOA) noong Biyernes. Sanay na sanay na talaga itong rumampa.

Nakausap namin ang magandang aktres sa backstage matapos ang fashion show at masayang ibinalita na meron siyang bagong alagang tuta na kabibili at ito’y si Vichon na dalawang buwan pa lang. Naniniwala si Angel na nakakawala ng stress ang pagkakaroon ng alagang aso lalo’t ito’y malambing.

Ayaw na nitong pag-usapan ang tungkol kay Claudine Barretto kung saan pilit silang iniintriga.

0

Kahit binibira ,Gabby propesyonal

Kahit pa may namayaning hindi pagkaka­unawaan sa pagitan namin ni Gabby Concepcion ay hindi namin maaaring baligtarin ang kuwento. Laging sa totoo lang kami.

Nung Biyernes ng gabi sa Metro Bar, sa concert ng Side A Band kung saan naging guest si Gabby kasama ang Juan Pablo Dream, bumbunan pa lang niya ang nakikita ng manonood mula sa paakyat na hydraulic machine ay binalot na ng tilian ang buong Metro Bar.

Nakaternong itim na polo at pantalon si Gabby, kulay na mas nagpalutang pa sa kanyang kaguwa­puhan kahit hindi na siya bagets, sa una pa lang niyang kanta ay hindi na magkarinigan sa lugar dahil sa mga tili at palakpakan sa kanya ng mga kababa­ihan.

Naging kontrobersiyal ang nasabing concert dahil ilang linggo na ang nakararaan ay may nakarating na balita sa amin na hindi raw sisiputin ni Gabby ang palabas, may kung sinong nakikisawsaw na nagsabi sa kanya na huwag na niyang puntahan ang show, tutal naman ay palagi namin siyang binibira sa aming mga kolum.

Ang Backstagepass Productions ng aming anak na si BM ang nagprodyus ng concert, bago pa sila nagkademandahan ni Mommy Rose FLami­niano ay plantsado na ang kontrata, matalino naman si Gabby para hindi niya maisip na kung hindi niya sisiputin ang show ay panibagong problema na naman ang haharapin niya.

Biyernes ng hapon pa lang ay nagkuwento na ang aming anak, “Dumating po siya on time sa rehearsal, wala kaming problema sa kanya, marunong siyang makisama,” paunang salita ng aming panganay.

Noon pa namin nasulat na propesyonal si Gabby pagdating sa mga tinatanguan niyang kompromiso, pinahanga niya kami nung puntahan pa rin niya ang booking ng aming anak para sa kanya sa Lemery, Batangas, kahit nakaburol ang kanyang ama.

Isang mahadera niyang kaibigan ang nagsabi sa kanya, “You have a very valid reason now not to go to the show, you’re mourning, maiintindihan ng mga tao kung hindi mo man siputin ang show ng anak ni Cristy,” sabi nito.

Pero nagpunta pa rin si Gabby sa show, tumupad siya sa kanyang pangako.

0

‘Ang arte ko naman kung iiwas ako kay Claudine’ - Angel

Kung hindi nakarating si Angel Locsin sa 10th anniversary fashion show ng Folded & Hung last Thursday, October 23 na ginanap sa A-Venue, Makati, bumawi naman ang young actress the following night, Friday (Oct. 24) sa Fashion Week ng nasabing clothing line na ginanap naman sa Mall of Asia.

Si Angel ang nanguna sa nasabing fashion show kasama si Maja Salvador na matatandaang rumampa rin sa anniversary fashion show last Thursday with Claudine Barretto.

Sina Angel, Maja at Claudine ang tatlong malalaking female endorsers ng nasabing clothing company.

Sa dalawang magkasunod na event ay nagkaroon ng intriga between Angel and Claudine dahil pinaghiwalay pa silang dalawa. Marami ang naghinala na baka may tampuhan pa ang mga ito dulot ng nakaraan nilang pagbabanggaan.

Kaya naman ito ang itinanong kay Angel ng mga reporters nang kapanayamin siya after the fashion show.

“Okay na po lahat. Matagal na ring naayos and ako po, nirerespeto ko siya. Pareho kaming hindi nagsalita sa issue noon bilang isang lady at hanggang ngayon, ganu’n pa rin po ang aking stand,” ani Angel.
So, hindi talaga sila nag-iwasan ni Claudine?

“Hindi po talaga. Ang arte-arte ko naman kung iiwas-iwas pa ako, ako pa ang choosy eh Claudine Barretto ‘yan,” she said.

Ayon kay Angel, talagang hindi raw siya kasama sa program ng anniversary fashion show dahil naka-block-off na ang date na ito for Australia. Dapat kasi ay nagsu-shooting na sila ni Piolo Pascual ng Land Down Under sa nasabing bansa by this time. Kaya nga nag-video shoot na lang daw siya na ipinakita sa opening.

But unfortunately ay na-delay ang alis nila kaya tinapos muna ang shooting sa Subic, Zambales at ngayon ay sa Clark, Angeles naman. Nung gabi ng anniversary show ay may shooting daw siya at dapat ay hindi pa rin siya maka­kasama sa Fashion Week nitong Biyernes kung hindi lang na-pack-up ang shooting.

Wala na raw talagang problema sa kanila ni Claudine and in fact, nagte-text-an na sila and according to Angel ay binigyan pa siya ng book ng aktres. Kasama raw kasi sa pinag-usapan nila ang magbigayan ng libro.

Anyway, sa naturang fashion show sa MOA ay dalawang beses rumampa si Angel – opening and finale.

Sa first week of November naman ay aalis na sila ni Piolo papuntang Australia kasama ang direktor nilang si Rory Quintos.

0

Kaya nanahimik, Karylle pino-protektahan sina Dingdong at Marian

Kung ang pagbabasehan ay ang kumakalat na balita ngayon, sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na. Nawala na sa kwadro si Karylle. Pinagbibintangang kontrabida na ito ngayon sa relasyon ng dalawa gayung sa matagal nilang relasyon ni Dingdong ay never itong nag-ingay at nanahimik na lamang na kung tutuusin ay mayroon naman siyang karapatan.

Nang huli kong makausap si Karylle, hindi pa naman ito nalalaunan, ay inamin nito na wala pa namang nagbabago sa kanila ni Dingdong, sila pa rin daw bagaman at ramdam na ramdam nito na marami ang gusto silang paghiwalayin ng nobyo. Kung ipinasya man niyang manahimik, ito ay bilang respeto na lamang sa loveteam ng dalawa. Lalabas naman siyang insecure kung umalma siya in the beginning. Siyempre, mahalaga rin naman sa kanya ang career ng nobyo. Batid niya kung bakit kailangan nitong protektahan ang loveteam, kahit madalas siyang nasasaktan. Happy naman si Karylle sa takbo ng kanyang career, combining both television and stage.

Ayaw nitong mag-comment sa isyu na sabay umalis ang nobyo at ang kapareha nito sa event ng GMA recently at naglagi lamang ito sa kanya na ipinagpalagay ng marami na isang indikasyon ng pagkakaroon ng relasyon na mahigit pa sa magkapareha.

0

Boy Abunda nag-aaral uli

Today (October 26) marks the birthday celebration of Boy Abunda on The Buzz, three days before he turns a year older, wiser, busier, and richer!

Party within the show ang concept ng program staff kung saan imbitado ang press in taking part in yet another event as monumental as the birthday boy himself.

Without much pandering, bilib ako kay Kuya Boy for discovering that a day in the life of a person is beyond 24 hours. With his hands full sa dami ng kanyang mga ginagawa, nakukuha pang mag-aral ni Kuya Boy who’s enrolled at the PWU taking up a course in diplomatic relations.

Ano ba talaga, kuya? A congressional seat representing Eastern Samar, o pagiging ambassador? Whichever, sa talent ni Kuya Boy and lots of it, there’s more to hosting, to artist management to column writing, to what have you.

Anyway, happy birthday Kuya Boy. May your tribe (and bribe?) increase.

0

Young actress binabakuran ng tatay

Matagal ng may relasyon ang sikat na loveteam, hindi lang nila maamin dahil hindi alam ng ama ng actress na totohanan na ang relasyon nila ng ka-loveteam. Ang katuwiran ng ama, bata pa ang anak para makipag-relasyon, kaya ang drama ng magka-loveteam, MU o Mutual Understanding lang ang namamagitan sa kanila.

Sobrang higpit ang ama ng actress sa anak at kung puwede lang samahan ang anak sa mga lakad nito lalo na ‘pag alam na kasama ang kapareha nitong actor. Sa sobrang higpit nga nito, pati sa mga show ng anak sa probinsya ay sumasama at para hindi maligwak, sariling pera ang ibinibili ng tiket sa eroplano.

No choice nga naman ang actress at ang mga taong nagpapalakad sa kanyang career kundi isama ang ama dahil sariling pera ang ginagastos nito pati sa pagkain.

Wednesday, October 22, 2008

0

Bubble Gang live magpapatawa

Bukas, makisaya at maki-celebrate kasama ang in­yong paboritong Friday night barkada sa isang anniversary special na pinamagatang The Best of Bubble Gang Live!

Sabay-sabay nating babalikan ang mga sikat at walang-kaparis na segments at karakter gaya ng Sexballs, MTB, Moymoy, atbp. sa isang masaya at bonggang live theatrical performance. Magsisimula ang palabas sa opening billboard ng Bubble Gang na gagawing live spoof ng mga theme songs ng ilan sa mga programa sa GMA 7.

Sa pangunguna nina Ogie Alcasid at Michael V., isa’t kalahating oras na magtatampok ng mga comic sketches at musical performances ang matutung­hayan kasama ang iba pang miyembro ng Bubble Gang.

Gagampanan ni Ogie na isa sa original cast ng show ang iba’t ibang nakakatuwang karakter sa Tuli Ala Binyag, Call Center, Di Tunay na Ampon, at Spoiled Brat bilang si Angelina na may inihandang production number. Magpapatawa naman si Michael V. sa Tetilio Tutuman, GMA at gayon din sa Spoiled Brat bilang yaya ni Angelina.

Di naman papadaig ang mga machong-machong miyembro ng Sexballs na sina Wendell Ramos, Antonio Aquitania kasama rin sina Ogie at Bitoy sa sariling version nila ng Vaklushie na iko-choreograph ng batikang dance master na si Douglas Nierras. Makikipag-duet naman si Bitoy kay Rey Valera sa MTB o Musik Tagalog Bersiyon.

Ang lip-synching duo naman ng Moymoy ay sasabak sa dance floor habang ang pamnansang bading na si Diego ay magpapakitang gilas sa isang Gay Production number. Isang sexing-sexy dance showdown naman ang inihanda ng Bubble Gang girls na sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto at Maureen Larrazabal kasama ang Whiplash.

Kabilang din ang iba pang comedy segments na Mukhang Pera, isang gameshow na iho-host ni Allan K., Heart Attack at Bongbong. Makikisali naman sa celebration sina Heart Evangelista at Paolo Contis.

Mula sa direksyon ni Director Uro Dela Cruz at headwriter Caesar Cosme.

0

ugat at pasa ni Roxanne sariwa pa!

Hindi nagpa-interview si Roxanne Guinoo sa pictorial ng Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X na isa siya sa mga bida. Nang ma-corner ng press, puro “no comment” ang sagot sa kontrobersiya sa kanila ni Jake Cuenca noong nasa Guam sila para sa ASAP ’08.

Nagpaalam ang press kung puwede siyang interbyuhin at may pinagpaalaman yata si Roxanne, pero nang hindi na lumapit sa amin, inisip na lang namin na hindi siya pinayagang magpa-interview.

Hindi tuloy nasagot ni Roxanne kung dala sa sinasabing bugbugan nila ni Jake ang sugat niya sa kaliwang braso at mga pasa sa braso pa rin. Hindi rin narinig ang side niya sa tsikang noong nasa Guam sila ay kinausap niya si Bea Alonzo at sinabihang ingatan si Jake dahil mahal na mahal niya ang actor. Si Bea nagulat daw, pero si Jake nagalit at pinatahimik siya na ikinasama niya ng loob at rason nang pagtatakbo niya sa labas ng restaurant.

0

dating assistant ni Becky Aguila itinanggi ang pagnanakaw; ‘Si Jennylyn ang may utang sa akin’

Ang statement ni Mel, ang dating assistant ng talent manager na si Becky Aguila na inaakusahan ng pagnanakaw nina Jennylyn Mercado, Joross Gamboa at Valerie Concepcion.

“Wala pong katotohanan ang mga paratang nilang nagnakaw daw po ako, wala po sa akin at hindi ko rin ginamit ang pera ni Valerie Concepcion. Wala rin po sa akin at hindi ko rin po ginamit ang pera ni Joross Gamboa. Wala rin akong ninakaw kay Jennylyn Mercado siya nga po ang may utang sa akin pang-abono sa mga gastusin sa haws. Isa lang po akong tauhan na sumusunod sa mga ipinag-uutos. Simple lang po ang aking pamumuhay. Ang mga naglalabasang balita tungkol sa akin ay malinaw na paninirang puri at naaawa ako sa mga anak ko na masyadong naapektuhan sa mga ipinalalabas sa news. Sasagutin ko po ang lahat ng paratang sa tamang venue. Hindi sa paraang malisyoso na ginagawa nila. Ang aming attorney ay gumagawa na ng mga legal na hakbangin upang mapangalagaan ang aming karapatang pantao. Sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa akin at sa aking pamilya, handog kayo ng Diyos sa amin. Thank you sa inyong suporta.”

0

Alessandra at Joross, nakakapaso ang lampungan!

MAINIT nga ang usap-usapan tungkol sa nangya­ring gulo sa pagitan nina Roxanne Guinoo, Bea Alonzo, at Jake Cuenca sa Guam kamakailan lang.
At siyempre, hindi naiwasang tanungin si Joross Gamboa, na ex-boyfriend ni Roxanne.


“None of my business! Labas ako roon! Hindi na ko kasama! So, hindi na kailangan na mag-comment ako!” paiwas na sabi ni Joross.

Ano ang mensaheng maibibigay niya kay Roxanne?



“Ang hirap! Ang hirap magbigay ng message, kasi wala naman akong masyadong alam sa mga nangyari. Meron akong alam, pero hindi ko naman talaga alam lahat-lahat ‘yung nangyari!”



Friends na ba ulit sila ni Roxanne?


“Oo, friends na! Nung nag-guest ako sa Ligaw na Bulaklak, nagbibiruan na kami. Nagkumustahan na kami.”


Anyway, pinaninindigan naman ni Joross na wala siyang girlfriend ngayon. Hindi rin daw siya nanligaw kay Katrina Halili.


“Naging close lang kami. Nagdi-date lang kami before. Pero, puro trabaho rin, kaya hindi natuloy.


Na-trauma na ba siya sa past relationships niya kaya ayaw na niyang makipag-commit?


“Well, hindi naman siguro sa na-trauma. Pero sa ngayon, ayaw ko muna.
Kasama si Joross sa Pieta, pero sa umpisa lang daw siya mapapanood, bilang young Jestoni Alarcon. Si Alessandra de Rossi ang gumanap na batang Cherie Gil, at nagkaroon sila nito ng mainit na love scene.


Sabi nga, nakakapaso raw ang lampungan ng dalawa.


“Lahat naman ng love scene, maiinit! Ha! Ha! Ha!


“Parang ang pangit naman kung ang love scene niyo, ang lamig! Kami naman ni Alex, nagkasama na kami sa isang show sa TV-5. Ano rin ‘yan, parang babaeng Joross, makulit din!”

0

Patrick ayaw magtrabaho dahil sa intriga

Nandito na nga si Patrick Garcia pero ayaw muna nitong tumanggap ng mga assignments. Isina-sacrifice ba n’ya ang sarili dahil sa mga isyu?

Hoy, Patrick, lalaki ka, kailangang kayanin mo ang lahat! Ikaw ang magiging loser kapag hindi mo ito ginawa.

Sayang ang pagkakataon. You’re a good actor, don’t waste it.

0

Patrick ayaw magtrabaho dahil sa intriga

Nandito na nga si Patrick Garcia pero ayaw muna nitong tumanggap ng mga assignments. Isina-sacrifice ba n’ya ang sarili dahil sa mga isyu?

Hoy, Patrick, lalaki ka, kailangang kayanin mo ang lahat! Ikaw ang magiging loser kapag hindi mo ito ginawa.

Sayang ang pagkakataon. You’re a good actor, don’t waste it.

0

Mga reporters kinukutsaba pa...; aktres gustong gawing gimik ang pagpapakasal sa aktor

Gimikera na rin ang isang aktres. Siya mismo ang nagsasabi sa mga reporters na palakihin ang balita na nagpakasal na sila ng kanyang boyfriend na aktor.

Siyempre, na-turn off ang mga reporters. Hindi nila feel na magpagamit sa mga gimik ng aktres.

Kung gusto niya na aminin na kasal na sila ng kanyang dyowa, eh di aminin niya! Ang akala yata ng aktres eh madidiktahan nito ang mga bitchy-bitchy reporters!

Hindi nga siya marunong mag-share ng blessings ‘noh!

Tuesday, October 21, 2008

0

Piolo at Dingdong sa S Mag

Pinagsama ng S Magazine sa cover ng kani­lang October issue sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes. Kasama rin sa kanilang October issue ang exclusive story with photos ng reconciliation at California trip nina Cesar Montano at Sunshine Cruz, ang double feature sa historic reunion ng Eraserheads, special photo essay sa romantic South African safari ni Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho at special tribute sa namayapang DZRH radio star na si Tiya Dely.

Ang S Magazine ay glossy entertainment month­ly mag ng Mega Publishing Group. Meron silang bagong editorial team - editor in chief Wilson Flores na isang three-time Palanca-winner, eigth-time recipient of Catholic Mass Media Awards at Philippine Star Columnist, managing editor Susan de Guzman, former Village Voice associate editor and Inquirer lifestyle writer and contributing editor Shirley Matias-Pizarro, Manila Bulletin entertainment columnist and former assistant editor of the same paper.

0

Ryan, ninerbyos sa ‘Pieta’

MAGSISIMULA na ang TV series na Pieta sa Lunes (Oktubre 27) nang hapon, pagkatapos ng Wowowee sa ABS-CBN.
Isa sa taglines nito ay, “Laban ng anak. Dalamhati ng ina.”
Bagong Ryan Agoncillo raw ang mapapanood dito bilang salbaheng anak na si Rigor.
Bagong Cherie Gil din daw ang matutunghayan bilang maunawaing ina na si Amanda.
Si Krista Ranillo ang gumanap bilang mayamang kolehiyalang si Martha.
Hindi nakatulog si Ryan nang mabasa niya ang script ng Pieta para sa first two weeks nito.
Aniya, “Doon ko na-realize kung gaano kahirap ang role ni Rigor. Nanliit ako. Nagtanong ako sa management, ‘Sigurado ba kayo sa desisyon n’yo?’
“Malaki palang res­pondibilidad ko. Kaya nu’ng makaharap ko ang creative team, sinabi kong okey lang kung palitan nila ako.
“Nu’ng palapit nang palapit ang taping namin ng Pieta, panerbyos nang panerbyos ako.”

0

Startalk suwerte sa 13

How time flies, trese anyos na pala ang Startalk, certainly not a lucky number for those who adhere to superstitious beliefs. But Startalk is going against the ages-old kapaniwalaan as its episode title proudly says Lucky 13!

Defying the misfortune associated with the number, nakahulma ang mga kuwentong hatid ng Startalk sa reversal o kabaligtaran ng mga ito, mapa-sa kung anong aspeto ng buhay ng mga artista. After all, having been with Startalk’s creative team since Day One, I would like to think that Startalk has defied the style of entertainment journalism, pero naroon pa rin ang pagiging disente, responsable at totoo.

Let’s face it, 13 years on air is a feat to beat.
Nagsimula lang bilang alternative showbiz-oriented talk show in 1995, walang takot na sinagupa ng Startalk ang nag-iisa at mapuwersang Showbiz Lingo sa ABS-CBN hosted by two of the most reputable entertainment columnists Butch Francisco and Cristy Fermin.

To my recollection, July-August 1995 noong simulang buuin ang Startalk which was to pilot in October. It had as original hosts an odd lineup with diverse cultures na ewan kung magki-click as a trio: Boy Abunda, the glib talker plucked from GMA’s 7 Show & Tell; Kris Aquino, then a Viva TV-contractual talent whose hosting skill was at par with Kuya Boy’s; and Lolit Solis, both a sore thumb and a sore loser in the still-fresh Manila Filmfest scam in June.

All three of them began Startalk.
Naunang umalis si Kris, at si Dawn Zulueta ang pumalit. ’Di nagtagal (nakatagal?), sumibat si Dawn, at si Rosanna Roces ang humalili. Lumipat si Kuya Boy sa Dos, siya naming entra ni Butch. Natsugi si Osang, sabay pasok ni Lorna Tolentino. Nadagdagan pa ng Joey de Leon. Isinilang din ang carrer ni Alyssa Alano. Nagbitiw si Ms. LT na nakakontrata na sa Dos, and all that have remained are an equal number of male and female hosts with ’Nay Lolit as the still-reigning highest member of Startalk’s royal family.

But as Startalk notches its 13th year, nais kong bigyan naman ng kredito ang men and women behind this longest-running showbiz talk show na sa loob ng labintatlong taon ay namuhunan ng pagmamahal. Sila ay sina Rommel Gacho, Reylie Manalo, Ellen Santiago, Gorgy Rula, Jopay Mañago, Romy Punla, Ricky Lopez at creative director na si Floy Quintos.

We have come this far, hopefully, farther. And luckier.

0

Cherie Gil diborsyada na!

Diborsyada na pala si Cherie Gil. Yup, you read it right. Ilang buwan na rin palang na-diborsiyo ang kasal nila ng asa­wang violinist na si Roni Rogoff matapos payagan ng korte (hindi ko alam kung saang bansa) ang kanilang petition for divorce.

Last August lang daw na-grant ang annulment. After daw kasi nilang mag­hiwalay, hindi natagalan ay nag-file agad ng divorce ang asawa ng aktres na madaling na-approved.

Nasa Israel ang dalawa nilang anak - Bianca, 12, and Raphael, 9, (doon sila huling nanirahan) at nag-aaral doon. At pag walang trabaho ang aktres, binibisita niya ang dalawang anak.

Nasa bansa si Cherie at aktibo uli sa showbiz. Siya ang ka-back to back bida ni Ryan Agoncillo sa isa sa pinakasikat na obra sa komiks ni Carlo Caparas na Pieta na ngayon ay kasama sa Hapontastic Block ng ABS-CBN. Kakaibang Cherie ang mapapanood dito dahil for a change, hindi siya sosyal na kontrabida na sobrang nagpapahirap sa bida ng teleserye.

Matagal-tagal na ring naba-blind item ang tungkol sa status ng relasyon nina Cherie at Roni. Pero walang nagsasalita although, inamin na dati pa ni Cherie na hiwalay na sila ng violinist niyang asawa for 20 years.

Kasama sa pinagdaanang trials ng kanilang pagsasama ay nang makaligtas sila sa killer tsunami noong 2005 sa Karon Beach Resort in Phuket, Thailand. Katatapos lang noong mag-Pasko nang dumating sila sa Phuket at biglaang nagkaroon ng tsunami. Maraming namatay noon, pero sa awa ng Diyos ay nakaligtas silang pamilya partikular na ang dalawa nilang anak na tulog nang mangyari ang insidente.

0

Dingdong puwedeng interior designer

Kung type ninyo na makita ang bonggang pent­­ house na tinitirhan ni Dingdong Dantes, buy n’yo na ang November 2008 issue ng YES! Magazine.

Ang ganda ng bachelor’s pad ni Dingdong. Sosyal na sosyal. Nakatira pa rin si Dingdong sa old house nila sa Cubao. Puwedeng-puwede siyang magpatayo ng bahay sa ibang lugar pero ayaw ni Dingdong na malayo sa kanyang pamilya. Diyan ninyo makikita ang kagandahan ng ugali niya at ang kanyang pagiging clannish.

Si Dingdong ang pumili ng mga gamit para sa kan­­yang pad. Puwedeng-puwede siyang interior designer dahil sosi ang kanyang taste.

Parang tatamarin ka na umalis ng bahay kung kasing-ganda ng bahay ni Dingdong ang tahanan mo.

Ang suwerte ng YES! dahil pumayag si Ding­dong na pakunan ng litrato ang kanyang sanc­tuary. Very pri­vate person siya ’di ba?

* * *
Lalong nakuha ni Karylle ang aking mataas na res­peto dahil never siyang nagpaapekto sa mga pang-iintriga tungkol sa relasyon nila ni Dingdong.

Mas pinili ni Karylle na manahimik dahil there is peace in silence. Tinanggihan din niya ang dalawang regular shows na inaalok sa kanya dahil kuntento siya ngayon, kung anuman ang meron siya.

Si Karylle ang tipo ng babae na type na maging daughter-in-law ng mga nanay. Nakatapos siya ng pag-aaral, disente at never na nasangkot sa mga katsi­pan na isyu sa showbiz. Type na type ko siya para kay Dingdong!

0

Sarah, dinumog sa Los Angeles, CA

NASA Los Angeles, California pala si Sarah Geronimo kasama ang pamilya niya para pasinayan ang bagong branches doon ng Jollibee.
Ngayon lang nagbukas ng Jollibee outlets sa mga mall doon at sa bawat puntahan ng sikat na singer-actress ay dinudumog ito ng mga kababayan natin.
Sa bawat branch ay may programa sa mall area. Sa loob o labas ng mall ay punong-puno ng mga tao para masilayan ang sikat na katambal ni John Lloyd Cruz sa A Very Special Love na tumabo nang husto sa takilya.
Hindi pinanghinaya­ngan ng mga taga-Jollibee ang ginastos nila sa pagpapapunta roon kay Sarah.
Sa tatlong mall shows daw ni Sarah ay present si Tito Al Chu na producer ng mga show ni Sarah doon.
Ang show nina Carmen Soriano, Pilita Corrales at Carmen Pateña ang latest na prinodyus Tito Al na successful din daw at may show pa ang mga ito sa San Diego.
Tito Al, pupuntahan ka namin sa pagdalaw namin diyan sa katapusan ng November.

0

Dingdong at Karylle, ok sa isa’t isa

NGAYONG araw naka-schedule kunan ang love scene nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikulang One True Love.
Ewan kung open ito sa media dahil marami pa rin ang gustong kunan ng statement si Dingdong tungkol sa isyung break-up nila ni Karylle.
Nakorner ni Butch Francisco si Dingdong sa inauguration ng bagong studio ng GMA 7 nu’ng Biyernes, pero hindi pa rin sinagot ng aktor ang naturang isyu.
Nang nakausap ko si Dingdong sa dressing room nito, pinag-uusapan pa raw nila kung ano ang eksaktong sasabihin.
Sa tingin ko, itatanggi nila itong isyung break-up.
Depende pa rin sa kanilang pag-uusap pero nangako si Dingdong na magbibigay na siya ng pahayag ngayong linggong ito.
Tinanong ko si Dingdong kung okay ba sila ni Karylle. Mabilis ang sagot ni Dingdong na okay sila na parang wala silang problema.

0

Inspirasyon ni Heart, parang prinsipe

Ang ganda ni Heart Evangelista sa inauguration nu’ng Biyernes. Magkatabi sila ni Mark Anthony Fernandez nang nakapanayam namin.
Medyo tense pa si Mark Anthony nang tumabi kay Heart dahil first time pa lang daw nilang magsama sa isang project, ang Luna Mystica.
“Nakaka-excite dahil ngayong week na ang todo preparation namin, ‘yung pictorial, ang workshop, ‘yung getting-to-know-you, excited ako,” pahayag ni Heart,
“I can’t ask for more. Sabi ko, kailangang mag-ensayo. At least, magmukhang okay na okay pagdating sa set. So, talagang paghandaan ko po,” tugon ni Mark Anthony na medyo nate-tense pa rin.
Pagdating sa lovelife ay napapangiti na si Heart dahil ayaw na niya sanang pag-usapan ito, Pero supportive daw itong bago niyang inspirasyon.
“The guy I’m dating now is very private, and he’s very low key. But you know, I don’t know what to say, I never really talk about it, pero I’m just very, very happy.
“He’s a very simple person, he’s very educated, he’s such a gentleman, he’s guwapo. I think kung magiging artista siya, magiging dream siya ng lahat ng babae. He’s like a prince,” pagmamalaki ni Heart.

0

Magkaiba na ng mundo pero… young actress kinikilig pa rin sa ex na young actor

Isang kaibigan naming matagal nang naninirahan sa ibang bansa ang nakasagap ng kuwento tungkol sa isang dating magkarelasyong batang aktor at batang aktres.

Kuwento ng aming kaibigan, hanggang ngayon daw pala ay may pagtingin pa rin ang young actress sa kanyang ex, nung mapabalita raw kasing darating dun ang young actor para mag-show ay kinausap agad ng young actress ang kanyang mga kaibigan para sama-sama silang manood ng show ng dati niyang karelasyon.

“Ganun ang tingin namin sa kanya, mahal pa niya until now si ____(pangalan ng young actor) dahil may kilig pa rin kaming nakikita sa kanya kapag napag-uusapan na ang ex niya.

“Nalaman din namin na hindi naman pala sa kanya nanggaling ang pakikipaghiwalay dun sa young actor, outside forces pala ang gumawa nun, kaya naghiwalay sila na walang formal break-up talaga.

“Meron nang bagong karelasyon ang ex niya, meron na rin siyang bagong boyfriend ngayon, pero hanggang hindi kasi sila nagkakaroon ng formal break-up, meron pa rin silang feelings para sa bawat isa,” opinyon ng aming kausap.

Maraming naging problema ang dating magkarelasyong ito, kinontra ng mga tagahanga ng young actor ang relasyon nila ng young actress, pero nakipaglaban sila nang sabayan.

Habang kumokontra ang marami sa kanilang relasyon ay lalo namang tumibay ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan, hanggang sa pumasok na sa eksena ang ilang taong may kuneksiyon sa batang aktres.

Minanmanan talaga ng mga ito ang lahat ng galaw ng batang aktor, naghanap ng butas ang mga ito para ipamukha sa batang aktres na niloloko lang siya ng kanyang boyfriend, hanggang sa pati siya ay nakumbinse na rin sa gustong mangyari ng mga taong nagmamalasakit sa kanya.

Pero ayon nga sa aming source, kung dudukutin natin ngayon ang puso ng batang aktres ay ang batang aktor pa rin ang laman ng kanyang puso.

Ang batang aktor naman ay may maayos nang relasyon ngayon, hindi taga-showbiz ang kanyang girlfriend, tahimik ang babae at hindi mahilig umeksena.

Kinontra rin ng mga tagahanga ng batang aktor ang babae pero hindi nagtagumpay ang mga kumontra sa kanila, mahusay nang humawak ng relasyon ang young actor ngayon. Hindi na ito nakikinig sa sulsol, kaya nagtatagal ang kanyang mga huling relasyon.

Sa totoo lang!

0

Raymart namili ng magandang offer ng Siete

Kung sa ibang artista mangyari yung mawalan ng proyekto ng anim na buwan, malamang sa hindi pumakabilang bakod na ito, pero hindi si Raymart Santiago na sa halip na magreklamo at mag-isip ng hindi maganda ay ginugol ang kanyang panahon sa pag-aasikaso sa mga bagay na may kinalaman sa mga batang nangangailangan ng atensyon.

Pinagkaabalahan din niya ang kanilang dalawang anak ni Claudine.

“Masaya naman ako sa GMA 7, bakit ako lilipat? Naghahanap lang siguro sila ng tamang project para sa akin.

Although may mga inalok naman sila sa akin pero hindi ko tinanggap dahil hindi bagay sa akin ang role. Nakita ko naman ang effort nila to give me work and to keep me busy.

“Okay na ako sa Siete, tulad din ng okay naman si Claudine sa Dos. Walang problema, we’re both busy,” sabi ni Raymart na may magandang role sa Gagambino, bagong telefantasya ng GMA 7 bilang pinuno na magtuturo kay Bino (Dennis Trillo) at sa mga kaibigan nito ng kanilang mga kapangyarihan.

0

Reporters off-limits sa shooting nina Dingdong at Marian

Off-limits sa mga reporter ang shooting ng One True Love. Hindi pa puwedeng magpainterbyu sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga reporters na nangungulit kung totoo ang mga tsismis na sila na at out na si Karylle sa buhay ng Sexiest Male Actor ng ating bayang magiliw.

Mas madaling mahanap ang kinaroroonan nina Dingdong at Marian. Hindi kuntento ang mga reporters sa mga sagot nila sa interbyu sa kanila ni Butch Francisco.

Close ako kay Dingdong. Kung gugustuhin ko, puwede kong itanong sa kanya nang personal ang tunay na kalagayan ngayon ng relasyon ni Karylle. Sure ako na hindi magsisinungaling si Dingdong pero ayoko siyang tanungin. Baka ikaloka ko ang isasagot niya sa akin! Type na type ko pa naman si Karylle para sa kanya!

Friday, October 17, 2008

0

Sexy actress obsessed sa matinee idol

Hindi pa rin naka-move on ang sexy actress mula sa break-up nila ng kanyang matinee idol ex-boyfriend. Hindi nito matanggap na may iba nang nililigawan ang actor at kasama pa niya sa network na parehong nagbi-build-up sa kanila.

Sa isang out-of-town show kung saan nagkasama ang sexy star at ang kanyang ex at ang bago nitong nililigawan, nagwala si sexy star at inaway ang actor at nang sawayin siya’y, tumakbong palabas. Two hours itong nawala at ang ex lang ang nakahanap at nang dalhin sa kuwarto sa hotel, ayaw palabasin ang ex at inaway na naman.

Walang nagawa ang actor nang kalmutin at sampalin siya ng dating dyowa’t mahirap nga naman patulan dahil bukod sa babae ay nakainom. Nang iwan ng actor ang sexy star, punit-punit ang suot niyang t-shirt at puro kalmot ang mukha.

Mula noon, iniwasan na ng actor ang ex niyang sexy star at para lalong makaiwas, hindi siya sumabay sa grupo na bumalik ng Manila. Baka nga naman kung anong eksena ang gawin nito habang nasa eroplano sila at ngayong pare-pareho na silang nasa Manila, iwas-pusoy ang actor sa kanyang ex na obsessed yata sa kanya.

0

Marian at Richard pahinga muna sa trabaho

Maraming malulungkot dahil next year na nila mapapanood si Marian Rivera pagkatapos ng Dyesebel.

Humingi ito ng bakasyon from GMA 7 dahil pupunta raw ng Espanya para dalawin ang kanyang ama. Matagal na raw niya itong nami-miss. Buti na lamang at may ginagawa itong pelikula with Dingdong Dantes and Iza Calzado kaya mapapanood pa rin siya. Sana lamang ay maipalabas ito habang wala siya.

Isa pa rin na nakatakdang magpahinga after Asero ay si Richard Gutierrez. Pero, si Richard gagawa ng Valentine movie with KC Concepcion sa GMA Films, bahagi ng kasunduan ng ABS- CBN at GMA nang magpasya silang pagsamahin ang dalawa sa pelikula.

0

Dahil kay Kris The Buzz itatapat sa Startalk

Kumalat ang tsismis noong Huwebes na ililipat daw sa araw ng Sabado ang The Buzz at tuwing Linggo na ang Entertainment Live.

Ang ibig sabihin, makakatapat na ng Startalk ang The Buzz at ang Shwobiz Central na ang kalaban na show ng Entertainment Live.

Kung totoo man ang tsismis, ready ang staff ng Startalk sa tapatan na mangyayari. Hindi tatagal ng 12 years ang aming show kung hindi kami palaging handa.

Nanggaling sa Startalk si Boy Abunda. Hindi probl­ema sa amin na magkatapat ang aming mga show dahil kagaya ng sinabi ni Richard Gomez, friendly competition lamang ang lahat.

Hindi pa confirmed kung true ang tsismis na babalik na si Kris Aquino sa The Buzz pero may nagkuwento sa akin na siya ang dahilan kaya ilalagay sa araw ng Sabado ang The Buzz dahil nagsalita noon si Tetay na ayaw niyang magtrabaho tuwing Linggo.

0

Raymart walang ipinagbabawal kay Claudine

After 6 months na wala siyang naging projects sa GMA 7, sinabi ni Raymart Santiago na hindi niya kailanman inisip na lumipat ng network.

“Naging busy naman ako sa maraming bagay, tulad ng mga anak ko at mga ibang proyekto outside of showbiz. Marami rin namang offers kaya lang marami rin akong tinanggihan dahil feeling ko hindi bagay sa akin. Hindi naman ako nabakante kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon.

“No, hindi ko inisip kailanman na lumipat. Happy na ako sa Siete. In the same way na happy din naman si Claudine (Barretto, misis niya) sa kinabibilangan niyang network.”

Wala ba siyang nararamdamang selos sa mga roles ni Claudine sa kabila?

“Wala namang dapat ipagselos. Trabaho lang lahat. At wala akong ipinag­babawal kay Claudine, maski na yung mga kissing and love scenes niya, yung pagsusuot niya ng two piece, siguro aalma lamang ako kapag naghubo na siya pero kilala ko si Claudine, alam niya ang limitasyon niya bilang nanay,” sagot ni Raymart sa maraming katanungang tnanggap niya during the presscon of Gagambino, ang bagong serye ng GMA7 na kinaaniban niya.

Ang Gagambino ay isa pang obra ng magaling na nobelistang si Carlo J.Caparas na magsisimulang mapanood sa Oktubre 29 sa GMA 7, pagkatapos ng Asero. Pero, bago ito, sa Linggo, pagkatapos ng ASAP, mapapanood ang Gagambino’s Web, isang 45-minute documentary tungkol sa the making of the newest telefantasya na iho-host ni Dennis Trillo, ang gumaganap ng Bino sa bagong serye.

Pero, hindi siya nag-iisa, may mga kaibigan siyang may mga kapangyarihang tulad ng sa insekto (Katrina Halili, may kapangyarihan mula sa praying mantis; Polo Ravales, kapangyarihan mula sa uwang; Isabel Oli, kapangyarihang mula sa alakdan; Glaiza de Castro, kapangyarihang mula bubuyog). Pagtutulungan nilang grupo si Abresia (Jean Garcia), may kapangyarihan namang mag-utos sa mga insekto.

Si Raymart si Dindo, ang tiyuhin ni Lucy (Katrina) na siyang magtuturo kina Bino at iba pang niyang kaibigan na may kapangyarihan ng paggamit ng kanilang kapangyarihan.

Sina Toppel Lee at Don Michael Perez ang direktor ng serye, head writer si Suzette Doktolero at kasama nila sa creative team ang creator ni Gagambino na si Carlo J. Caparas.

Thursday, October 16, 2008

0

Aktres ayaw nang maging dekorasyon sa baguhang aktres

Inis na inis ang maganda at magaling na aktres sa sarili dahil pumayag na naman siyang maging back­ground ng baguhang actress. Nangyari ito sa TV launch ng bagong show ng newcomer at habang naglilitanya ito nang pasasalamatan, nakatayo lang sa kanyang likod ang magaling na aktres kasama ang cast ng soap.

Pangalawang beses na itong nangyari sa maga­ling na aktres, una na siyang naging dekorasyon ng isang sikat na loveteam sa show ng mga ito sa Araneta Coliseum. Nasa likod lang siya at ang ibang kasama sa show habang naglilitanya ang magka-loveteam nang kanilang pinasasalamatan.

Ayaw na ng magaling na aktres na maulit ang nangyari kaya magiging careful na raw siya sa pagtang­gap ng mga susunod niyang guesting.

0

Kontrata ni Cristy Fermin sinuspende ng ABS-CBN

Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzz sa ABS-CBN Channel 2 at anchorperson ng Showbiz Mismo sa DZMM ay sinuspende hanggang December 31, 2008.

Ang suspensyon ng talent contracts ni Ms. Fermin sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga naging pahayag niya sa episode ng The Buzz noong October 5, 2008. Ang aksyong ito ni Ms. Fermin ay lumabag sa ilang probisyon ng kanyang kontrata.

Sa pananaw ng kompanya, nadamay ang mga batang walang kinalaman sa kontrobersya sa kanyang pahayag.

Nalabag din ng aksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at sa ABS-CBN.

0

Goma excited na uli kay Sharon

Sa press launch ng Family Feud, ibinalita ni Richard na muli silang magtatam­bal sa pelikula ng megastar na si Sharon Cuneta under Star Cinema at ito’y sisimulan sa buwan ng Enero.

May ilang taon na ring hindi gumagawa ng pelikula si Richard na ang last movie ay ang Filipinas.

Aminado si Richard na enjoy siya sa team-up nila ni Sharon noon na minsan din niyang minahal.

Marami-rami rin silang pelikulang pinagtambalan at kasama na rito ang Buy One, Take One, Ngayon at Kailanman, Walang Kapalit, Minsan Minahal Kita at iba pa na pawang blockbuster movies.

Kelan naman kaya muling magtatambal sa pelikula sina Richard at Dawn Zulueta, isa rin sa mga babaeng minahal nang husto ni Goma (Richard)?

0

Kahit may dyowa, Vhong na-miss na ni Toni

Maganda ang trailer ng My Only U nina Vhong Navarro and Toni Gonzaga. Maraming natatawa.

Magkasama uli kasi ang dalawa sa nasabing pelikula na malapit na ang showing. Kaaliw ang ipinakikitang trailer nila.

Si Cathy Garcia-Molina ang direktor nila na siya ring nasa likod ng tagumpay ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. At sa pinakahuling resulta ng pelikula, kumita ito ng P180 million na bihirang mangyari sa isang pelikulang Tagalog. Mabili rin daw ang video ng nasabing pelikula.

Going back to My Only U, bahagi pa rin ng 15th anniversary celebration ng Star Cinema ang pelikula nina Toni at Vhong.

Ibang putahe na naman daw ang hatid ng Star Cinema dito.

Dati nang nagkasama sina direk Cathy at Toni, pagkatapos ng back-to-back hits nila noon na You Are the One at You Got Me. Ito naman ang unang pagsasama ni Vhong at direk Cathy.

“It is an honor na makasama kami ni Toni sa line-up ng mga pelikula ng Star Cinema ngayong 15th anniversary nila. After ng D’Anothers nakakatuwang makasama ulit si Toni. Nakaka-miss ang mga bonding moments namin,” say ni Vhong.

“After kasi ng Wazzup Wazzup at ng movie namin noon, sa ASAP na lang kami nagkakasama, so text-text na lang kami palagi, usap kung kailan mabigyan ng pagkakataon, kaya nakakatuwa na pinagsama ulit kami ng Star Cinema because Vhong is a dear friend at laging nakakatuwang makasama siya,” sagot naman ni Toni.

“This is another movie na kukurot sa puso nating lahat, again, we hope na we will once more touch our hearts and make the moviegoers happy with what we do for film. Sana magustuhan nila ito,” pahabol ni direk Cathy.

Catch My Only U in theaters nationwide on October 29.

0

Juday at Alfie nagsusumbatan

While Alfie Lorenzo hopes he and Judy Ann Santos will eventually patch up their differences, ewan ko lang sa parte ng aktres after bitter words have been said. This writer knows Kuya Alfie, he speaks his mind just as he speaks to the casino table para papanalunin siya.

But given the casino setting, it seems that Kuya Alfie is not the card dealer, but the player alongside Juday’s lawyer. Nasa kamay ni Juday ang baraha na magpapanalo o magpapatalo sa kanyang manager.

All of 20 years, mukhang ang pinakamalaking pagsusugal ni Kuya Alfie is taking place now kung saan ang jackpot prize does not seem to be within his reach (but he’s rich, anyway).

Umabot na kasi sa puntong isinusumbat na ni Kuya Alfie ang nakaraan nila ni Juday, na pulubi niya itong dinampot from nowhere, na inihanap niya ng apartment sa Cubao in an obscure past, na ang una nitong van ay ang manager pa ang sumagot ng downpayment, na ang only means of transport ni Juday ay jeep.

Para sa akin, let Kuya Alfie curse me to high heavens, 20 years is 20 years. Within that period, there was love and hate, adore and abhor, pero para magkaroon ng sumbatan?
For sure, napapraning si Ploning.

Tuesday, October 14, 2008

0

Reklamo

Isang sulat ang ipinadala ng opisina ng counsel ni Nadia Montenegro na Rivera Santos & Maranan Law Offices sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para idulog ng pormal ang kanilang reklamo kay Ms. Cristy Fermin.

Sinasabi sa sulat na gusto nilang paimbestigahan ang mga pahayag ng TV host ng The Buzz laban sa kliyenteng si Ms. Montenegro noong October 5 episode ng talk show.

Dahil sa popular ang The Buzz at pinanonood sa hapon ng maraming tao kabilang na ang mga bata, hindi umano dapat pinag-uusapan ang mga sensitibo at personal na mga bagay lalo na kung walang pahintulot ng taong sangkot, ayon kay Derrick Delegencia, ang pumirma sa sulat na ipinadala sa MTRCB.

Idiniin niya sa reklamo na “There are limits that must be observed by television hosts

0

Taping ni Juday madalas ding ma-cancel

Maraming nag-react sa inilabas namin tungkol sa reklamo ng mga co-stars ni Judy Ann Santos sa Humiling Ka Sa Langit na next year na naka-schedule ipalabas. Ang alam pala ng kampo ni Judy Ann, ang may problema ay ang mga artistang kasama niya sa show kaya hindi natutuloy ang taping. Kasi raw ang advice ng staff kay Juday ay cancelled ang taping nila dahil hindi na available ang mga supporting cast kaya ayun hindi raw magkatugma-tugma ang schedule nila. Pero ang kuwento naman ng ibang artista sa Humiling... wait lang sila sa taping nila. Naiinis na nga raw yung iba dahil last minute ang cancellation ng taping kaya hindi makatanggap ng raket ang ibang artista.

Ang gulo ha... Hmmm, kulang sa coordination o sinasadya?

0

Katrina type na type ng anak ni Carlo Caparas

Hindi mabilang ni direk Carlo J. Caparas kung ilan ng komiks material niya ang ginawang TV series.

Ang pinaka-latest ay ang Gagambino ng GMA 7 at ang Pieta ng ABS-CBN. May five materials pa raw siyang naka-line-up sa Ch 2 at 10 materials sa Ch. 7.

Wala pang balak mag-retiro sa pagsusulat si direk Carlo, kaya expect more of his works to be made into TV series.

Ipinagmalaki nitong siya lang ang nakakapag-lagare sa Kapamilya at Kapuso network na hindi naiintriga.

Ibinuking pala ni direk Carlo na crush ng anak niyang si CJ Caparas si Katrina Halili, kaya sumama ang binata sa presscon.

Sexy daw palang talaga ang actress, malakas ang dating at parang nagde-demand ng attention ang kaseksihan.

Crush din nito si Krissa Mae at minsan na ring nagka-gusto kay Heart Evan­gelista.

0

Fanny Serrano ayaw sa The Buzz

Pinalamig ni Richard Poon ang studio nung Lunes nang hapon dahil bago ito dumating ay naglabas ng sama ng loob ang kaibigang Jobert Sucaldito tungkol sa salon owner na si Fanny Serrano.

Nakarating kay Jobert ang pahayag ni Tita Fanny na bakit daw siya magpapainterbyu sa The Buzz tungkol sa isyu kina Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta samantalang binira siya ni Jobert sa radyo, sa ibang talk show na lang daw siya magsa­salita, dahil taga-The Buzz nga si Jobert.

Sabi ni Jobert, sa susunod daw na kukuha ng spokesman ang megastar, sana raw ay may utak ang kunin ng aktres, hindi tulad ni Tita Fanny na namemersonal.

Nabanggit din ni Jobert na noon daw ay si Precy Ejercito ang palaging takbuhan ng salon owner, napakalaki raw ng naitulong sa kanya ni Precy, pero nung EDSA 2 ay tumayo pa siya sa entablado para sa pagpapababa sa Pangulong Joseph Estrada na biyenan ni Precy.

“Nung magkasakit siya, ipinanghingi siya ng tulong ni Tita Evelyn Alvaran para sa operasyon niya, pero ano ang ginagawa niya? Ayun, tatapatan pa niya ang event nung tao, mabilis siyang makalimot,” dagdag pa ni Jobert.

Nag-ugat ang isyu sa pagtawag ni Tita Fanny sa mga manunulat para ipaliwanag na hindi naghiwalay ang mag-asawang Senador Kiko at Sharon, ang ibinigay niyang dahilan ay quiet time, ang sinabi naman ni Jobert sa radyo ay maging quiet na lang sana si Tita Fanny dahil baka hindi niya alam ang kabuuang isyung naglalabasan ngayon.

Nakarating yun kay Tita Fanny, maaaring may dagdag at may kulang na ang kuwento, kaya siya nakapagsalita na ayaw niyang magpainterbyu sa The Buzz dahil nandun nga si Jobert.

0

Jennylyn Mercado magde-demanda

Tinawagan ako ni Becky Aguila sa telepono noong Lunes.

Nilinaw niya na false at hindi true ang mga balita na nanggagaling sa kampo ng kanyang dating empleyado.

May balak si Becky na idemanda ang ex-employee niya. Kasama raw sa mga magsasampa ng kaso si Jennylyn Mercado.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata.

Tingnan natin ang isasagot ng ex-employee ni Becky sa mga paratang laban sa kanya.

Alive na alive na naman ang showbiz dahil sa rami ng mga kontrobersya!

Monday, October 13, 2008

0

Ryan, enjoy magpaka-bad boy!

DALAWANG show ni Ryan Agoncillo ang dapat abangan ng mga fans niya sa ABS-CBN 2. Nandiyan ang Fear Factor, na siya ang maghu-host, at ang Pieta, ang sikat na obra ni Carlo J. Caparas, dalawang dekada na ang nakararaan.


Si Ryan nga ang gaganap na Rigor, na unang ginampanan ni Ace Vergel, at si Cherie Gil ang lalabas na nanay niya, si Amanda.


Type ni Ryan ang role niya sa Pieta, dahil bad boy ang dating niya. Noon pa nga niya feel ang magpaka-bad boy. Sabi nga niya, enjoy siya na magpaka-bad boy sa harap ng kamera.


Ang Pieta ay kuwento ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

0

Angelika, ‘nasarapan’ sa paglilihi!

MARAMI ang humanga kay Angelika dela Cruz dahil hindi na niya pinahaba pa ang proseso ng pagtatago ng totoong sitwasyon niya ngayon.


Malaking bagay rin siguro na kasal na naman kasi siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Oreon Casareo sa civil noong August 19 ng taong ito.


Matagal na rin ang relasyon ng dalawa, at marami na rin silang pinagdaanan.


Three months pregnant nga si Angelika ngayon sa magiging first baby nila, pero ayon sa kanya, last week lang daw nila nalaman na buntis siya.


Hindi na kami nagulat nang i-announce ito ni Angelika dahil matagal na niyang sinabing engaged na sila, ‘yun nga lang, bawal pa niya itong i-reveal dati.


Kilala sa paging super protective ang daddy Ernie dela Cruz niya sa kanya.

At kilala rin ito na napaka-choosy pagdating sa mga nagiging boyfriend ng anak.


“Noong makita naman ni daddy na mabait talaga si Orion, okey na. At saka, si Orion kasi, kapag may family gatherings kami or outing, kasama namin siya, part of the family na siyang talaga.


“Noong malaman ni Daddy na buntis ako, na­ging very emotional siya.

Pero, sobrang happy niya kasi magiging lolo na siya,” masayang kuwento ni Angelika.


Pero wala na raw hihigit pa sa happiness na nararamdaman nila ng kanyang asawa. Although, nasa first trimester pa lang siya, excited na raw silang dalawa sa magiging anak nila.


Thankful din si Angelika dahil hindi siya tulad ng ibang buntis na hirap na hirap maglihi. Kung titingnan mo nga si Angelika, parang sarap na sarap pa siya sa paglilihi niya ngayon.


At dahil hindi nga siya hirap, kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa kanyang showbiz career.


“Very, very thankful ako sa GMA. Kasi, noong sinabi ko sa kanila ‘yung situation ko ngayon, sila mismo ang nagsabi na mag-a-adjust sila sa story kaya sobrang happy ako.”


Bukod sa Una Kang Naging Akin, kasama rin si Angelika sa Lalola.


Anyway, masuwerte ngang matatawag si Angelika dahil kahit hindi siya mag-work ng todo, siguradong mabubuhay pa rin siya ng bonggang-bongga dahil may sariling negosyo ang asawa nito bukod pa sa family business ng mga ito.


Aside nga sa nauna na nilang civil wedding, nakatakda rin daw silang ikasal sa isang church wedding sa December 2009. That of course, pagkasilang na ni Angelika sa kanilang first baby ng asawa.

0

Dennis, walang pakialam sa lalake ni Carlene!

ASIWANG-ASIWA si Dennis Trillo na pag-usapan ang bagong boyfriend ni Carlene Aguilar na si Yo Ocampo. Dinaan na lang ni Dennis sa pagtawa ang mga tanong sa kanya tungkol kina Carlene at Yo.


“Wala na bang puwedeng pag-usapan? Puwede ba na Gagambino na lang ang itanong ninyo sa akin?” nakangiting pakiusap ni Dennis.


Lantaran na nga na ipi­narada ni Carlene ang la­lakeng ipinalit niya kay Dennis. Palagi silang magkasama, at always present si Yo sa Celebrity Duets.


Sabi nga ni Dennis, kung saan masaya si Carlene, gawin niya. Wala raw siyang nakikitang masama sa ginagawa ni Carlene dahil wala na silang commitment, ma­liban lang sa pagiging magulang sa anak nilang si Calix.


“Carlene can do whatever she wants naman. Hindi ako makikialam sa mga gagawin niya. May kani-kanya na kaming buhay. Ang importante ay hindi namin napapabayaan si Calix.


“Like what I said, kung saan masaya si Carlene, doon siya. At kung saan din ako masaya, doon din ako.”


Okey rin kay Dennis kung maging close si Yo sa anak nila ni Carlene.


“Okey ‘yon sa akin. Ako pa rin naman ang ama ni Calix at hindi mababago iyon.”


Tulad nga ni Dennis, naging kontrobersyal din si Yo Ocampo noong sumubok itong pumasok sa showbiz noong 2003. Sumali sa ilang contests noon si Yo at nakasama pa sa pelikulang Hubog ni Assunta de Rossi.


Ang natandaan naming issue kay Yo noon ay ang nu’ng pinag-agawan siya ng dalawang talent managers. May kontrata kasi siya sa dalawang managers noon. Nagkaroon pa ng hindi magandang confrontation noon ang dala­-wang managers dahil kay Yo. After noon ay bigla na lang nawala si Yo at balitang ayaw na nitong mag-artista dahil na-trauma ito sa pag-aaway ng dalawang managers.

0

Young actor kinalimutan na ang utang

Ilang linggo naming nakasama sa Winnipeg, Canada si Bernadette Dueñas, ang make-up artist ng ABS-CBN na inutangan ng young actor (na nung magtagal-tagal na ay umaming young actress pala ito) na si Marc Cortez, ipinagpasa-Diyos na lang pala niya ang pagkakautang nito dahil kahit anong paniningil ang gawin niya ay puro kaechosan lang naman ang mga pangakong binibitiwan sa kanya.

“Hindi ko na lang siya iniintindi, malaking pera ang inutang niya sa akin, totoo yun, pero kung dun ko naman ibubuhos ang attention ko, baka hindi na sumulong ang buhay ko,” katwiran ni Bern.

Ang huling pangako ni Marc Cortez ay susunod ito sa kanyang ina sa ibang bansa, kapag nandun na raw ito ay magpapadala na lang ng pambayad sa kanya, pero iba naman ang pananaw ni Bern tungkol dun.

“Kung yung nandito nga siya, e, hindi man lang siya makaalalang magbayad, kundi ko pa siya hanapin at tawagan, e, hindi naman siya nakakaalalang manghingi man lang ng dispensa sa akin, yung nasa ibang bansa pa kaya niya ako maalala?

“Siyempre, sinabi na lang niya yun para maisip kong magbabayad pa rin siya, pero hindi na ako umaasa pa, lista na lang sa tubig yun. Bahala na ang Diyos sa kanya, perang pinaghirapan ang kinuha niya sa akin, hindi ko napulot lang sa kung saan ang mahigit na two hundred thousand pesos na inutang niya, may balik ang ganun kapag hindi niya ako binayaran,” pabuntong-hiningang kuwento ni Bernadette.

Kapag nag-iikot kami sa Winnipeg ay magkaduweto sina Bern at Tina Roa, ang aming PA, sa panginginig dahil sa sobrang lamig, nakatutuwa rin silang pagmasdan habang nagpapalitan ng komento, “Akalain mo, nasa Canada na tayo ngayon?”

Si Bern ay dalawang beses nang nakapagbiyahe sa Amerika, ito ang unang pagdalaw niya sa Canada, kaya binalikan niya bigla ang buhay niya sa probinsiya.

Mula siya sa Oriental Mindoro, lumaki siya sa bukid, pero nung labing-isang taong gulang na siya ay sumama siya sa isang tiyahin na nangakong pag-aaralin siya sa Maynila.

Ang pangako nito ay hindi natupad, ginawa lang siyang boy sa bahay nito, magulo ang pamilyang kumupkop sa kanya kaya nagdesisyon siyang umalis na.

Namasukan siyang boy sa isang pamilya, nagtagal siya dun, hanggang sa lumutang na ang kahiligan niya sa pagme-make-up. Nagpunta siya sa parlor ni Bhoy Navarette, naging personal make-up artist siya ng isang sexy star na ini­wan din niya dahil sa pagbibisyo, hanggang sa marami na siyang nakilalang mga personalidad.

0

Co-stars ni Juday sa Humiling... may reklamo

Hindi lang pala si Judy Ann Santos ang apektado sa naudlot na pagpapalabas ng Humiling Ka Sa Langit, ang kanyang supossedly bagong serye sa ABS-CBN kundi kahit ang mga artistang kasama niya. Madalas daw kasing i-pack ang taping. Last minute na raw parati ang can­cellation at apektado na ang schedule ng ibang artista.

Minsan daw, hindi na makatanggap ng tra­baho ang iba sa kanila dahil nga may abiso na meron silang taping, tapos last mi­nute biglang can­celled. Hindi naman daw makareklamo ang ibang artista dahil nahi­hiya silang mag­sabi.

Malamang na next year na ipalabas ang Humiling Ka Sa Langit.

Matagal-tagal na ring pahinga sa TV si Juday kaya nag-aapela na rin ang kanyang mga fans dahil inip na inip na raw sila.

0

Pops at Jomari maliit lang ang naging problema

Kung si Pops Fernandez ang tatanungin, the cause of her and Jomari Yllana’s near-breakup recently was miscommunication, ang termino namang misunderstanding ang ginamit ng aktor. But which over, agad naman daw nilang naayos ni Pops ang kung tutuusi’y maliit na problema.

‘‘Paalis kasi siya nu’n for a show in the province, bale nakalimutan ko lang ’yung usual na kailangang tawagan ko siya. But honestly, that was the first time we got into a fight, very minor pa. Hindi kasi kami ’yung couple na nag-aaway,’’ sabi ni Jom na umaming almost three years na sila ni Pops.

Now, Jomari knows better. Coming from two failed relationships (kina Aiko Melendez at Ara Mina), this one with the Concert Queen would like to keep. One veritable sign is the actor’s enthusiasm towards his career. With Cesca Litton, nagho-host si Jom ng Philippines’ Scariest Challenge that airs on TV5 every Friday at 6:00 p.m.

0

Angelika tatlong buwang buntis

Kaya pala iba ang aura ni Angelika dela Cruz sa presscon ng Lalola dahil bagong kasal ito sa matagal na niyang boyfriend na si Orion Casareo. August 19, pa ikinasal sa huwes ang dalawang two years na palang engaged at ‘di lang maamin dahil inutusan siya.

Nadoble pa ang saya ni Angelika dahil last Thurs­day, October 9, nalaman nitong three months preg­nant na siya. Too early pa para malaman ang gender nang ipinagbubuntis ng actress, basta masayang-masaya siya na magiging ina na siya. Ang kanyang pagbubuntis at nabuking na pagpapakasal ang big news sa Showbiz Central kahapon.

Samantala, mamaya na ang premiere ng Lalola at kung saan, ginagampanan ni Angelika ang role ni Sabrina, ex-girlfriend ni Facundo (JC de Vera) at gaga­win ang lahat para mabawi ang binata. Bida-kontrabida siya rito, gaya ng role niya sa Una Kang Naging Akin as Vanessa na kaagaw ni Jessa kay Nick (Wendell Ramos).

Itong mga klaseng role ang gusto niyang gampanan ngayon dahil madaling mag-marka sa viewers.

Thursday, October 2, 2008

0

Dingdong at Marian niri-request sa Japan

Matagal nang hinihiling ng mga Filipino televiewers ng Access TV (ATV) sa Japan ang tambalang Marian Rivera at Dingdong Dantes na makarating sa bansang Hapon pero hindi pa rin sila napapagbigyan dahil sa higpit ng schedule ng dalawa.

Ang ATV ay siyang broadcast carrier sa Japan ng mga programa ng GMA 7 at QTV na GMA Pinoy TV at GMA Life TV.

Bukod kasi sa tuluy-tuloy ang taping ng Dyesebel, busy din sa kani-kanilang endorsements shoots at sa kanilang kauna-unahang pelikula na One True Love.

May ilang beses na ring nakarating si Dingdong sa Japan pero ito’y noong panahon na hindi pa siya ganoon kasikat habang si Marian ay hindi pa nakakarating sa bansa ng Cherry Blossoms.

Samantala, take two si Richard Gutierrez sa Japan sa November 21 hanggang 24 dahil nakatakda na naman itong magtungo ng Nagoya sa November 21 kasama ang kanyang Asero co-star na si Heart Evangelista at si Allan K. Mula Nagoya ay tutulak sila patungong Tokyo sa gabi ng November 22 para naman sa Family Day ng Philippine Embassy-Tokyo sa November 23. Babalik naman sila ng Pilipinas sa November 24. Unang nakarating si Richard sa Japan nung nakaraang Marso.

Kung ka-date ni Richard ang kanyang rumored girlfriend na si KC Concepcion sa Vienna, Austria para sa premiere night ng For the First Time, si Heart Evangelista naman ang ka-date ng binatang aktor sa Japan.
Hindi naman kaya magselos si KC?

0

Rhian Ramos ayaw makumpara kay KC


If it’s any indication that his health condition is doing incredibly well, isang masiglang Francis Magalona ang ating mapapanood via an alternative health drink commercial.

From the makers of a popular coffee brand, Kiko — as he’s fondly called in showbiz circle — tries to ‘‘outrap’’ his hiphop co-star in the TV ad and via his signature rhyme, rhythm and rhapsody.

Let’s face it, may pagkamaselan ang karamihan sa mga TV advertisers who employ famed celebrities as product endorsers, lalo pa’t hindi lingid sa publiko ang pagkakaroon ng leukemia ni Francis. Such finicky clients would not choose to be associated with talents kung ang mga ito’y makakaapekto sa kanilang produkto.

But having engaged the services of Francis, (ironically) endorsing a health drink at that, ay isang patunay lang na maganda at gumaganda ang kalagayan ng master rapper.

And if I may rap it: ‘‘Walang dapat ikabahala, kayong mga madla… si Francis na akala n’yo ay malala, sori kayo dahil siya’y masigla… kaya sa mga naninira, wala kayong mapapala… dahil ang master rapper, bukod na pinagpala!’’
* * *

Step aside, Sandra Bullock, ipamana mo na ang iyong Ms. Congeniality sash kay Rhian Ramos.

If we were to define the world ‘congenial,’ ito ang katangian ng isang tao who wants to befriend even the extra-terrestial creatures that invade the universe.

Despite repeated provocations by a broadsheet writer at her mini-presscon, ayaw patulan ni Rhian Ramos ang pagkukumpara sa kanila ni KC Concepcion. No doubt, napakaganda ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, putting her side by side Rhian ay nakauungos daw ang huli. Pero teka, there’s British blood in Rhian’s veins, bukod pa sa mas bata ito (she’s only turning 18 on October 3) kesa kay KC.

But take it from the lead star of La Lola, GMA 7’s upcoming teleserye, may kakaiba siyang pananaw pagdating sa kagandahan. “I would say that my older sister is more beautiful than me kasi she looks like Iza Calzado,” sey ng debutante-to-be.

And as if to live up to her Ms. Congeniality title, ayaw na ring patulan ni Rhian ang mga hate e-mails sa kanya that find their way even to her cellphone. “Ine-erase ko ’yon kaagad. Halata naman kasi na taga-showbiz din ’yon. Dapat ko ba silang patulan?” was Rhian’s solicited advice.

0

Alessandra ‘di kilala ng mga security guards ng ABS-CBN


Ready nang mag-asawa si Alessandra de Rossi. Anytime. “Basta pasok siya sa mga hinahanap kong qualifications - mayaman, mabait, guwapo, hindi babaero, faithful, matangkad at puwedeng hindi showbiz,” sabi ni Alessandra nang maka-tsika namin kahapon.

“Dati nagdadasal ako na sana magkadyowa ako before December, pero biglang na-realize ko na ‘wag muna. Mas enjoy ako ngayon,” kuwento pa ng aktres na hindi pala pabor na magkaanak na walang asawa. “I have a very happy family, gusto ko ganundin ako. Maganda ang pagpapalaki sa akin ng nanay ko,” paliwanag ni Alessandra. Hindi mo kasi aakalaing ang isang Alessandra na kadalasan ay magaslaw kung kumilos ay hindi pabor sa mga ganun, I mean yung puwedeng magkaanak na walang asawa. Aakalain mo na puwede naman niyang gawin yun, pero may values pala ang aktres na sa true lang ay wala ang marami. “Maingay lang talaga ako.”

Kaso gustuhin man niyang mag-asawa na, wala naman siyang dyowa na puwedeng paka­salan. Kaya sa mga interesado raw at pasok sa kanyang mga gusto, e-mail lang sa ABS-CBN ang resume with matching income tax return sabay tawa ng aktres.

May mga crushes siya, pero grabe ‘di namin siya napilit na pangalanan.

Actually, nakalimutan ko lang itanong kay Alex kung true din ang mga naba-blind item na kaya siya madalas na iniiwan ng kanyang mga nagiging boyfriend dahil ayaw niyang magpa-’score.’ As in ‘no touch’ kahit mag-dyowa na sila.

Two years na siyang walang papa at so far, hindi niya raw nami-miss na may dyowa.

Sa showbiz naka-apat na boyfriend na siya - Oyo Boy Sotto, Jeremy Marquez, Polo Ravales at Biboy Ramirez. Sa apat na yun, wala siyang iniisip na balikan.

Anyway, sunud-sunod ang trabaho ni Alessandra sa ABS-CBN. Nauna siyang napanood sa I Love Betty La Fea at nag-last taping na siya. Yup, mawawala na ang character niya, pero babalik din naman siya.

Susunod niyang gagawin ang Dragona with Shaina Magdayao. As usual, kontrabida na naman siya. “Kahit anong role naman game ako basta hindi makakasira sa pagkatao ko,” she said.

Eh di ba ang pagiging kontrabida ang rason kaya niya iniwan ang GMA 7? “Ibang tao ang nagsabi na ayaw ko nang maging kontrabida, sana wala ako rito ngayon. Ang cheap naman,” paliwanag niya dahil so far, ang mga naka-line up niyang project sa Dos, lahat kontrabida.

Next year sa isang soap opera, kontrabida uli siya. “Hindi na ba ako puwedeng maging bida,” sabay irap ni Alessandra. “Never naman akong naging bida. Hindi ko rin naman kaya ang responsibility ng bida.”

Eh kumusta naman siya bilang Kapamilya? “Ok lang. Isa siyang challenge na kailangan kong ma-overcome.

“Masaya. Busy. Tuluy-tuloy yung work. Saka wala akong ibang pupuntahan. Trabaho ang gusto ko, andito ang trabaho,” sagot niya.

Matagal din kasi siyang nabakante sa GMA 7. Huling programa pa niya ang Kamandag kaya nang magkaroon ng pagkakataon na maging Kapamilya, nag-desisyon siyang balikan ang kanyang ‘pinagmulan’ (Star Circle Batch 7).

Wala naman siyang contract sa ABS-CBN ngayon, may posibilidad kayang bumalik siya sa GMA 7? “We can never tell kung saan ako mapapadpad. Wala naman talaga akong contract, I’m free, I can always fly.”

Pero marami ring nagulat nang umiyak siya sa presscon ng Betty La Fea kamakailan. “Nalungkot ako. Alam mo yun. Para akong isda sa aquarium na itinapon sa dagat. Wala akong kakilala,” paliwanag ng kapatid ni Assunta.

Nakadagdag pa sa dinadala niyang lungkot noon na madalas siyang hanapan ng ID ng mga security ng ABS-CBN tuwing papasok siya sa bakuran ng Dos. Yup, you read it right. “Lahat sila (referring sa mga co-stars niya sa Betty La Fea) kilala ako except sa mga guard,” natatawang kuwento ni Alessandra.
Maraming beses siyang hindi nakikilala ng mga guard.

Kung sabagay, marami namang hindi kilala ang mga guards ng ABS-CBN. Ultimo ang presidente nilang si Ms. Charo Santos, may isang pagkakataon na hindi nakilala eh presidente na nila yun kahit tanungin n’yo pa si Tito Ricky Lo na minsan ding hindi nakilala ng mga guard.

Uy speaking Assunta, ayaw na raw niyang makialam sa buhay nito. “Hindi ko na alam kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya. Di ko na siya tinatanong.”

Tuesday, September 30, 2008

0

Aktres walang pakialam na kabit lang

Parang UFO ang showbiz couple na ito sa rami ng sightings, kaya kahit nagdi-deny sa bawal nilang relasyon, mas marami pa rin ang naniniwalang may relasyon sila at kailangan lang itago’t may pamilya ang lalake.

Kung saan-saan sila napagkikitang magkasama at ang pinakahuli’y sa Bacolod City. Pati ang hotel na kanilang tinuluyan ay na-text din, kaya paanong hindi paniniwalaan. Kung ano ang ginagawa nila roon, wala pang nakakaalam at tsini-check pa ng mga reporter.

Pati ang bank kung saan may deposit ang lalake, alam ang pakikipag-relasyon nito sa actress dahil mismong misis ng lalake ang nagkukuwento sa tellers at bank personnel. Galit na galit si misis sa actress at ‘di lang maaway in public dahil iniingatan ang reputasyon nang pinag-aagawan nilang lalake.

Matapang ang actress dahil nang minsang tanungin tungkol sa nali-link sa kanya, ang sabi’y basta siya’y single (after makipaghiwalay), bakit daw hindi ang lalake ang tanungin

0

Miss World nag-back out


Panghihinayang ang na-feel ko para kay Janina San Miguel dahil nagbitiw nga siya bilang Bb. Pilipinas-World title-holder.

Hindi ako nanghinayang dahil na-Luz Valdez ang tsansa niya na sumali sa Miss World Contest.

Nanghinayang ako dahil pagkakataon na sana niya na makapunta ng libre sa South Africa.

Chance na sana ni Janina na makarating sa isa sa mga mamahaling lugar sa buong mundo.

Marami ang nangangarap na makarating sa South Africa kaya sayang talaga ang oportunidad na pinakawalan ni Janina.

Pero kung sakaling matalo sa Miss World contest ang ipinalit kay Janina, puwedeng isipin ng mga tao na baka si Janina pa ang nag-win kung natuloy ang pag-join nito sa beauty pageant. ‘Yon lang ang consuelo de bobo na puwedeng ibigay kay Janina na imposibleng hindi nalungkot at na-disappoint sa nangyari sa kanyang career bilang beauty queen.

Sunday, September 28, 2008

0

Bagong asawa bitbit ni Michelle sa concert ni Ogie

Ipinakilala ni Michelle van Eimeren sa TV reporter si Mark Murrow as her “love” at ipinagmalaking mabait ang lalaking pumalit kay Ogie Alcasid sa kanyang puso. Sinamahan ni Mr. Murrow si Michelle at mga anak nitong sina Liela at Sarah sa pagpunta ng ‘Pinas para magbakasyon at manood ng very successful Twenty-Twenty concert ng TV host, comedian, singer-composer last Saturday sa Araneta Coliseum.

Pabirong winarningan ni Ogie ang boyfriend o (husband na ba?) ni Michelle na dahil sa paglantad niya, magiging laman siya ng tabloids. Mukha namang handa na ito at si Michelle na masulat at ma-report sila sa TV.

Isa sa magandang parte ng concert ay nang kantahan ni Ogie ang mga anak ng I Will Be Here at isinunod niya ang pasasalamat kina Michelle at Mark for taking care of his children na hindi nga niya nagagawa dahil nandidito siya most of the time.

Nakakatuwa’t ang audience ang umiyak, samantalang teary-eyed si Michelle at emotional si Ogie.

Towards the end of the concert, nakitang karga-karga ni Mark si Sarah habang ang mag-inang Michelle at Leila ay nagsasayaw. Ang ganda ng eksena!

Ilang araw pa rito sina Michelle, Mark at Leila at Sarah at balita namin, pupunta pa sila sa Hong Kong with Ogie para pumasyal sa Hongkong Disneyland. (Nitz Miralles)

0

Kulam ni Juday nakakatakot


True ang sinabi ni Mr. Roy Iglesias, writer ng maraming pelikula ng Regal Films na kung tatang­galin ang bahagi ng Regal Films sa kasaysayan ng kumpan­ya ni Mother Lily Monteverde, ninipis ang kuwento tungkol dito.

Malaki ang naging bahagi ng Regal sa in­dus­triya ng pelikula na ngayon ay 48 years na palang nagpo-produce ng pelikula.

Kahapon ay binigyan si Mother Lily Monteverde ng tribute ng mga artistang naging bahagi ng kan­yang kumpanya sa SOP sa loob ng halos limang dekada. Bumati sa kanya ang maraming artista at ang iba naman ay sa VTR.

Maraming artista nga naman ang nag-umpisa sa Regal na ngayon ay humahataw pa rin ang career.

Nag-apir ng per­sonal si Juday dahil naudlot ang trip nila sa Amerika para sa pre­miere ng Ploning dahil nagkaroon daw ng problema sa producer doon na si Aida Arceo ayon sa mga narinig kong kuwento.

May special eye kasi talaga si Mother sa mga sisikat na artista.

Si Marian Rivera noon, paapir-apir lang sa mga supporting roles, pero look where she is now. Ang layo na nang narating niya.

Anyway, say ni Mo­ther, hang­ga’t may na­no­nood, ga­ga­wa siya ng pelikula.

Anyway, ang Mata­kot Ka Sa...Kulam starr­ing Judy Ann San­tos at Dennis Trillo ang anni­ver­sary pre­sen­tation ng Regal. Show­ing na ito sa Wed­nes­day. Sa trailer pa lang, sob­­rang naka­kata­kot na ang pelikula.

Actually, kilala ang Regal Films sa pag­ga­wa ng horror films tulad ng Shake, Rattle and Roll, Regal Shock­ers, As­wang, Impak­tita at mara­­mi pang iba. Kaya’t kaa­bang-abang ang ba­gong pelikulang kata­ta­kutan na gawa ng prem­­yadong manunulat na si Jun Lana na tata­lakay sa isang kababa­laghan sa kulturang Pilipi­no - ang Kulam.

“Maraming mga ba­gay sa ating kultura ang hindi natin maipaliwa­nag tulad ng kulam - ngu­nit susu­bukang ipa­intindi ng pelikula ang epekto ng kulam sa bu­hay ng isang tao,” sabi ni Direk Jun Lana.

0

Gastos sa condo nina Polo sagot lahat ni Jean


Consistent statements of denial are like a heap of garbage that attracts flies; kailangang kalkalin kung saan nagmumula ang umaalingasaw na amoy.

Take the case ng paulit-ulit na pagtanggi nina Jean Garcia at Polo Ravales tungkol sa kanilang live-in set up. If it was to my credit, ang inyong lingkod po ang nagbalita dito sa PSN na kumpirmadong nagli-live in na ang magdyowa at a condo unit somewhere in Quezon City. Ito ang kanilang lovenest kung saan si Jean ang bumili ng airconditioning unit, na ba-bad trip kay Polo nang makalimutang bumili ng padlock.

Both Jean and Polo have flatly denied this. Pero ewan ko lang kung makukuha pa nila itong itanggi.

Less than a month ago ay sinisante umano ni Polo ang kanyang driver-bodyguard who had been under his employ for like six years. Hindi raw kasi nakapasok ang tauhan ng aktor na nadisgrasya from a motorcycle accident. Sa inis daw ni Polo nu’ng araw na ‘yon na nagpaalam ang driver na hindi muna papasok ay pinagbitiw niya ito.

Sinalo naman daw agad ni Jean ang pobreng driver, ‘yun ‘yong time na nag-split ang aktres at si Polo.

But when they got back together ay pinaalis na rin daw ni Jean sa kanyang empleyo ang driver.

Without Jean and Polo knowing it, the driver holds the key to most of the biggest secrets na itinatago ng magdyowa, and he has finally blown whistle.

From a reliable source as told by the driver, ang “somewhere in Quezon City” na condo unit ngayon nina Jean at Polo ay sa bandang Santolan Camp Crame. Sampung libong piso raw ang buwanang upa sa tirahan nilang ‘yon, na sa kanyang pagkakaalam ay si Jean ang nagbabayad.

Hirit pa ng driver, madalang kundi man hindi na raw umuuwi si Jean sa Commonwealth (Quezon City) residence kasama ni Jennica at ng iba pang anak but rather at the Santolan condo unit that she and Polo call their home.

Kung tutuusin, the driver’s confession was not like dropping a bomb. Hindi na bago ang tsismis. Kumbaga sa cartographic sketch ng suspect, detalyado noon pa ang facial features nito even the distinguishing marks. Mas tinukoy lang ngayon ang style ng buhok, kung naka-gel ba ito o ni-rebond.

What is disturbing nga lang sa kuwento nu’ng driver ay ang financial aspect umano sa live-in setup nina Jean at Polo. Aside from the P10,000 monthly rent, baka nakatoka pa kay Jean ang grocery, water and electric bills and the like?

I don’t like.

0

Nadia nakakabilib!

Bumilib ako kay Nadia Montenegro nang umapir siya sa Startalk noong Sabado. Hindi ko ine-expect na ang husay-husay niyang magsalita. May kinala­man kaya ang mantika?

Tinatawanan na lang ni Nadia ang mga mantika joke pero napaiyak siya nang mapag-usapan ang kanyang pamilya.

Wala na sanang balak si Nadia na patulan ang mga patutsada ni Mommy Rose Flaminiano pero ang kanyang ‘Theart’ ang nagsabi sa kanya na ipagtang­gol ang sarili niya.

The who si Theart? Eh di si Papa Boy Asistio na dating mayor ng Kalookan City! Na-hurt si Nadia dahil 72 years old na raw ang asawa niya pero idinadamay ito sa mga isyu na wala siyang kinalaman.

Nabulol-bulol nga si Nadia. Rose lang ang address niya kay Mommy Rose pero nababanggit pa niya ang Mommy kaya natatawa siya.

Naintindihan ko ang pagtanggi ni Nadia na huwag magsalita tungkol sa away nila ni Gretchen.

Dating matalik na magkaibigan ang dalawa. Na-feel ko na type pa rin ni Nadia na magkasundo uli sila ni Greta kaya hindi siya nagbigay ng message. Malalim ang pinagsamahan nina Gretchen at Nadia kaya nasaktan ito sa nangyari sa kanilang friendship.

Saturday, September 27, 2008

0

Ogie, ipinagdamot ang pamilya sa media!

MAHIHIRAPAN daw ang media na interbyuhin ang pamilya ni Ogie Alcasid na nandito ngayon sa Pilipinas para manood ng concert ni Ogie sa Araneta Coliseum ngayong gabi.


Kumuha raw ng mga security si Ogie upang guwardiyahan ang da­ting asawang si Michelle van Eimeren, pati na ang da­lawa niyang anak, upang hindi makalapit ang media.


Ilang years na nga namang nasa Australia ang pamilya ng singer-host, kaya na-miss din ng mga anak ang ama nila si­yempre.


Well, hindi natin masisisi si Ogie kung ipagdamot niya ang pamilya sa media lalo na at nasa process na ang annulment ng kanilang kasal.


Tutal naman, pagda­ting sa bago niyang pag-ibig na si Regine Velasquez, nagpista na ang lahat sa deklarasyon niya sa kanilang pagmamahalan.


So, hindi man magbigay ng pahayag si Michelle, pagbigyan natin ang kahilingan ni Ogie dahil in due time, pasasaan ba at magsasalita rin siya, ‘no?

0

Angelica, talbog sa alindog ni Princess!

SI Princess Ryan ang sinasabing ‘impostore’ ni Angelica Panganiban. Magkahawig daw kasi ang dalawa.


“Nu’ng una siyang lumabas, may nagsabi na agad sa akin na magkahawig kami. Sabi ko, sino kaya itong babaeng kamukha ko raw. Gusto ko siyang makita. Nu’ng nakita ko siya, ang ganda nga niya. Sabi ko nga, kamukha ko pala talaga siya,” sabi ni Angelica.


Pero aminado si Angelica na kung pagandahan ng katawan ang pag-uusa­pan, talbog siya kay Princess.


“For me, sa aming lahat sa Banana Split, siya talaga ang pinaka-sexy,” say ni Angelica.


“Flattered naman po ako kapag sinasabing kamukha ko raw si Angelica. Pero, sana magkaroon din ako ng sariling identity, na makilala rin ako bilang Princess Ryan,” say naman ni Princess.


Kasama rin sa Banana Split sina Cristine Reyes, RR Herrera, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, at Dianne Medina.

0

Howie Dorough ng Backstreet Boys, aliw na aliw kay Sarah


SINO raw itong foreigner na madalas ka-date ni Sarah Geronimo ngayon?

Well, busy nga si Sarah ngayon, dahil madalas niyang ka-date, este, kasama ang America’s singing heartthrob na si si Howie Dorough ng Backstreet Boys.


Nandito nga sa Pilipinas si Howie para sa promo ng I’ll Be There, ang carrier single ng latest album ni Sarah na Just Me under Viva Records.


Kuwento ng mga kasama ni Howie, na-impressed daw si Howie kay Sarah nang i-record nila ang kantang I’ll Be There sa Los Angeles. Kaya ginusto niyang magpunta sa Pilipinas para tumulong sa promo ng album nila.


Anyway, kuwento naman ng mga kasama ni Sarah, madali raw na naging comfortable ang dalawa kay Howie. Mabait daw kasi si Howie kay Sarah.


Siyanga pala, busy rin si Sarah ngayon sa paghahanda sa concert niya sa Araneta Coliseum sa November 8, ang The Next One concert.


At ngayon pa lang, paubos na raw ang tiket nito. Katulad din daw ng mabentang album ni Sa­rah, na magu-gold na.


Sa mga fans ni Sa­rah, puwede niyo siyang makasama ngayon sa Mall of Asia. Ang Belo Essential, Myx, PBO, VIVA Prime, OPM Online at Information G ang major sponsors ng concert ni Sarah.


***

0

Bahay nila Gabby nakakandado dahil kay Mrs. Flaminiano


Pumunta ako sa bahay ng mga Concepcion noong Huwebes para makiramay sa pamilya ni Daddy Rollie Concepcion.

Hindi ako magiging plastik. Nakaramdam ako ng melancholia nang tumuntong ako sa kanilang compound dahil 1994 pa nang huli akong pumunta sa bahay nila.

Mahigpit ang bantay sa gate. Sinasabi muna nila sa in-charge ang pangalan ng mga tao na dumarating.

Nakakandado rin ang gate. Hindi basta-basta maka­kapasok ang mga gustong makiramay. May clearance dapat sila.

Si Nadia Montenegro ang sumalubong sa akin sa entrance ng Montessori School na pag-aari ng pa­milya nina Gabby. Nagbiro si Nadia na naka-lock ang gate para hindi maka-enter si Mommy Rose Flaminiano.

Pagpasok ko sa chapel, sinalubong agad ako ni Rina, ang nakababatang kapatid ni Gabby.

Yumakap kaagad sa akin si Rina at sa totoo lang, na-touch ako nang husto sa mainit na pagtanggap niya sa akin.

Nakita ko rin doon sina Mike at Juju, ang mga kapa­tid na lalake ni Gabby na 14 years ko rin na hindi nakita.

Dinala kaagad ako ni Rina sa kuwarto ng kanyang ina, si Mommy Baby na naabutan ko sna nakahiga at nagpapahinga dahil kagagaling lamang niya sa Amerika.

Malungkot na malungkot si Mommy Baby sa pag­ka­wala ng kanyang asawa. Ikinuwento ni Mommy Baby na noon pa niya gustong bumalik sa Pilipinas pero pinigilan siya ni Daddy Rollie.

Kung hindi raw siya inawat ni Daddy Rollie, nakita pa niya na buhay ang kanyang asawa. Limang buwan na si Mommy Baby sa Amerika dahil ipinipetisyon siya ng anak na si Ricky.

Matagal-tagal din kaming nag-usap ni Mommy Baby as in parang hindi kami nagkaroon ng tampuhan ni Gabby.
* * *

Tulog pa si Gabby nang dumating ako sa bahay nila pero nagising siya bago ako umalis.

As usual, ang buhok ni Gabby ang napagdiski­tahan ko dahil hindi ko type ang kanyang hairdo.

Sinabi ko sa kanya na magpagupit na uli siya kay Boy Navarette. Si Boy ang naggugupit noon kay Gabby. Alam na alam ni Boy ang hairstyle na bagay kay Gabby.

Bukas ang libing ni Daddy Rollie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Magkakaroon muna ng 3:00 pm mass sa chapel ng Montessori de San Juan bago siya ihatid sa huling hantungan.

Monday, September 22, 2008

0

Nadia reresbak na!


Ewan if she was born in the Year of the Dragon, but Nadia Montenegro threatens to spew fire like the mythical creature laban sa mga taong umano’y nang-aapi sa kanya this Saturday’s Startalk episode.

Ang naturang “pagbabanta” ay nabanggit umano ni Nadia through a text message sent to a Startalk staff saying na: “Bugbog na bugbog na ako!” And as an act of retaliation ay babasagin na raw ni Nadia ang kanyang katahimikan.

Privy to the identities of those persons na reresbakan ni Nadia, kahit ’di niya isa-isahin ang mga ito ay maliwanag pa sa ningning ng bituin (as in Pilipino Star) who she intends to lash back at.

Una siyempre sa listahan is her friend – turned – foe (or fiend?) na si Gretchen Barretto. May kung anong bomba raw kasing papasabugin si Nadia laban kay Greta, call it showbiz version of terrorist’s attack.

Matatandaan that Greta and Nadia’s long years of friendship ended on a bitter note. What was supposed to be a peaceful meeting sa pagitan ng dalawa many months ago turned out to be one of near-violence.

And because Greta is in the news again yet dragged in the same old issue ay handa na raw si Nadia na isiwalat ang lahat in a tell-all Startalk interview.

Ikalawa sa umano’y pupuntiryahin ni Nadia ay ang magkakamping sina Mommy Rose Flaminiano at Cristy Fermin. Obviously, ipagtatanggol ni Nadia ang labeling sa kanya ng producer-manager as “sulsoltant” ni Gabby, at ang the height bilang pamemersonal na ano ang puwedeng mahita nito kay Nadia kundi mantika.

While others believed that Nadia meant well sa pagpapayo niya kay Gabby, mas marami ang naniniwala na walang iniwan si Nadia sa “bawang” bilang sangkap na laging nakikisahog sa bawat lutuin.

Pero hindi tulad ng medicinal property ng bawang na panlaban sa high blood, ang garlic-like involvement ni Nadia all the more increases blood pressure sa mga taong sila lang dapat ang sangkot at hindi kailangan ang kanyang panghihimasok.

Ano ba ang pakialam ni Nadia sa umano’y pagiging unfaithful ni Gretchen, gayong ni mga kapatid nitong sina Marjorie at Claudine have kept mum about the issue?

Gaano rin ba kaapektado si Nadia sa problema ni Gabby kay Mommy Rose when she, being the actor’s career adviser, does not have a career – both showbiz and political – to boot?

Naniniwala ang inyong lingkod that there can be dignity in obesity.

0

Dennis may komunikasyon pa kay Cristine


Kahit break na, may com­munication pa rin sina Dennis Trillo at ex nitong si Cristine Reyes dahil nang mabalitang nag-attempt ng suicide ang ac­tress sa pamamagitan nang pag-inom ng mara­ming Medicol, tinext siya ng actor para tanungin.

Inalam ni Dennis kung ano ang nangyari at nag-deny si Cristine na pinani­walaan niya. Sabi nito: Hindi ako naniwala sa balita, imposibleng gawin niya ‘yun dahil masayahin siyang tao.”

Dagdag pa ng actor, noon lang uli sila nagkaroon ng komunikasyon ni Cristine at itinanggi ang nasulat na pinuntahan siya nito sa SOP two Sundays ago at nagkape pa habang hinihintay siya. Malabo raw mangyari ’yon dahil ABS-CBN talent na si Cristine.

Samantala, kahit horror ang Mag-Ingat Ka sa Kulam, masaya si Dennis na muling makasama sa pelikula si Judy Ann Santos at leading lady pa niya. Gusto niyang gayahin ang pantay-pantay na trato nito sa mga kasama sa trabaho na nakita niya sa shooting.

Showing sa October 1, ang Regal Films movie na trailer pa lang ay nakakatakot na. Tiyaking may kasama kayong manonood nito para may kasabay kayong sisigaw.

0

‘Hindi ko girlfriend si Anne!’ – Sam Milby


Marami nang nagtaas ng kilay sa sinabing ito ni Sam Milby dahil matagal nang tinanggap ng publiko na mayro’n silang relasyon at wala naman ni isa sa kanilang dalawa na nagtatwa nito. Ngayon na lamang dahil nabalitaang nag-split na sila.

“Hindi ko girlfriend si Anne (Curtis, kapareha niya sa Dyosa). We used to be together, nagkaro’n ng panahon na naging kami. Now we need to concentrate on our career.

“It’s not true that we split dahil I’m conservative and she’s liberal, na pinagbabawalan ko raw siya maging daring sa kanyang mga roles. Hindi ako gano’n although I will admit seloso ako.

“Walang third party and although we’re not together anymore I still have feelings for her, nandun ’yon, hindi mawawala,” pagtatapat ng FilAm guy who is preparing for his major solo concert, Sam Milby: The Rockouztic Heartthrob, na magaganap sa Aliw Theater sa October 25, Saturday.Guests sina Pokwang, Yeng Con­stantino, G-Force, and Arnel Pineda, prodyus ng ASAP Live at nasa direksyon ni Marvin Querido.

Nang makausap ko si Sam recently, mala-Adonis ang kanyang pangangatawan. Utang daw niya ito sa regular na pagpunta sa Gold’s Gym, hindi pagkain ng baboy, baka at kanin. Salad, gulay, manok at cereals lamang siya sa umaga.

Hindi na rin siya gumagamit ng kotse, mas madalas siyang nagmo-motor kahit halos lahat yata ng kaibigan niya’t kakilala ay pinagbabawalan siya dahil delikado ito.

“Masyadong ma-traffic, mas madali kung naka-motor lang ako,” sabi niya sa kanyang matatas nang pananagalog. “I get ex­cited when I’m using my 600cc Yamaha, maski na minsan ay nabangga ako, the excitement hasn’t diminished. I’ve also been bruised many times but nothing serious. What I can do is bawa­san ang speed ko be­cause I drive very fast,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, Sam has been designa­ted by the Department of Education for Students and Co-Curricular Affairs (DepEd-CSCA) as their youth spokesperson and role model. Bukod sa Dyosa, may ginagawa siyang indie film, ang Cul De Sac. Ipalalabas ito rito at maging sa labas ng bansa.

Hindi mo masisisi si Sam kung binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang career ngayon kesa pag-ibig, tambak kasi ang proyektong dumarating sa kanya ngayon. Wala talaga siyang panahon na maibibigay sa kanyang magiging girlfriend. Tanungin n’yo pa si Anne.

0

Aktres walang pambayad kahit ng kuryente ngayon

Nakakagulat ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang aktres na kung ang dating buhay niya ang ating pagbabasehan ay parang imposibleng mangyari sa kanya ngayon ang kuwentong marami na ang nakakaalam.

Parang bukas na gripo na walang tigil sa pag-agos ang biyaya sa kanyang buhay at career noon, ang reklamo pa nga niya dati, nung bata pa raw siya ay malaki ang kanyang wallet pero wala naman siyang mailaman.

Nung dumating naman ang matinding suwerte sa kanyang buhay, maliit na ang branded niyang wallet, hindi niya naman alam kung paano niya pagkakasyahin dun ang kanyang salapi sa dami.

Pero walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista, pana-panahon lang ang suwerte sa kanila, habang kumikita ay kailangang malayo na ang tanaw nila sa buhay.

Hanggang makapag-iipon sila ay kailangan na nilang gawin yun dahil mabilis ang transisyon sa kanilang larangan, araw-araw ay maraming bagong mukha ang nagdaratingan, mahigpit ang labanan.

Sabi ng aming source, “Alam mo ba na kahit pambayad niya na lang ng kuryente ngayon, hinahanap pa niya? Nagpapa-rediscount siya ng tseke, palit siya nang palit sa mga kaibigan at kakilala niya, hirap siya sa buhay ngayon.

“Yung mga ipinagmamalaki niyang properties noon, tunaw nang lahat, naibenta na niyang isa-isa nung mga panahong wala na siyang kayod, umiikot ang puwet niya ngayon kapag panahon na ng bayaran.

“Kundi sana siya naging pasaway, binigyan na kasi siya ng panibagong chance noon ng isang network, pero hindi pa niya yun iningatan, nagmarunong na naman siya.

“Ayun, tinigbak ang role niya sa serye, hindi na siya uli kinuha, sino naman kasi ang kukuha pa uli sa ugali niyang ganun? Mayabang na siya, feeling alam niya pa ang lahat-lahat, kaya kinasawaan siya,” simulang kuwento ng aming source.

Dati’y mataas ang tono ng aktres na ito, parang pag-aari na niya ang mundo kung makapanlait siya ng kanyang kapwa, kinaaaliwan ng marami ang kanyang mga pagtataray pero kinaiinisan din yun ng mas nakararami.

“Ngayon, bali na ang pakpak niya. Paano pa siya makapanlalait ngayon, wala na siyang boses, dahil alam niya na bagsak na ang kabuhayan niya?

“Gustuhin man niyang manlait ngayon, mas uunahin na siguro niya ang paghahanap ng paraan para sila mabuhay na mag-iina. Meron pa rin naman siyang natitirang ari-arian, pero kung ibebenta pa niya yun, saan na sila titira ng mga anak niya?

“Inuna niya kasi ang pagyayabang, ang panghahamak sa kapwa niya, ayun tuloy, na-karma siya! Sino ba ang mag-aakala na kahit pambayad na lang sa kuryente ngayon, e, hinahanap pa niya?

“Dati, sensilyo lang para sa kanya yun, hindi niya pinapansin, pero ngayon, bawat sentimo talagang nahahawakan niya, kailangan na niyang ingatan,” kuwento pa rin ng aming source.
Totoo, life is not a bed of roses talaga.

Sunday, September 21, 2008

0

Patrick nagpa-rehab lang??? pinatatakpan lang...


Sa halip na si Mrs. Bing Garcia or any of her immediate family members ay si Arnold Vegafria ang nagsalita ukol sa whereabouts ni Patrick, the actor’s manager.

Kapuna-puna, kundi man in question, ang pahayag ni Arnold that ever since Patrick flew to the US to study (?) ay wala silang communication ng alaga. Through Patrick’s mom lang daw nakikibalita si Arnold tungkol sa umano’y tinatapos nitong thesis sa in-enrol-an nitong eskuwela, that such back-to-school plan had already been in place even before Jennylyn Mercado got pregrant.

Scheduled to return home next week, minadali raw ni Patrick ang ilang school requirements. Ayon kay Arnold, excited na rin daw kasi si Patrick na makita ang anak nila ni Jen, and at the same time ironing out their differences.

‘‘Malay mo, pagnakita ni Patrick ang anak nila, lumambot ang puso niya at magkabalikan sila?’’ said Arnold in a Startalk interview. Since the beginning naman daw kasi, Patrick has acknowledged himself as the child’s real father.

To me, Arnold’s presumptive assertion was a self-contradiction in itself. Bakit naman hindi lalambot ang puso ng kanyang alaga if Patrick initially thought it was his child that Jen gave birth to? Bakit kailangan pang magkaroon ng sort of bargaining agreement, as if nakasalalay sa inosenteng sanggol ang posibilidad na magkakabalikan sila?

Sorry, Mr. Vegafria, not only is your line of defense weak, it’s also baloney!

Sobra na naman yatang pagtatakip ’yan kay Patrick, to the point of misleading the public na tumitiyempo lang ang aktor para makipagkasundo kay Jean. Patrick’s family included. Kesyo ang idinadahilan ng kampo ni Patrick ay ipinagkakait ni Jen ang kanyang anak.

Granting na matagal pa man kasado ang pagpunta ni Patrick sa Amerika para mag-aral bago pa man nagbuntis si Jen, why schedule his departure at a time when his physical presence was badly needed: Nanganak si Jen, namatayan ng ama, where was Patrick all along? And for Arnold to say na sa pamamagitan lang ng ina ni Patrick niya nalalaman ang whereabouts ng kanyang alaga makes for a real-life fantaserye of all time.

Arnold, however, cannot get away with hounding questions tungkol sa tunay na dahilan ng pagkawala sa bansa ni Patrick. Tabloid items screen pointing to Patrick na kung hindi man tumakas sa maraming pagkakautang dito is at an undisclosed rehab center.

Of course, the public is giving Patrick the benefit more than the doubt.

0

ABS-CBN nakialam na sa demandahan nina Gabby at Rose Flaminiano

Twenty two million ang kabuuang halaga ng danyos perhuwisyo na hinihingi ni Mommy Rose Flaminiano mula kay Gabby Concepcion sa demandang isinampa niya laban sa aktor nung nakaraang Martes nang hapon.

May nagtanong sa manager, paano kung bayaran ni Gabby ang halagang hinihingi niya, pakakawalan na ba niya si Gabby?

Nilinaw ni Mommy Rose, “Ang twenty two million pesos, pang-6 months lang yun, sa tinakbuhan lang ng contract namin yun bilang manager-talent, meron pang four and a half years na naiiwanan.

“Yung sa ngayon lang ang twenty two million pesos, mahaba pa ang tatakbuhin ng contract niya sa akin, meron pa siyang apat na taon at kalahati,” malinaw ang sagot ni Mommy Rose.

Pero sino naman kaya ang bibili kay Mommy Rose ng kontrata ni Gabby, kung sakali man, meron naman kayang tulad niya na agad-agad na maniniwala sa kapasidad ng aktor?

Lalo na sa mga panahong ito, kumbaga sa paninda ay pababa na ang presyo ni Gabby, tapos na ang maliligaya nitong araw. Ang maraming kausap ni Mommy Rose para sa pag-eendorso ni Gabby ay nag-urungan na, kabanggit-banggit ang isang kumpanya ng pabango na nagpasabi na sa kanya ng kawalan ng interes, dahil nga sa mga nagaganap.

Punumpuno pa naman ng entusiyasmo noon ang may-ari ng kumpanya ng pabango, pinag-usapan na nila ni Mommy Rose kung saan-saan itatayo ang malalaking billboards ng aktor, pictorial na lang ang kulang na isasabay sana sa contract signing.

Pero nung magkaroon ng meeting ang kumpanya ay biglang nagbago na ang ihip ng hangin, halos lahat sa committee ay nagsabing para ano pa at kukunin nila si Gabby, pabango ang kanilang produkto at hindi magiging kapani-paniwala kung ang kukunin nilang modelo ay hindi kabanguhan ang imahe ngayon sa publiko.

May saysay ang desisyon ng kumpanya, mahirap magbenta ng produktong pabango kung ang mismong nakikita ng publiko na nagmomodelo nun ay isang personalidad na sagana sa kaso kaliwa’t kanan, tulad ni Gabby Concepcion.

Ano’ng magagawa ni Mommy Rose, nagpapakatotoo lang naman ang may-ari ng kumpanya, alangan namang magsayang nang milyon-milyon ang kumpanya para sa isang talunang proyekto?

At sa ganung kaganapan ay si Gabby ang talong-talo. Kailangan nitong magtrabaho para sa kanyang pamilya, kaya nga siya umuwi dito ay dahil bagsak na rin ang real estate business sa Amerika, aminado naman ang gobyerno ng Amerika na bagsak na bagsak ang estado ng ekonomiya nila ngayon.

Si Mommy Rose ay makapamumuhay na nang disente at hanggang sa mga susunod pang dekada, si Gabby ang mas nangangailangan ng pera, hindi ang kanyang manager.
* * *

Balita nami’y nagkaroon na ng pag-uusap si Mommy Rose at ang mga ehekutibo ng ABS-CBN. Kailangan nilang upuan ang problema, dahil hindi lang naman kay Mommy Rose may kontrata ang aktor, meron din silang kontrata sa ABS-CBN at sa Star Cinema.

Hindi inilabas ni Mommy Rose ang kontratang yun, ang kontrata lang nila ni Gabby ang nasilip ng media nung magsampa siya ng kaso laban sa aktor, ano-ano pa kaya ang nilalaman ng nasabing kontrata?

Hindi man namin alam ang naging takbo ng pag-uusap nila ay madaling sabihin na tungo sa ipagkakasundo ng magkabilang panig ang naging agenda nila.

Paano nga naman mangyayari ang mga nakasaad sa kontrata kung kasinggulo ng giyera ang samahan ngayon nina Gabby at Mommy Rose, siguradong nagtulay ang mga ehekutibo sa kanilang away, hindi lang namin alam kung napalambot ng mga ito ang manager ni Gabby.

Sa tanong kung may plano ang Star Cinema na saluhin si Gabby mula kay Mommy Rose ay puwedeng isipin na hindi. Natural lang na kung susugal man sa ganun kalaking halaga ang produksiyon ay mas gugustuhin na nilang sumugal sa mas batang artista, yung mapapakinabangan pa nila nang matagal, hindi gaya ni Gabby.

ads