Parang UFO ang showbiz couple na ito sa rami ng sightings, kaya kahit nagdi-deny sa bawal nilang relasyon, mas marami pa rin ang naniniwalang may relasyon sila at kailangan lang itago’t may pamilya ang lalake.
Kung saan-saan sila napagkikitang magkasama at ang pinakahuli’y sa Bacolod City. Pati ang hotel na kanilang tinuluyan ay na-text din, kaya paanong hindi paniniwalaan. Kung ano ang ginagawa nila roon, wala pang nakakaalam at tsini-check pa ng mga reporter.
Pati ang bank kung saan may deposit ang lalake, alam ang pakikipag-relasyon nito sa actress dahil mismong misis ng lalake ang nagkukuwento sa tellers at bank personnel. Galit na galit si misis sa actress at ‘di lang maaway in public dahil iniingatan ang reputasyon nang pinag-aagawan nilang lalake.
Matapang ang actress dahil nang minsang tanungin tungkol sa nali-link sa kanya, ang sabi’y basta siya’y single (after makipaghiwalay), bakit daw hindi ang lalake ang tanungin
Tuesday, September 30, 2008
Aktres walang pakialam na kabit lang
Labels: Blind Item
Miss World nag-back out
Panghihinayang ang na-feel ko para kay Janina San Miguel dahil nagbitiw nga siya bilang Bb. Pilipinas-World title-holder.
Hindi ako nanghinayang dahil na-Luz Valdez ang tsansa niya na sumali sa Miss World Contest.
Nanghinayang ako dahil pagkakataon na sana niya na makapunta ng libre sa South Africa.
Chance na sana ni Janina na makarating sa isa sa mga mamahaling lugar sa buong mundo.
Marami ang nangangarap na makarating sa South Africa kaya sayang talaga ang oportunidad na pinakawalan ni Janina.
Pero kung sakaling matalo sa Miss World contest ang ipinalit kay Janina, puwedeng isipin ng mga tao na baka si Janina pa ang nag-win kung natuloy ang pag-join nito sa beauty pageant. ‘Yon lang ang consuelo de bobo na puwedeng ibigay kay Janina na imposibleng hindi nalungkot at na-disappoint sa nangyari sa kanyang career bilang beauty queen.
Labels: Janina San Miguel
Sunday, September 28, 2008
Bagong asawa bitbit ni Michelle sa concert ni Ogie
Ipinakilala ni Michelle van Eimeren sa TV reporter si Mark Murrow as her “love” at ipinagmalaking mabait ang lalaking pumalit kay Ogie Alcasid sa kanyang puso. Sinamahan ni Mr. Murrow si Michelle at mga anak nitong sina Liela at Sarah sa pagpunta ng ‘Pinas para magbakasyon at manood ng very successful Twenty-Twenty concert ng TV host, comedian, singer-composer last Saturday sa Araneta Coliseum.
Pabirong winarningan ni Ogie ang boyfriend o (husband na ba?) ni Michelle na dahil sa paglantad niya, magiging laman siya ng tabloids. Mukha namang handa na ito at si Michelle na masulat at ma-report sila sa TV.
Isa sa magandang parte ng concert ay nang kantahan ni Ogie ang mga anak ng I Will Be Here at isinunod niya ang pasasalamat kina Michelle at Mark for taking care of his children na hindi nga niya nagagawa dahil nandidito siya most of the time.
Nakakatuwa’t ang audience ang umiyak, samantalang teary-eyed si Michelle at emotional si Ogie.
Towards the end of the concert, nakitang karga-karga ni Mark si Sarah habang ang mag-inang Michelle at Leila ay nagsasayaw. Ang ganda ng eksena!
Ilang araw pa rito sina Michelle, Mark at Leila at Sarah at balita namin, pupunta pa sila sa Hong Kong with Ogie para pumasyal sa Hongkong Disneyland. (Nitz Miralles)
Kulam ni Juday nakakatakot
True ang sinabi ni Mr. Roy Iglesias, writer ng maraming pelikula ng Regal Films na kung tatanggalin ang bahagi ng Regal Films sa kasaysayan ng kumpanya ni Mother Lily Monteverde, ninipis ang kuwento tungkol dito.
Malaki ang naging bahagi ng Regal sa industriya ng pelikula na ngayon ay 48 years na palang nagpo-produce ng pelikula.
Kahapon ay binigyan si Mother Lily Monteverde ng tribute ng mga artistang naging bahagi ng kanyang kumpanya sa SOP sa loob ng halos limang dekada. Bumati sa kanya ang maraming artista at ang iba naman ay sa VTR.
Maraming artista nga naman ang nag-umpisa sa Regal na ngayon ay humahataw pa rin ang career.
Nag-apir ng personal si Juday dahil naudlot ang trip nila sa Amerika para sa premiere ng Ploning dahil nagkaroon daw ng problema sa producer doon na si Aida Arceo ayon sa mga narinig kong kuwento.
May special eye kasi talaga si Mother sa mga sisikat na artista.
Si Marian Rivera noon, paapir-apir lang sa mga supporting roles, pero look where she is now. Ang layo na nang narating niya.
Anyway, say ni Mother, hangga’t may nanonood, gagawa siya ng pelikula.
Anyway, ang Matakot Ka Sa...Kulam starring Judy Ann Santos at Dennis Trillo ang anniversary presentation ng Regal. Showing na ito sa Wednesday. Sa trailer pa lang, sobrang nakakatakot na ang pelikula.
Actually, kilala ang Regal Films sa paggawa ng horror films tulad ng Shake, Rattle and Roll, Regal Shockers, Aswang, Impaktita at marami pang iba. Kaya’t kaabang-abang ang bagong pelikulang katatakutan na gawa ng premyadong manunulat na si Jun Lana na tatalakay sa isang kababalaghan sa kulturang Pilipino - ang Kulam.
“Maraming mga bagay sa ating kultura ang hindi natin maipaliwanag tulad ng kulam - ngunit susubukang ipaintindi ng pelikula ang epekto ng kulam sa buhay ng isang tao,” sabi ni Direk Jun Lana.
Labels: Judy Ann Santos
Gastos sa condo nina Polo sagot lahat ni Jean
Consistent statements of denial are like a heap of garbage that attracts flies; kailangang kalkalin kung saan nagmumula ang umaalingasaw na amoy.
Take the case ng paulit-ulit na pagtanggi nina Jean Garcia at Polo Ravales tungkol sa kanilang live-in set up. If it was to my credit, ang inyong lingkod po ang nagbalita dito sa PSN na kumpirmadong nagli-live in na ang magdyowa at a condo unit somewhere in Quezon City. Ito ang kanilang lovenest kung saan si Jean ang bumili ng airconditioning unit, na ba-bad trip kay Polo nang makalimutang bumili ng padlock.
Both Jean and Polo have flatly denied this. Pero ewan ko lang kung makukuha pa nila itong itanggi.
Less than a month ago ay sinisante umano ni Polo ang kanyang driver-bodyguard who had been under his employ for like six years. Hindi raw kasi nakapasok ang tauhan ng aktor na nadisgrasya from a motorcycle accident. Sa inis daw ni Polo nu’ng araw na ‘yon na nagpaalam ang driver na hindi muna papasok ay pinagbitiw niya ito.
Sinalo naman daw agad ni Jean ang pobreng driver, ‘yun ‘yong time na nag-split ang aktres at si Polo.
But when they got back together ay pinaalis na rin daw ni Jean sa kanyang empleyo ang driver.
Without Jean and Polo knowing it, the driver holds the key to most of the biggest secrets na itinatago ng magdyowa, and he has finally blown whistle.
From a reliable source as told by the driver, ang “somewhere in Quezon City” na condo unit ngayon nina Jean at Polo ay sa bandang Santolan Camp Crame. Sampung libong piso raw ang buwanang upa sa tirahan nilang ‘yon, na sa kanyang pagkakaalam ay si Jean ang nagbabayad.
Hirit pa ng driver, madalang kundi man hindi na raw umuuwi si Jean sa Commonwealth (Quezon City) residence kasama ni Jennica at ng iba pang anak but rather at the Santolan condo unit that she and Polo call their home.
Kung tutuusin, the driver’s confession was not like dropping a bomb. Hindi na bago ang tsismis. Kumbaga sa cartographic sketch ng suspect, detalyado noon pa ang facial features nito even the distinguishing marks. Mas tinukoy lang ngayon ang style ng buhok, kung naka-gel ba ito o ni-rebond.
What is disturbing nga lang sa kuwento nu’ng driver ay ang financial aspect umano sa live-in setup nina Jean at Polo. Aside from the P10,000 monthly rent, baka nakatoka pa kay Jean ang grocery, water and electric bills and the like?
I don’t like.
Labels: Polo Ravales
Nadia nakakabilib!
Bumilib ako kay Nadia Montenegro nang umapir siya sa Startalk noong Sabado. Hindi ko ine-expect na ang husay-husay niyang magsalita. May kinalaman kaya ang mantika?
Tinatawanan na lang ni Nadia ang mga mantika joke pero napaiyak siya nang mapag-usapan ang kanyang pamilya.
Wala na sanang balak si Nadia na patulan ang mga patutsada ni Mommy Rose Flaminiano pero ang kanyang ‘Theart’ ang nagsabi sa kanya na ipagtanggol ang sarili niya.
The who si Theart? Eh di si Papa Boy Asistio na dating mayor ng Kalookan City! Na-hurt si Nadia dahil 72 years old na raw ang asawa niya pero idinadamay ito sa mga isyu na wala siyang kinalaman.
Nabulol-bulol nga si Nadia. Rose lang ang address niya kay Mommy Rose pero nababanggit pa niya ang Mommy kaya natatawa siya.
Naintindihan ko ang pagtanggi ni Nadia na huwag magsalita tungkol sa away nila ni Gretchen.
Dating matalik na magkaibigan ang dalawa. Na-feel ko na type pa rin ni Nadia na magkasundo uli sila ni Greta kaya hindi siya nagbigay ng message. Malalim ang pinagsamahan nina Gretchen at Nadia kaya nasaktan ito sa nangyari sa kanilang friendship.
Labels: Nadia Montenegro
Saturday, September 27, 2008
Ogie, ipinagdamot ang pamilya sa media!
MAHIHIRAPAN daw ang media na interbyuhin ang pamilya ni Ogie Alcasid na nandito ngayon sa Pilipinas para manood ng concert ni Ogie sa Araneta Coliseum ngayong gabi.
Kumuha raw ng mga security si Ogie upang guwardiyahan ang dating asawang si Michelle van Eimeren, pati na ang dalawa niyang anak, upang hindi makalapit ang media.
Ilang years na nga namang nasa Australia ang pamilya ng singer-host, kaya na-miss din ng mga anak ang ama nila siyempre.
Well, hindi natin masisisi si Ogie kung ipagdamot niya ang pamilya sa media lalo na at nasa process na ang annulment ng kanilang kasal.
Tutal naman, pagdating sa bago niyang pag-ibig na si Regine Velasquez, nagpista na ang lahat sa deklarasyon niya sa kanilang pagmamahalan.
So, hindi man magbigay ng pahayag si Michelle, pagbigyan natin ang kahilingan ni Ogie dahil in due time, pasasaan ba at magsasalita rin siya, ‘no?
Labels: ogie alcasid
Angelica, talbog sa alindog ni Princess!
SI Princess Ryan ang sinasabing ‘impostore’ ni Angelica Panganiban. Magkahawig daw kasi ang dalawa.
“Nu’ng una siyang lumabas, may nagsabi na agad sa akin na magkahawig kami. Sabi ko, sino kaya itong babaeng kamukha ko raw. Gusto ko siyang makita. Nu’ng nakita ko siya, ang ganda nga niya. Sabi ko nga, kamukha ko pala talaga siya,” sabi ni Angelica.
Pero aminado si Angelica na kung pagandahan ng katawan ang pag-uusapan, talbog siya kay Princess.
“For me, sa aming lahat sa Banana Split, siya talaga ang pinaka-sexy,” say ni Angelica.
“Flattered naman po ako kapag sinasabing kamukha ko raw si Angelica. Pero, sana magkaroon din ako ng sariling identity, na makilala rin ako bilang Princess Ryan,” say naman ni Princess.
Kasama rin sa Banana Split sina Cristine Reyes, RR Herrera, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion, at Dianne Medina.
Labels: Angelica Panganiban
Howie Dorough ng Backstreet Boys, aliw na aliw kay Sarah
SINO raw itong foreigner na madalas ka-date ni Sarah Geronimo ngayon?
Well, busy nga si Sarah ngayon, dahil madalas niyang ka-date, este, kasama ang America’s singing heartthrob na si si Howie Dorough ng Backstreet Boys.
Nandito nga sa Pilipinas si Howie para sa promo ng I’ll Be There, ang carrier single ng latest album ni Sarah na Just Me under Viva Records.
Kuwento ng mga kasama ni Howie, na-impressed daw si Howie kay Sarah nang i-record nila ang kantang I’ll Be There sa Los Angeles. Kaya ginusto niyang magpunta sa Pilipinas para tumulong sa promo ng album nila.
Anyway, kuwento naman ng mga kasama ni Sarah, madali raw na naging comfortable ang dalawa kay Howie. Mabait daw kasi si Howie kay Sarah.
Siyanga pala, busy rin si Sarah ngayon sa paghahanda sa concert niya sa Araneta Coliseum sa November 8, ang The Next One concert.
At ngayon pa lang, paubos na raw ang tiket nito. Katulad din daw ng mabentang album ni Sarah, na magu-gold na.
Sa mga fans ni Sarah, puwede niyo siyang makasama ngayon sa Mall of Asia. Ang Belo Essential, Myx, PBO, VIVA Prime, OPM Online at Information G ang major sponsors ng concert ni Sarah.
***
Labels: Sarah Geronimo
Bahay nila Gabby nakakandado dahil kay Mrs. Flaminiano
Pumunta ako sa bahay ng mga Concepcion noong Huwebes para makiramay sa pamilya ni Daddy Rollie Concepcion.
Hindi ako magiging plastik. Nakaramdam ako ng melancholia nang tumuntong ako sa kanilang compound dahil 1994 pa nang huli akong pumunta sa bahay nila.
Mahigpit ang bantay sa gate. Sinasabi muna nila sa in-charge ang pangalan ng mga tao na dumarating.
Nakakandado rin ang gate. Hindi basta-basta makakapasok ang mga gustong makiramay. May clearance dapat sila.
Si Nadia Montenegro ang sumalubong sa akin sa entrance ng Montessori School na pag-aari ng pamilya nina Gabby. Nagbiro si Nadia na naka-lock ang gate para hindi maka-enter si Mommy Rose Flaminiano.
Pagpasok ko sa chapel, sinalubong agad ako ni Rina, ang nakababatang kapatid ni Gabby.
Yumakap kaagad sa akin si Rina at sa totoo lang, na-touch ako nang husto sa mainit na pagtanggap niya sa akin.
Nakita ko rin doon sina Mike at Juju, ang mga kapatid na lalake ni Gabby na 14 years ko rin na hindi nakita.
Dinala kaagad ako ni Rina sa kuwarto ng kanyang ina, si Mommy Baby na naabutan ko sna nakahiga at nagpapahinga dahil kagagaling lamang niya sa Amerika.
Malungkot na malungkot si Mommy Baby sa pagkawala ng kanyang asawa. Ikinuwento ni Mommy Baby na noon pa niya gustong bumalik sa Pilipinas pero pinigilan siya ni Daddy Rollie.
Kung hindi raw siya inawat ni Daddy Rollie, nakita pa niya na buhay ang kanyang asawa. Limang buwan na si Mommy Baby sa Amerika dahil ipinipetisyon siya ng anak na si Ricky.
Matagal-tagal din kaming nag-usap ni Mommy Baby as in parang hindi kami nagkaroon ng tampuhan ni Gabby.
* * *
Tulog pa si Gabby nang dumating ako sa bahay nila pero nagising siya bago ako umalis.
As usual, ang buhok ni Gabby ang napagdiskitahan ko dahil hindi ko type ang kanyang hairdo.
Sinabi ko sa kanya na magpagupit na uli siya kay Boy Navarette. Si Boy ang naggugupit noon kay Gabby. Alam na alam ni Boy ang hairstyle na bagay kay Gabby.
Bukas ang libing ni Daddy Rollie sa Loyola Memorial Park sa Marikina City. Magkakaroon muna ng 3:00 pm mass sa chapel ng Montessori de San Juan bago siya ihatid sa huling hantungan.
Labels: Gabby concepcion
Monday, September 22, 2008
Nadia reresbak na!
Ewan if she was born in the Year of the Dragon, but Nadia Montenegro threatens to spew fire like the mythical creature laban sa mga taong umano’y nang-aapi sa kanya this Saturday’s Startalk episode.
Ang naturang “pagbabanta” ay nabanggit umano ni Nadia through a text message sent to a Startalk staff saying na: “Bugbog na bugbog na ako!” And as an act of retaliation ay babasagin na raw ni Nadia ang kanyang katahimikan.
Privy to the identities of those persons na reresbakan ni Nadia, kahit ’di niya isa-isahin ang mga ito ay maliwanag pa sa ningning ng bituin (as in Pilipino Star) who she intends to lash back at.
Una siyempre sa listahan is her friend – turned – foe (or fiend?) na si Gretchen Barretto. May kung anong bomba raw kasing papasabugin si Nadia laban kay Greta, call it showbiz version of terrorist’s attack.
Matatandaan that Greta and Nadia’s long years of friendship ended on a bitter note. What was supposed to be a peaceful meeting sa pagitan ng dalawa many months ago turned out to be one of near-violence.
And because Greta is in the news again yet dragged in the same old issue ay handa na raw si Nadia na isiwalat ang lahat in a tell-all Startalk interview.
Ikalawa sa umano’y pupuntiryahin ni Nadia ay ang magkakamping sina Mommy Rose Flaminiano at Cristy Fermin. Obviously, ipagtatanggol ni Nadia ang labeling sa kanya ng producer-manager as “sulsoltant” ni Gabby, at ang the height bilang pamemersonal na ano ang puwedeng mahita nito kay Nadia kundi mantika.
While others believed that Nadia meant well sa pagpapayo niya kay Gabby, mas marami ang naniniwala na walang iniwan si Nadia sa “bawang” bilang sangkap na laging nakikisahog sa bawat lutuin.
Pero hindi tulad ng medicinal property ng bawang na panlaban sa high blood, ang garlic-like involvement ni Nadia all the more increases blood pressure sa mga taong sila lang dapat ang sangkot at hindi kailangan ang kanyang panghihimasok.
Ano ba ang pakialam ni Nadia sa umano’y pagiging unfaithful ni Gretchen, gayong ni mga kapatid nitong sina Marjorie at Claudine have kept mum about the issue?
Gaano rin ba kaapektado si Nadia sa problema ni Gabby kay Mommy Rose when she, being the actor’s career adviser, does not have a career – both showbiz and political – to boot?
Naniniwala ang inyong lingkod that there can be dignity in obesity.
Labels: Controversy, Nadia Montenegro
Dennis may komunikasyon pa kay Cristine
Kahit break na, may communication pa rin sina Dennis Trillo at ex nitong si Cristine Reyes dahil nang mabalitang nag-attempt ng suicide ang actress sa pamamagitan nang pag-inom ng maraming Medicol, tinext siya ng actor para tanungin.
Inalam ni Dennis kung ano ang nangyari at nag-deny si Cristine na pinaniwalaan niya. Sabi nito: Hindi ako naniwala sa balita, imposibleng gawin niya ‘yun dahil masayahin siyang tao.”
Dagdag pa ng actor, noon lang uli sila nagkaroon ng komunikasyon ni Cristine at itinanggi ang nasulat na pinuntahan siya nito sa SOP two Sundays ago at nagkape pa habang hinihintay siya. Malabo raw mangyari ’yon dahil ABS-CBN talent na si Cristine.
Samantala, kahit horror ang Mag-Ingat Ka sa Kulam, masaya si Dennis na muling makasama sa pelikula si Judy Ann Santos at leading lady pa niya. Gusto niyang gayahin ang pantay-pantay na trato nito sa mga kasama sa trabaho na nakita niya sa shooting.
Showing sa October 1, ang Regal Films movie na trailer pa lang ay nakakatakot na. Tiyaking may kasama kayong manonood nito para may kasabay kayong sisigaw.
Labels: Dennis Trillo
‘Hindi ko girlfriend si Anne!’ – Sam Milby
Marami nang nagtaas ng kilay sa sinabing ito ni Sam Milby dahil matagal nang tinanggap ng publiko na mayro’n silang relasyon at wala naman ni isa sa kanilang dalawa na nagtatwa nito. Ngayon na lamang dahil nabalitaang nag-split na sila.
“Hindi ko girlfriend si Anne (Curtis, kapareha niya sa Dyosa). We used to be together, nagkaro’n ng panahon na naging kami. Now we need to concentrate on our career.
“It’s not true that we split dahil I’m conservative and she’s liberal, na pinagbabawalan ko raw siya maging daring sa kanyang mga roles. Hindi ako gano’n although I will admit seloso ako.
“Walang third party and although we’re not together anymore I still have feelings for her, nandun ’yon, hindi mawawala,” pagtatapat ng FilAm guy who is preparing for his major solo concert, Sam Milby: The Rockouztic Heartthrob, na magaganap sa Aliw Theater sa October 25, Saturday.Guests sina Pokwang, Yeng Constantino, G-Force, and Arnel Pineda, prodyus ng ASAP Live at nasa direksyon ni Marvin Querido.
Nang makausap ko si Sam recently, mala-Adonis ang kanyang pangangatawan. Utang daw niya ito sa regular na pagpunta sa Gold’s Gym, hindi pagkain ng baboy, baka at kanin. Salad, gulay, manok at cereals lamang siya sa umaga.
Hindi na rin siya gumagamit ng kotse, mas madalas siyang nagmo-motor kahit halos lahat yata ng kaibigan niya’t kakilala ay pinagbabawalan siya dahil delikado ito.
“Masyadong ma-traffic, mas madali kung naka-motor lang ako,” sabi niya sa kanyang matatas nang pananagalog. “I get excited when I’m using my 600cc Yamaha, maski na minsan ay nabangga ako, the excitement hasn’t diminished. I’ve also been bruised many times but nothing serious. What I can do is bawasan ang speed ko because I drive very fast,” paliwanag niya.
Sa kasalukuyan, Sam has been designated by the Department of Education for Students and Co-Curricular Affairs (DepEd-CSCA) as their youth spokesperson and role model. Bukod sa Dyosa, may ginagawa siyang indie film, ang Cul De Sac. Ipalalabas ito rito at maging sa labas ng bansa.
Hindi mo masisisi si Sam kung binibigyan niya ng prayoridad ang kanyang career ngayon kesa pag-ibig, tambak kasi ang proyektong dumarating sa kanya ngayon. Wala talaga siyang panahon na maibibigay sa kanyang magiging girlfriend. Tanungin n’yo pa si Anne.
Labels: sam milby
Aktres walang pambayad kahit ng kuryente ngayon
Nakakagulat ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa isang aktres na kung ang dating buhay niya ang ating pagbabasehan ay parang imposibleng mangyari sa kanya ngayon ang kuwentong marami na ang nakakaalam.
Parang bukas na gripo na walang tigil sa pag-agos ang biyaya sa kanyang buhay at career noon, ang reklamo pa nga niya dati, nung bata pa raw siya ay malaki ang kanyang wallet pero wala naman siyang mailaman.
Nung dumating naman ang matinding suwerte sa kanyang buhay, maliit na ang branded niyang wallet, hindi niya naman alam kung paano niya pagkakasyahin dun ang kanyang salapi sa dami.
Pero walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista, pana-panahon lang ang suwerte sa kanila, habang kumikita ay kailangang malayo na ang tanaw nila sa buhay.
Hanggang makapag-iipon sila ay kailangan na nilang gawin yun dahil mabilis ang transisyon sa kanilang larangan, araw-araw ay maraming bagong mukha ang nagdaratingan, mahigpit ang labanan.
Sabi ng aming source, “Alam mo ba na kahit pambayad niya na lang ng kuryente ngayon, hinahanap pa niya? Nagpapa-rediscount siya ng tseke, palit siya nang palit sa mga kaibigan at kakilala niya, hirap siya sa buhay ngayon.
“Yung mga ipinagmamalaki niyang properties noon, tunaw nang lahat, naibenta na niyang isa-isa nung mga panahong wala na siyang kayod, umiikot ang puwet niya ngayon kapag panahon na ng bayaran.
“Kundi sana siya naging pasaway, binigyan na kasi siya ng panibagong chance noon ng isang network, pero hindi pa niya yun iningatan, nagmarunong na naman siya.
“Ayun, tinigbak ang role niya sa serye, hindi na siya uli kinuha, sino naman kasi ang kukuha pa uli sa ugali niyang ganun? Mayabang na siya, feeling alam niya pa ang lahat-lahat, kaya kinasawaan siya,” simulang kuwento ng aming source.
Dati’y mataas ang tono ng aktres na ito, parang pag-aari na niya ang mundo kung makapanlait siya ng kanyang kapwa, kinaaaliwan ng marami ang kanyang mga pagtataray pero kinaiinisan din yun ng mas nakararami.
“Ngayon, bali na ang pakpak niya. Paano pa siya makapanlalait ngayon, wala na siyang boses, dahil alam niya na bagsak na ang kabuhayan niya?
“Gustuhin man niyang manlait ngayon, mas uunahin na siguro niya ang paghahanap ng paraan para sila mabuhay na mag-iina. Meron pa rin naman siyang natitirang ari-arian, pero kung ibebenta pa niya yun, saan na sila titira ng mga anak niya?
“Inuna niya kasi ang pagyayabang, ang panghahamak sa kapwa niya, ayun tuloy, na-karma siya! Sino ba ang mag-aakala na kahit pambayad na lang sa kuryente ngayon, e, hinahanap pa niya?
“Dati, sensilyo lang para sa kanya yun, hindi niya pinapansin, pero ngayon, bawat sentimo talagang nahahawakan niya, kailangan na niyang ingatan,” kuwento pa rin ng aming source.
Totoo, life is not a bed of roses talaga.
Labels: Blind Item
Sunday, September 21, 2008
Patrick nagpa-rehab lang??? pinatatakpan lang...
Sa halip na si Mrs. Bing Garcia or any of her immediate family members ay si Arnold Vegafria ang nagsalita ukol sa whereabouts ni Patrick, the actor’s manager.
Kapuna-puna, kundi man in question, ang pahayag ni Arnold that ever since Patrick flew to the US to study (?) ay wala silang communication ng alaga. Through Patrick’s mom lang daw nakikibalita si Arnold tungkol sa umano’y tinatapos nitong thesis sa in-enrol-an nitong eskuwela, that such back-to-school plan had already been in place even before Jennylyn Mercado got pregrant.
Scheduled to return home next week, minadali raw ni Patrick ang ilang school requirements. Ayon kay Arnold, excited na rin daw kasi si Patrick na makita ang anak nila ni Jen, and at the same time ironing out their differences.
‘‘Malay mo, pagnakita ni Patrick ang anak nila, lumambot ang puso niya at magkabalikan sila?’’ said Arnold in a Startalk interview. Since the beginning naman daw kasi, Patrick has acknowledged himself as the child’s real father.
To me, Arnold’s presumptive assertion was a self-contradiction in itself. Bakit naman hindi lalambot ang puso ng kanyang alaga if Patrick initially thought it was his child that Jen gave birth to? Bakit kailangan pang magkaroon ng sort of bargaining agreement, as if nakasalalay sa inosenteng sanggol ang posibilidad na magkakabalikan sila?
Sorry, Mr. Vegafria, not only is your line of defense weak, it’s also baloney!
Sobra na naman yatang pagtatakip ’yan kay Patrick, to the point of misleading the public na tumitiyempo lang ang aktor para makipagkasundo kay Jean. Patrick’s family included. Kesyo ang idinadahilan ng kampo ni Patrick ay ipinagkakait ni Jen ang kanyang anak.
Granting na matagal pa man kasado ang pagpunta ni Patrick sa Amerika para mag-aral bago pa man nagbuntis si Jen, why schedule his departure at a time when his physical presence was badly needed: Nanganak si Jen, namatayan ng ama, where was Patrick all along? And for Arnold to say na sa pamamagitan lang ng ina ni Patrick niya nalalaman ang whereabouts ng kanyang alaga makes for a real-life fantaserye of all time.
Arnold, however, cannot get away with hounding questions tungkol sa tunay na dahilan ng pagkawala sa bansa ni Patrick. Tabloid items screen pointing to Patrick na kung hindi man tumakas sa maraming pagkakautang dito is at an undisclosed rehab center.
Of course, the public is giving Patrick the benefit more than the doubt.
Labels: Patrick Garcia
ABS-CBN nakialam na sa demandahan nina Gabby at Rose Flaminiano
Twenty two million ang kabuuang halaga ng danyos perhuwisyo na hinihingi ni Mommy Rose Flaminiano mula kay Gabby Concepcion sa demandang isinampa niya laban sa aktor nung nakaraang Martes nang hapon.
May nagtanong sa manager, paano kung bayaran ni Gabby ang halagang hinihingi niya, pakakawalan na ba niya si Gabby?
Nilinaw ni Mommy Rose, “Ang twenty two million pesos, pang-6 months lang yun, sa tinakbuhan lang ng contract namin yun bilang manager-talent, meron pang four and a half years na naiiwanan.
“Yung sa ngayon lang ang twenty two million pesos, mahaba pa ang tatakbuhin ng contract niya sa akin, meron pa siyang apat na taon at kalahati,” malinaw ang sagot ni Mommy Rose.
Pero sino naman kaya ang bibili kay Mommy Rose ng kontrata ni Gabby, kung sakali man, meron naman kayang tulad niya na agad-agad na maniniwala sa kapasidad ng aktor?
Lalo na sa mga panahong ito, kumbaga sa paninda ay pababa na ang presyo ni Gabby, tapos na ang maliligaya nitong araw. Ang maraming kausap ni Mommy Rose para sa pag-eendorso ni Gabby ay nag-urungan na, kabanggit-banggit ang isang kumpanya ng pabango na nagpasabi na sa kanya ng kawalan ng interes, dahil nga sa mga nagaganap.
Punumpuno pa naman ng entusiyasmo noon ang may-ari ng kumpanya ng pabango, pinag-usapan na nila ni Mommy Rose kung saan-saan itatayo ang malalaking billboards ng aktor, pictorial na lang ang kulang na isasabay sana sa contract signing.
Pero nung magkaroon ng meeting ang kumpanya ay biglang nagbago na ang ihip ng hangin, halos lahat sa committee ay nagsabing para ano pa at kukunin nila si Gabby, pabango ang kanilang produkto at hindi magiging kapani-paniwala kung ang kukunin nilang modelo ay hindi kabanguhan ang imahe ngayon sa publiko.
May saysay ang desisyon ng kumpanya, mahirap magbenta ng produktong pabango kung ang mismong nakikita ng publiko na nagmomodelo nun ay isang personalidad na sagana sa kaso kaliwa’t kanan, tulad ni Gabby Concepcion.
Ano’ng magagawa ni Mommy Rose, nagpapakatotoo lang naman ang may-ari ng kumpanya, alangan namang magsayang nang milyon-milyon ang kumpanya para sa isang talunang proyekto?
At sa ganung kaganapan ay si Gabby ang talong-talo. Kailangan nitong magtrabaho para sa kanyang pamilya, kaya nga siya umuwi dito ay dahil bagsak na rin ang real estate business sa Amerika, aminado naman ang gobyerno ng Amerika na bagsak na bagsak ang estado ng ekonomiya nila ngayon.
Si Mommy Rose ay makapamumuhay na nang disente at hanggang sa mga susunod pang dekada, si Gabby ang mas nangangailangan ng pera, hindi ang kanyang manager.
* * *
Balita nami’y nagkaroon na ng pag-uusap si Mommy Rose at ang mga ehekutibo ng ABS-CBN. Kailangan nilang upuan ang problema, dahil hindi lang naman kay Mommy Rose may kontrata ang aktor, meron din silang kontrata sa ABS-CBN at sa Star Cinema.
Hindi inilabas ni Mommy Rose ang kontratang yun, ang kontrata lang nila ni Gabby ang nasilip ng media nung magsampa siya ng kaso laban sa aktor, ano-ano pa kaya ang nilalaman ng nasabing kontrata?
Hindi man namin alam ang naging takbo ng pag-uusap nila ay madaling sabihin na tungo sa ipagkakasundo ng magkabilang panig ang naging agenda nila.
Paano nga naman mangyayari ang mga nakasaad sa kontrata kung kasinggulo ng giyera ang samahan ngayon nina Gabby at Mommy Rose, siguradong nagtulay ang mga ehekutibo sa kanilang away, hindi lang namin alam kung napalambot ng mga ito ang manager ni Gabby.
Sa tanong kung may plano ang Star Cinema na saluhin si Gabby mula kay Mommy Rose ay puwedeng isipin na hindi. Natural lang na kung susugal man sa ganun kalaking halaga ang produksiyon ay mas gugustuhin na nilang sumugal sa mas batang artista, yung mapapakinabangan pa nila nang matagal, hindi gaya ni Gabby.
Labels: Controversy
Sexy Actress lumaklak ng pabango
Nag-attempt ng suicide ang sexy actress na ito, pero hindi sa pamamagitan ng pag-o-overdose ng gamot o pag-inom ng pesticides. Sosyal ang hitad at Victoria’s Secret perfume ang nilaklak at ang katuwiran, kahit mamatay siya’y mabango pa rin siya. Hindi yata nito alam na i-embalsamahin siya kung siya’y natuluyan at mawawala rin ang bango niya sa katawan.
Hindi rin tungkol sa love life ang rason kung bakit ginusto ng actress na wakasan ng maaga ang kanyang buhay, kundi dahil sa pera. Nag-away ang actress at ina nito tungkol sa pera at sa sama ng loob, ayun uminom ito ng perfume. Mabuti’t naagapan at mabilis na nailabas nito ang ininom na pabango at back to work ang luka-luka.
Labels: Blind Item
‘Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila (Gabby at Mrs. Flaminiano) ng totoo’
Nagsalita ako noon na hindi makikisawsaw sa away nina Mommy Rose Flaminiano at Gabby Concepcion pero ayaw akong tantanan ng madlang-people kaya nag-decide ako na magsalita sa Startalk noong Sabado.
Totoo na tinawagan ako ni Mommy Rose sa telepono pero hindi siya humingi ng payo tungkol sa gap nila ni Gabby. Tinanong lang niya ako kung ano ang masasabi ko sa mga nangyayari sa kanila.
Sinabi ko nga sa kanya na since ikaw ang nakapagpabalik kay Gabby, ikaw talaga ang dapat na maging manager ni Gabby. Inulit ko rin sa kanya ang madalas na sinasabi ko na kami ni Gabby, never had a problem with money. Talagang hindi materyoso si Gabby.
Pero ipinaalaala sa akin ni Mommy Rose na “Noong nag-away rin kayo ni Gabby noon. Hindi ba’t idinemanda mo si Gabby?” Idinemanda ko si Gabby noon after ng scam. Siyempre galit ka, idinemanda ko siya ng worth two-million pesos. Yung mga unpaid na commission at yung L 300 van ko na ipinagbili ko sa kanya na hindi niya pa nababayaran, so idinemanda ko.
Ang ending, ako pa ang natalo! Ako pa ang magbabayad ng P700,000! Ako pa ang magbabayad kay Gabby. Kaya may utang ako kay Gabby. So, noong makita ko si Gabby, sinabi ko sa kanya na, ‘Uy, Gabby, sabi sa akin ni Mommy Rose, panay raw ang pasingil mo ng P700,000.’ ‘Tapos sabi niya, ‘No, no, I never said that!’ E, si Mommy Rose, sinasabi niya na pinapasingil daw. So, hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kaya kung totoong hindi ako pinapasingil ni Gabby, e, bigyan niya ako ng papel na hindi na niya ako sisingilin!
Ang sey ni Mommy Rose, sinabihan daw niya si Gabby na huwag na akong singilin dahil blessed naman siya.
Sa totoo lang, marami kaming manager ngayon na naiinggit kay Mommy Rose. Noong malaman namin ang kontrata ni Gabby na nakuha niya sa ABS-CBN, grabe, ang laki! Na hindi mo akalain makukuha ni Gabby!
Kaya nga kung ako si Gabby, hindi na ako aalis kay Mommy Rose. For that alone, malaking utang na loob mo na yun kay Mommy Rose na naikuha ka ng ganoong kontrata. Kahit ako, hindi ko magagawa yun. Kaya kung ako si Gabby, huwag ka nang umalis kay Mommy Rose, mag-ayos na kayo.
Naniniwala ako sa sinabi ni Gabby na na-trauma siya sa akin noong ako pa ang kanyang manager dahil ka-trauma-trauma naman talaga ako, ‘no! Sino ba ang hindi na-trauma sa kagagahan ko? Thirteen years na hindi nakauwi ng Pilipinas si Gabby dahil sa akin.
Sa tagal ng pagkawala ni Gabby sa Pilipinas, puwedeng naging makuwenta siya sa datung. Siyempre, nasa States siya, mahirap ang walang pera. At saka, kapag nagtrabaho ka sa Amerika, trabaho talaga! ‘Yung eight dollars na kikitain mo per oras, ikakayod mo talaga. Kaya si Gabby naman siguro, ‘Teka, kuwentahin ko nga itong mga pera ko,’ di ba?
Labels: Gabby conception
Saturday, September 20, 2008
Marian, takot mag-Darna
Sa Miyerkules na raw magsisimula ang shooting ng One True Love ng GMA Films, na pagbibidahan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at Iza Calzado.
Siyempre, excited na si Marian sa first movie nila ni Dingdong.
“Excited ako dahil iba naman ang movie sa soap-opera. At sana, katulad ng mga soap-opera namin ni Dingdong ay tangkilikin at suportahan din nila ang movie na gagawin naming” sabi ni Marian.
Sa October 10 na raw magtatapos ang Dyesbel, at wala pa raw siyang idea kung ano ang finale nito.
“Pero, siguradong kaabang-abang ‘yon, dahil ngayon kasi, ang mas pinagtutunan namin ng pansin ang mga fight scenes namin sa ilalim ng dagat.”
Hindi matapus-tapos ang kaligayahan ni Marian, lalo na at consistent number one sa rating ang Dyesebel. Isang beses nga lang itong naungusan ng ibang show, at `yun ay dahil bumagyo at nag-brown-out sa ilang lugar sa Maynila.
“Pero, kami nina Direk Joyce (Bernal), never kaming nakipag-kumpetensiya sa iba. Ang importante sa amin, sa isang araw na nag-taping kami, naibuhos namin ang lahat. Nagawa namin ang best namin at nakaarte kami. Kung ano ang hinihingi sa amin ni Direk, naibigay namin sa kanila.
“Kung maging number one, thank you! Kung hindi, at least, naibigay namin ang best namin for them.”
Matapos ang Dyesebel, ang Darna raw ang ibibigay kay Marian ng GMA?
“Mabait ang GMA sa akin. Gusto nila na magpahinga muna ako, dahil siyempre magkasunod na series ang ginawa namin. Ang Marimar at Dyesebel. Pero, sigurado naman na merong kasunod ayoko pa nga lang magsabi hangga’t hindi pa siguradung-sigurado na.
“May nagsasabi na Darna raw ang gagawin ko! Naku! Nakakatakot ‘yan!
Ha! Ha! Ha!
“Hindi ko pa alam. Of course, napakagandang role ng Darna, pero mukhang hanggang pagiging Dyesebel pa lang ang kaya ng katawan ko. Ha! Ha! Ha!” tumatawang reaksyon ni Marian.
Pero, may posibilidad kaya na sila pa rin ni Dingdong ang magkasama sa next project niya sa TV?
“Hindi ko lang alam. Depende siyempre ‘yan sa mga manonood kung gusto pa rin ba nila kami na magka-partner or iba naman. Pero sa tingin ko naman, mukhang kinikilig pa rin naman sila sa aming dalawa ni Dong. Pero ako kasi, naniniwala ako na magaling ang GMA sa ganyan. Alam nila kung kami pa ba ang dapat ang magkasama o iba naman
Labels: marian rivera
RHIAN, NAGMUMUKHANG TANGA SA PAGPATOL SA FANS?
Ayaw talagang tantanan ng mga hate e-mails si Rhian Ramos. Pero sabi ng iba, nagmumukha na raw tanga si Rhian, dahil hayun at panay ang patol niya sa mga fans.
Sabi pa, wala naman daw talagang fans si Rhian. Kumbaga, imaginary fans lang daw `yon.
Pero para kay Rhian, hindi niya binibigyan ng pansin ang mga bagong intriga na ibinabato sa kanya ngayon.
Pero, aminado ang dalaga na naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari ngayon. Ikinuwento nga ni Rhian na minsan daw paglabas pa lang niya ng bahay, may magte-text na agad sa kanya na tipong ‘umalis ka na ng bahay, saan ka naman pupunta? Makikipag-date ka?’
Nag-aalala na rin daw ang mga taong malalapit kay Rhian, dahil baka umabot pa sa punto na saktan na ang dalaga.
“Feeling ko hindi naman nila kayang gawin ‘yun kasi nagtatago naman sila.
Baka naman hindi nila ako kayang saktan. Pero ‘yun nga, nakakatakot din kasi kapag lumalabas ako ng bahay, nagte-text sila sa akin.
“At pag nasa dinner ako sa labas ng bahay, may magte-text agad sa akin na, ‘O, nandito ka pala ha? At sino naman ang kasama mo?’ Tapos, kung anu-ano ang sinasabi sa akin.”
May insidente pa raw na minsan ay magkausap sila ni Mark Herras, at biglang may tatawag kay Mark at sinisiraan siya rito.
Naiisip na nga raw ni Rhian na baka naka-tap ang phone niya.
“Ewan ko? ‘Yun nga ang iniisip namin. Pero, ‘di ba, mahal ‘yun gawin?
Sino ang makakagawa no’n? ‘Yun nga ang scary! Actually, hindi lang kay Mark ‘yun nangyari. Kahit sino rin ang kausap ko, magte-text sila. Like, bakit kausap mo si ganito? Si ganyan? Scary ‘di ba?
“Eh, one time na magkausap kami ni Mark, pagkababa namin ng phone, sabay kaming nakatanggap ng text. So, siyempre ako, kaba muna. Sinabi ko kay Mark para hindi siya mabigla. Sabi ko, ganito, ganyan…tapos sabi niya, sa akin din! So, kaming dalawa parang, oh, oh…ayoko ng mag-text!
Ayoko ng mag-phone!” patuloy na kuwento pa ni Rhian na tila takot na takot.
Anyway, plano ni Rhian na magpalit ng number. At sabi ni Rhian, maloloka na talaga siya kung malalaman pa rin ng mga naninira sa kanya ang kanyang bagong number.
Anyway, excited na si Rhian sa kanyang bagong serye sa GMA 7, ang La Lola. (ROSE GARCIA)
***
Sa Embassy Disco/Bar plano ni Rhian na idaos ang kanyang debut sa October. Semi-formal daw ito, at hindi na tulad ng naunang plano na gawin siyang mala-prinsesa.
“Mas gusto ko ‘yung ganito na semi-formal, na they can dance, they can mingle with other guests,” say ni Rhian.
Wala rin siyang cotillion, pero may 18-roses daw. Sina Richard Gutierrez, JC de Vera, Mark Herras at Richard Gomez ang ilan sa mga siguradong kasali sa 18-roses.
Imbitado rin si Rayver Cruz, pero hindi raw ito makadadalo.
Sa mga babae naman, hindi raw mawawala ang kaibigan niyang si Chynna Ortaleza. At gusto niyang dumalo ang mga nakasama niya sa Ouija na sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, at pati na sina Rufa Mae Quinto, at Jolina Magdangal, na kasama niya sa Italy.
Siyempre, dadalo rin ang mga kaibigan niya mula sa labas ng showbiz. At sisiguraduhin daw niya na magkakaroon ng participation ang mga ito sa importanteng gabi na ‘yon.
Labels: Rhian Ramos
JC, kahilera na nina Richard, Dingdong at Dennis?
Maganda ang Obra project na ibinigay ng GMA Network kay JC de Vera na alaga ni Annabelle Rama. Was this to prove na walang personalan sa pagkakasabay ng first day showing ng Richard Gutierrez movie at ng Dingdong birthday show sa Araneta Coliseum?
Well, if that was meant simply to appeased the wrath of the Visayan Monster Mom -- GMA Network hit the jackpot. Maraming nag-aabang tuwing Huwebes nang gabi no matter how late sa gagawin ni JC de Vera.
Magaling ang nagplano to entice the gay community ay isang macho dancer role ang unang salvo ng 4-weeks presentation, perhaps to test the waters na rin for JC kung lalabasan (natural naman, noh! Albert Sunga?) siya ng galing sa akting.
At maganda ang binuong istorya although gamit na gamit ang ganoong genre o istorya tungkol sa mga nakakarelasyon o nawa-one night stand ng mga bading at matrona.
Sa isang matrona na-involved si JC sa kuwento, dahilan para mapatay siya and end the story na bitin nga.
Suspetsa ko, gusto ng author o ng direktor na lagyan ng audience participation ang Obra para ang televiewers ang bumuo o gumawa ng sarili nilang Obra -- in other words, kung bitin man ang istorya, eh bahala na kayong maglagay ng ending o draw your own conclusions.
Gaya nung Huwebes na ala-Cogie Domingo ang role na ginampanan ni JC.
Akting na akting na nga si JC ang kapareha naman niyang si Lovi Poe ay kulang na kulang sa emosyon. In fairness, nakadeliber si JC at aabangan ko ang kasunod na ikatlong Obra sa Huwebes ha, Bisaya.
But one thing, rendahan mo ang alaga mo at baka makabuntis siya this early, mawalan ka ng another goldmine!
And now, our ranking: Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Dennis Trillo and ....JC de Vera. Dumadami ang mga lalake ng GMA Network na pagnanasaan ng mga bading sa ABS-CBN!
Labels: Jc de Vera
Robin payag nang ligawan ang mga anak
Wala naman palang dapat ikatakot ang mga binatang magtatangkang manligaw sa mga dalaga ni Robin Padilla.
“Lahat pwedeng manligaw, pero dapat sa bahay. Dapat ding naniniwala sila sa Diyos, kung hindi sa gate pa lamang ay haharangin ko na sila. Gusto ko rin na sinumang manliligaw sa mga anak ko ay nag-aaral. Ayaw ko na ang unang tutulungan ng mga anak ko ay ang manliligaw nila. Gusto kong ang lalaki ang tutulong sa mga anak ko,” sagot ng aktor sa tanong ng press kung pinaliligawan na niya ang mga anak niyang sina Queenie at Kylie.
Si Robin ay abala ngayon sa pelikula niyang Sundo, ang susunod na pelikula ng GMA Films, isang horror film ni direktor Topel Lee na base sa sinaunang paniniwala na ang malapit nang sumakabilang buhay ay sinusundo ng kaluluwa ng kanilang mga kamag-anak.
Bukod kay Robin, nasa cast sina Sunshine Dizon, Katrina Halili, Rhian Ramos, Glydel Mercado, Hero Angeles at Mark Bautista.
Sinabi ni Robin na iba ang Sundo sa unang ginawa niyang suspense-thriller dahil dito ay mayro’n nang mga multo. “Bago kami magsimula ng trabaho ay nagdarasal muna kami,” imporma niya tungkol sa pelikula na sinimulan nila nung buwan pa ng Hulyo. Ibang-iba ang porma niya sa movie, maikling-maikli ang gupit, bagay sa role niyang isang dating myembro ng military na piniling simailalim sa seklusyon matapos makaligtas sa isang trahedya at matuklasang may taglay siyang kakaibang kapangyarihan.
Labels: Robin Padilla
Goma kabado kay Kris
Kapag umere na ang Family Feud sa third week ng October, before and after 24 Oras na mapapanood si Richard Gomez. Siya ang choice ng Fremantle at GMA 7 na mag-host ng game show at meron pa siyang Codename: Asero na hanggang November pa ang airing.
Nag-audition si Richard kasama ang iba pang celebrity at basta ginawa niya ang best niya, kaya sobrang excited ito nang malamang sa kanya ibinigay ang show. Makakatapat niya ang Deal Or No Deal ni Kris Aquino at ang alam niya, masaya ang TV host sa bago niyang trabaho.
May kaba si Richard dahil established ng host si Kris at siya’y ngayon pa lang sasabak, kaya ang dasal nito’y mataas ang rating ng Family Feud. Sa Tuesday na ang dry run at end of the month ang taping na pinaghahandaan na ng actor.
Tuloy na rin ang movie nila ni Sharon Cuneta sa Star Cinema at sa January next year ang shooting. Nasa kanya na ang storyline ng beautiful love story na may planong mag-shooting sa ibang bansa at ang alam ng actor, sa Mexico sila magsu-shoot.
Labels: Richard gomez
Wednesday, September 17, 2008
Gabby gustong bigyan ng leksyon
Lunes nang gabi nang magkita sina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano sa bahay ni Tita Daisy Romualdez, nandun si Manay Celia Rodriguez, ang road manager ng aktor na si Joy Gonzales at ihinatid naman sila dun ni Nadia Montenegro na agad ding umalis.
Hindi natanggihan ni Mommy Rose ang pakiusap ng dalawang beteranang aktres, tulay ang inilalawit ng mga ito sa pagitan nila ni Gabby, ilang beses nang gusto ng aktor na magkausap sila pero hindi siya dumarating.
Hindi maaasahan na isang nakangiting Rose Flaminiano ang papasok sa bahay, nirerespeto niya ang may-ari ng tahanan, pero walang makakukuwestiyon sa galit niyang emosyon nang makita niya si Gabby.
Pinagpaliwanagan siya nina Tita Daisy at Manay Celia, ipinag-pray over pa nga raw sila ni Manay Celia, sana raw ay pumasok sa kanila ang Holy Spirit para magkaunawaan na silang dalawa.
Nakinig si Mommy Rose sa paliwanag ng dalawang aktres, humingi ng dispensa sa kanya si Gabby, hinding-hindi na raw uli mauulit pa ang ganun ayon sa aktor ayon din sa kuwento ni Mommy Rose.
Ayon sa manager ni Gabby ay hindi ganun kadaling kalimutan ang naganap, “Sinira niya ang pangalan ko, pinagbintangan niya ako ng kung ano-ano, pinalabas niyang niloloko ko siya sa pera,” sentimyento ni Mommy Rose.
Umuwi siyang hindi kumikibo. Nagtatalo ang kanyang isip at puso, idedemanda niya pa rin si Gabby o hindi na, itinulog niya muna ang sagot sa kanyang tanong.
Kinabukasan ay nagdesisyon si Mommy Rose, itutuloy niya ang pagdedemanda kay Gabby, ayaw na sana niya dahil nanghingi na ito ng dispensa sa kanya pero gusto niyang bigyan ng leksiyon ang aktor.
Sa dokumentong ihinain nila ni Attorney Bonifacio Alentajan sa Regional Trial Court ng Quezon City ay ito ang nakadetalye, pakisundan po natin.
“By reason of defendants’ concerted, arbitrary, unlawful, and fraudulent acts, plaintiff suffered and will certainly suffer actual damages of at least FIFTEEN MILLION PESOS (P15,000,000.00). Defendants should be held solidarily liable to pay plaintiff this amount.
As a result of defendants’ fraud, malice, ill-will, and evident bad faith, plaintiff suffered mental anguish, emotional anxiety, besmirched reputation, embarrassment, sleepless nights, and other moral damages for which defendants should be held solidarily liable to plaintiff in the amount of THREE MILLION PESOS (P3,000,000.00) Philippines currency, as moral damages.
To serve as an example to the public and deter others who are similarly inclined, defendants, who acted wantonly, fraudulently and deceitfully. In total disregard of plaintiff’s clear and legal right, should be held solidarily liable to pay plaintiff the amount of at least Two Million Pesos (P2,000,000.00), as exemplary damages.
In order to protect her interests, honor, and reputation, plaintiff was unnecessarily compelled to litigate and engage the services of counsel for an agreed fee of Two Million Pesos (P2,000,000.00), plus other litigation expenses.”
Labels: Controversy, Gabby conception
Fans ni Rhian biglang nanahimik
Ang galing sumuporta ni Eugene Domingo. Bagaman at mga kilala nang komedyante sina Rufa Mae Quinto at Jolina Magdangal, nagawa niyang palutangin ng husto ang kanilang mga nakatutuwang eksena with her presence. Riot ang mga magkakasamang eksena nilang tatlo. I dare you to watch the film at kung hindi kayo bibirit ng tawa sa mga eksena nila, sabihin n’yong sinungaling ako.
Hindi naman pala totoo na mabo-boo ng fans sina Mark Herras at Rhian Ramos. Behaved ang mga fans nung premiere night ng I.T.A.L.Y. (I Trust and Love You). Mga palakpakan at sigawan lamang ng paghanga ang narinig mula sa kanila. Did they finally realize na trabaho lamang ang ginagawa ng dalawa? Sana naman.
Actually may chemistry ang dalawa, puwede silang maging loveteam. Pero, ano itong nababalitaan ko na si JC de Vera ang nagbibigay ng bagong excitement kay Rhian at hindi si Mark. So wala nang dapat ipangamba ang mga fans ni Mark na pinupuntirya ni Rhian ang idolo nila.
Going back to Eugene, talaga nga palang nakatutuwa siya. Sana mapanood pa siya sa maraming proyekto ng GMA 7. Magtatapos na kasi ang Kim Sam Soon na kung saan nagpasaya rin siya ng mga manonood.
Labels: Rhian Ramos
John Lloyd nai-excite kay Marian
Galing sa pictorial nila ni Sarah Geronimo for Chalk magazine si John Lloyd Cruz bago humarap sa press para sa thank you merienda na pasasalamat niya sa suporta ng press sa One More Chance, at A Very Special Love at sa comedy series na I Love Betty La Fea.
Nagpatulong din ito para ipaalam na sila ni Alessandra de Rossi ang tampok sa Maalaala Mo Kaya sa Saturday. Ang husay ni John Lloyd sa episode tungkol sa taong schizophrenic sa tulong ni direk Jeffrey Jeturian. Kung may enough time, gusto sana niyang pumasok sa mental ward to observe. Maghihintay siya ng feedback kung okey ang kanyang acting.
Matutuwa ang mga fans nila ni Sarah sa ibinalita ni John Lloyd na by November, shooting na ng next movie nila. Posible bang maging sila ni Sarah kung wala siyang Liz Uy?
“Si Sarah ay 20 years old lang at alam nating inaalagaan siyang mabuti ng parents niya pagdating sa mga lalaki. Ang hirap niyang lapitan, but I will definitely take my chance,” sey ng aktor.
Nabanggit naman nito si Marian Rivera sa mga gusto niyang makapareha. Sabi nito: “Nadinig ko ang name ni Marian and I have to be honest, na-excite ako sa idea to work with her. Nakakalungkot na nali-limit kami sa kani-kanyang networks.”
Labels: john lloyd cruz
Tuesday, September 16, 2008
Katrina, feeling ‘katorse’ sa non-showbiz boyfriend!
N-LOVE si Katrina Halili ngayon!
Pero, ‘yun nga lang, kahit anong pilit namin, ayaw niyang ipangalandakan kung sino ang masuwerteng lalaking source of inspiration daw niya.
Say ni Katrina, bago lang daw kasi at gusto niya munang i-enjoy ang moment ng pagiging inspired at kilig niya.
Natawa lang kami sa description ni Katrina sa relationship nila ng naturang guy. Aniya, “Nasa getting-to-know each other stage pa lang kami. Pero serious na ‘to. Seryosohan na. Ha! Ha! Ha!”
“Pero siyempre, dahil seryoso na ko, ayoko naman ng lantaran. So, tama na, sa akin na muna ‘to,” nakikiusap na sambit pa ni Katrina.
Marami pa raw sa mga ka-close niya ang hindi pa masyadong nakikilala ang bago niyang inspirasyon. Pero sa palagay raw niya, magugustuhan din ng mga ito ang kanyang inspirasyon.
“Well, base kasi sa pagkakakilala ko, magugustuhan siya. Kaya nga kinikilala ko pa siya ngayon, pero, hindi rin naman ako magsasabi na seryoso na kung hindi naman siya worth it.”
Obviously, hindi non-showbiz ang bagong guy sa buhay ni Katrina dahil sa tanong namin kung nakakatrabaho or makakatrabaho pa lang ba niya ito?
“Nakakatrabaho ko siya!” ang nakangiting sabi ni Katrina na tila kinikilig.
“Basta, marami na rin kaming napagkukuwentuhan. Tipong naihanda ko na rin siya sa kung ano ang mga maririnig niya, mga kalokohan, kagaguhan.”
Ano ba ang nagawa na sa kanya ng lalaking ito para maging sobrang espesyal sa kanya?
“Basta! Nasa getting to know each other pa lang kami, pero seryoso na! Ha! Ha! Ha!”
Grabe ka pala kapag na-in-love.
“O, ‘di ba? Sabi ko nga sa inyo, huwag ninyo akong papa-inlabin dahil iiwan ko ang career ko. Ha! Ha! Ha!” pabirong say ni Katrina.
Sa isang banda, ngayong Miyerkules na raw siya magpe-first taping day para sa balik primetime series niyang Gagambino. Mag-i-start na rin daw siya ng shooting ng One Night Only kaya magiging bisi-bisihan na naman daw siya.
So, feeling ni Katrina, deserving naman daw siguro siyang may nagpapa-inspire naman at nagpapasaya sa buhay niya dahil super work naman daw kasi siya.
“Alam niyo naman ako, hopeless romantic talaga ko. Iba kasi ako. Kahit nakikita nila kong ganito, conservative ako lalo na pagdating sa relationship. Eh, ngayon, feeling ko naman, okey siya. At saka, feeling ko, fourteen years old ako. So, hayaan niyo na sa akin ‘to! Ha! Ha! Ha!”
Anyway, dahil sa tagumpay ng Obra ni Katrina, puro bida roles na raw ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7. At sabi, mas matinding tapatan at kumpetisyon na raw ang mangyayari sa kanila ni Marian Rivera?
Nangangahulugan nga raw ‘yon na tuloy pa rin ang banggaan sa kanilang dalawa, at mas palaban na raw si Katrina kay Marian ngayon!
“Ayoko namang makipag-kumpetisyon kahit na kanino. Basta ako nagtatrabaho lang. Kung ayaw niyo sa akin, eh, ‘di huwag! Ganoon lang ‘yun!” sabi na lang ni Katrina.
Labels: Kapuso, katrina halili
A life of laughter & heart-ship
Our OFW experience/phenomenon has been captured in film over the years, tearjerkers such as Dubai and The Caregiver coming immediately to mind. With GMA Films’ I.T.A.L.Y., thanks to Mark Reyes’ deft directorial touch and Senedy Que’s screenplay, the experience is given a much-deserved lighter, and humor-filled, perspective. The prism is one of looking for love in the midst of eking out a livelihood while working abroad — in this case, a European cruise ship. Our guide to this ensemble cast effort is Des (full name Destiny, as played by Jolina Magdangal), and we encounter such characters as Stella (Rufa Mae Quinto) the on-board singer/entertainer, Des’ fellow housekeeping workers Lovely (Eugene Domingo) and Nathan (Mark Herras). And as passengers on the ship, we have the enigmatic, love-torn Paolo (Dennis Trillo), and young socialite Phoebe (Rhian Ramos) who’s traveling with her mother (portrayed by real-life aunt and GMA Artist Center head Ida Ramos-Henares). The merry-go-round that ensues as relationships develop and ebb, as hopes are raised and dashed, and how matters resolve themselves both on the ship and back here in Manila, are uniformly sprinkled with laughs and light tears.
Savona, Venice, Rome, Pisa, Genoa, Florence in Italy, Barcelona in Spain, and Tunisia — these cities and countries form part of the backdrop to the unfolding stories, and while direk Mark and director for photography Jay Linao make optimum use of the diverse locations, the stories and what transpires on the cruise ship remain the center of all that’s going on. What’s interesting to note is how touches are added to make the characters fully-realized, and not just mere cardboard cut-outs. This is especially so in the case of Destiny. The fetish she has for stuffed pigs, the vignettes in Manila with her wheelchair-bound father (Pen Medina), a widower, still preparing milk for her in the hope she’ll still grow taller, and the bantering that goes on between Des and her brothers before departing for Europe — they all add up to a character we feel we truly know and can sympathize with. Similarly, the back stories of Lovely and Stella add to the fullness of their portrayals, an understanding of their dreams, apirations and frustrations, motivating us to give them slack whenever some character flaws emerge.
In my estimation with the scene of Des’ phone conversation on board the ship with her father and brothers, Jolina takes the crown for truly carrying the film. The scene is a pitch-perfect example of how direk Mark deftly has us viewers moving from laughter to tears and back to laughter in split-seconds. The scene wonderfully encapsulates the puso that the film is in possession of; how all the laughter, broad slapstick and one-liners can be tempered by pathos and genuine tearful sadness. For me, that more than made up for the rather tired formula of having Stella speak in song lyrics. I’ve seen that gimmick in numerous other films, and while the audience lapped it up, I found that “avenue” too tried and tested. To her credit, it’s Rufa Mae’s flair for delivering these lines that still gave life to this formula. Eugene is her irrepressible self, and it’s great to see her being given so many lines and scenes. Dennis is more moody actor than comedic, and the role given to him allows him his dramatic moments; and there is one scene when he wonderfully lightens up — when Paolo and Destiny have to share a hotel room for one night. Rhian and Mark in the “opposites attract” young love side story inevitably play second fiddle to the main narrative strands, but they both hold their own, and it’s good to see them developing their acting range.
The last project I viewed directed by Mark Reyes would have been Resiklo; and if that film, within the context of Philippine Cinema, was one of the best examples of integrating live action with Computer Generated Images, it’s refreshing to see how Mark ably tackles a film where humor and the human element are the foci of the film.
Labels: Movies
Edu not running in 2010 but will support MVP
As of 1:05 p.m. yesterday Sept. 16, Optical Media Board (OMB) chairman Edu Manzano said that he’s not running (for senator) in 2010 as has been reported, even if he’s getting offers and feelers to do so.
“Magastos!” was how Edu described a senatorial bid these days, estimating that it will make a candidate poorer by P200-M (but, I surmise, far richer than that once he gets elected).
But he’ll definitely support Manny V. Pangilinan (MVP) if ever he decides to run for, as Edu put it, “a higher office” (than the Senate).
“The government should be run like a business,” he explained. “We need somebody with economic sense and that’s none other than MVP.”
Asked if he would support Batangas Gov. Vilma Santos if she did a Sarah Palin (John McCain’s running-mate; a former small-town mayor before she became governor, like Vilma), Edu said, “Yes, I would.”
Thus far, however, Vilma said that, despite the “persistent” invitation, she’s not interested in running for vice president. But then, it’s too soon to tell. Many things can happen between now and 2010.
Meanwhile, besides promoting his Edu Manzano: Dancer Of The Universe album (with Papaya Yawza as carrier single, released by Universal Records) and hosting two ABS-CBN shows (Pilipinas, Game Ka Na Ba? and Umagang Kay Ganda in which his girlfriend Pinky Webb is also a host), Edu is preoccupied with running after film/CD pirates and the Anti-Child Abuse and Pornography Foundation which he recently launched and to which he contributed P1-M from his own pocket.
Incidentally, you can help in the anti-piracy campaign by simply texting to 0918-8883777 in case you want to report a pirate.
Labels: Edu Manzano, KAPAMILYA
Saturday, September 13, 2008
TV personality, tumangging ‘magpagamit’ sa TV executive!
Ang panliligaw kay guwapong TV personality ng isang TV executive ang dahilan kung bakit nag-resign ang una sa isang show na nagpasikat sa kanya.
Sa totoo lang, malakas agad ang dating ni TV personality nu’ng una siyang ipakilala sa naturang show. Dahil nga sa looks niya ay marami ang nagkakagulo sa kanyang mga fans, mapababae o bading.
Pero walang katulad ang paghanga sa kanya ng isang TV executive. Sabi, madalas na pinadadalhan ni TV executive si TV personality ng kung anu-ano sa dressing room. At hanggang sa bahay raw ni TV personality ay nagpapadala si TV executive ng kung anu-anong mamahaling gamit.
Overwhelmed naman ang guwapong TV celebrity dahil napapansin siya ng mga bossing. Kaya panay ang pasalamat niya sa mga ito sa kanyang show.
Pero nawala ang respeto ng TV celebrity sa naturang TV executive nang imbitahan siyang mag-dinner sa bahay nito. Marami raw silang mga talents ang inimbitahan ng TV executive. Thanksgiving dinner lang daw dahil maganda ang ratings ng show nila.
Noong makarating ang guwapong TV celebrity sa bahay ni TV executive, napansin niya na parang walang ibang tao. Noong lumabas ang TV executive, tinanong niya kung bakit silang dalawa lang. Hindi na nagpaliguy-ligoy ang TV executive at sinabi nito na sobrang type niya ito at gusto niyang magkaroon sila ng lihim na relasyon.
Mas bobongga raw ang career nito kapag pinagbigyan siya. Kung hindi ay wala raw mangyayari sa kanya.
Pero tumanggi ang guwapong celebrity at sinabing hindi niya kakayanin na sumikat nang dahil nakipagrelasyon ito sa isang executive. Kesa naman daw na matsismis siya ay aalis na lang daw siya sa show. Kaya hindi na raw nag-report ang guwapong celebrity sa kanilang show at nag-file na ito ng resignation sa show. Hindi raw niya kayang gumamit at magpagamit para lang sa kasikatan.
Labels: Blind Item
Dad ni Jolina wish na ’wag munang magpakita si Gabby
Sinagot ni Dennis Trillo ang nasulat na nakita si Cristine Reyes sa GMA Network last Sunday, hinintay daw siyang matapos ang SOP at habang naghihintay, nagkape ito sa coffee shop na nasa building ng network.
Sabi ni Dennis: “Hindi totoo ’yon, may meeting ang buong cast at staff ng SOP immediately after Sunday’s live show. After ng meeting, dumiretso ako ng mall show para sa promo ng ITALY.”
Ang sunod na tanong kay Dennis ay kung totoong nasa GMA that time si Cristine?
Ang sagot nito’y “I don’t think so, ABS-CBN na siya at parang hindi logical na pupunta pa siya ng GMA para magkape.”
Oo nga naman, lalabas na gimik lang ni Dennis ang inaming break na sila ni Cristine at ang ipinahayag na, “I’m single and happy” kung patuloy pala ang relasyon nila. Hindi rin maganda ang pag-alis ng actress sa Channel 7 para pumunta siya sa network kahit ang aktor ang rason.
Samantala, after sa promo ng ITALY ng GMA Films na showing sa September 17, ang Mag-Ingat Ka Sa…Kulam ng Regal Films ang next na ipo-promote ni Dennis dahil showing ito sa October 1, at nagti-taping na rin siya ng Gagambino. Dahil sa rami ng trabaho, wala raw muna siyang time sa lovelife, iyon ay kung wala siyang makikilang girl na kaiinlaban.
* * *
Nagbigay ng pahayag sina Mr. Jun Magdangal at Jolina Magdangal sa posibleng pagdalo ni Gabby Concepcion sa premiere night mamaya ng ITALY. Inimbita raw ang actor ng GMA Films at mukhang ayos na ang problema na dulot nang pagba-back out niya sa pelikula.
“Bakit pa siya aapir? Siya ang nang-iwan sa ere. Huwag na lang, moment ito ng cast ng movie at hayaan na lang niya. Sila ang naghirap sa movie, tapos bigla siyang lalabas? Sa ibang okasyon na lang siya magpakita,” diretsong sabi ni Mr. Magdangal.
Sagot naman ni Jolina: “Hindi ko alam ang magiging reaction ko hangga’t ’di nangyayari. Di dumating siya kung gusto niyang manood pero gusto kong mag-enjoy mamayang gabi, gusto kong namnamin ang pelikula kasama ang mga taong naghirap na mabuo ang movie. Ayaw ko namang mag-judge. Tingnan na lang natin.”
Ayaw sirain ni Jolina ang happy mood niya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Gaya nang release ng kanyang Destiny album under GMA Records na dahil sa magagandang kanta’y tiyak na maghi-hit. Masaya rin siya na extended for another season ang Dear Heart at excited siya sa showing ng ITALY.
Labels: Jolina Magdangal
SARAH GERONIMO, CERTIFIED VIRGIN!
Sikat na sikat talaga ngayon si Sarah Geronimo. Aba, ang dami-raming lalake sa showbiz ngayon ang nagkakandarapa na makasama siya sa pelikula.
May iba pa nga na type na type raw siyang ligawan ngayon. Lumalabas nga ang mga pangalan nina Ronnie Liang, Mark Bautista, Erik Santos at Billy Crawford, na diumano ay type manligaw sa kanya.
Aminado naman si Sarah na may crush na crush siya ngayon at nagpapasaya sa buhay niya.
REY: Sino ba ‘yung lalake na `yon na nagpapasaya sa buhay mo ngayon?
SARAH: Every Sunday nakikita ko siya.
REY:: Kasing-age mo ba siya?
SARAH: Hindi!
REY: Ano ba ang ginagawa niya at napapasaya ka niya?
SARAH: Mahirap mag-describe, eh…
REY: Sino ba kina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Rayver Cruz ang tinutukoy mo?
SARAH: Wala po! Si Piolo, iba pa po siya.
REY: Bakit ka nga napapasaya ng crush mo?
SARAH: Napapasaya niya ako, pero hindi naman talaga kilig. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako napapasaya.
REY: Bakit ba ayaw mong sabihin ang name ng crush mo? May asawa na ba siya?
SARAH: Naku, ayaw ko pong magsalita. Marami ang magri-react kapag sinabi ko. Nakikita ko kasi `yung mga magiging consequences, kaya ayokong sabihin.
REY: Bakit ba parang maraming bawal sa iyo? Bawal kang halikan sa pelikula, at bawal ka ring magkuwento tungkol sa crush mo? Siguro, kung hindi ka naging artista, madre ka ngayon?
SARAH: Siguro po kung wala na itong lahat, may posibilidad na maging madre ako. Totoo po ‘yon. Pero, hindi ko po alam, parang may gusto po akong marating. Hindi po ito joke. Seryoso po ito.
REY: Sobrang conservative ka pala? At pangarap mo pala talaga ang maging madre.
SARAH: Opo, sobrang conservative talaga ako. Hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na nakikipaghalikan sa harap ng mga tao. Parang nakakakilabot. Kung iki-kiss man ako ng lalake, gusto ko sa aming dalawa na lang, ayaw kong makita ng lahat.
REY: Anong klaseng boyfriend ba ang hinahanap mo?
SARAH: Wala naman po talagang perfect. Ang gusto ko lang ‘yung matatanggap niya ang buo kong pagkatao ko. Mahahalin niya lahat ng kung ano ang meron ako.
REY: Twenty years old ka na, pero hindi ka pa nakakaranas magka-boyfriend, o maligawan man lang. Meaning, certified virgin ka pa.
SARAH: Opo! Siyempre, dapat i-preserve `yon. ‘Yun lang ang maireregalo ko… Regalo raw, oh. Ha! Ha! Ha! Ha!
Nakalagay po sa Bible `yon, na bawal ang pre-marital sex o ‘yung pagtatalik nang walang basbas ng kasal. Against ako sa ganiya. Sa America, may ganun sila na kahit teen-ager pa lang hindi na (virgin).
Liberated sila.
REY: So, dapat pala ay sobrang disente ang lalake na mapapangasawa mo?
SARAH: Hindi ko masabi. Kung bad boy man siya, gagawin ko siyang good boy.
REY: Handa ka bang maghintay na dumating ang tamang lalake para sa iyo?
SARAH: Ganu’n naman po dapat talaga. Love can wait. Kung talagang para kayo sa isa’t isa, mangyayari po `yon.
REY: Puwede ka bang ma-in love sa isang foreigner?
SARAH: Ay, opo! Kailangan, para makabawi! Ha! Ha! Ha!”
REY: Makabawi saan?
SARAH: Para gumanda ang lahi ng mga anak ko. Ha! Ha! Ha!
REY: So, okey pala sa iyo si Billy Crawford, na may lahing Kano? Si Billy ba ang tinutukoy mong crush mo?
SARAH: Ay hindi po! I love performing lang talaga with Billy. Napapasaya niya ako kapag nagpi-perform kaming dalawa. Pero hindi po si Billy ang crush ko!”
Labels: Sarah Geronimo
Paolo, pinutakti ng insekto sa Thailand!
Mahigit pala sa 43,000 Survivor fans ang nagpa-audition para maging castaway sa Survivor Philippines. At matapos ang mahigit isang taon na paghahanda, nakapag-produce na ang team ng Survivor Philippines ng isang world-class reality series, ayon sa standards ng Castaway Television Productions, ang orig na producer at may-ari ng Survivor.
Anyway, dumaan ang bawat isa sa mahigpit na screening process para masigurong kakayanin nila ang mga pagsubok na pagdaraanan sa isla.
Pero, hindi naman nahirapan ang GMA 7 na pumili ng Pinoy version ni Jeff Probst, dahil iisa lang ang pinili nila, at `yun ay si Paolo Bediones.
Sa Koh Tarutao Island sa Thailand ginawa ang pagsubok ng castaways.
Bagama’t delikado ang buhay nila roon, kinailangan nilang harapin ang mga elemento sa ibabaw ng isla at sa ilalim ng dagat.
‘Yun na marahil ang pinakamahirap na pagsubok sa pagkatao ng isang castaway: ang tumira sa isang islang salat sa mga pangangailangan habang naglalaban para makamit ang premyong tatlong milyong piso.
Sabi, lumabas ang tunay na kulay ng ibang castaway sa kalagitnaan ng laro. Nandiyan ang mga pasaway at palaban talaga.
Meron din namang tila mga bayani na inuuna pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili.
Maraming mukha ng kasinungalingan, pagkamuhi at pagkatalo, mayroon ding katotohanan, pagmamahalan at pagkapanalo. ‘yan ang mga hindi inaasahang rebelasyon at pangyayari na dapat abangan sa Survivor Philippines, na magsisimula na sa September 15.
Labels: Paolo Bediones
Kampo ni Flaminiano may hamon sa akusasyon
Nauwi na sa legal ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano. Kung nung una ay puro mga kuwento-kuwento lang ang lumalabas, ngayon ay nag-abogadohan na ang magkabilang panig, pinadalhan ng sulat ni Gabby ang kanyang business manager sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Attorney Raymond Fortun.
Isa sa mga dahilan na ibinigay ni Gabby kung bakit gusto na niyang mapawalang-bisa ang kanilang kontratahan ay ang dokumento na ayon kay Gabby ay sabay nilang pinirmahan ni Mommy Rose nung January 2008 sa San Ramon, California, pero nung magpakuha siya ng kopya ng kontrata ay nakita niya na ang petsang “01 day of April 2008” ay nakasulat-kamay lamang at pinalalabas na dito sa Pilipinas nila pinirmahan ang kontrata sa harap ng isang notary public.
Meron din siyang reklamo na hindi diumano tumupad si Mommy Rose sa nakasaad sa kanilang kontrata na aalagaan, iingatan at pananatilihin nito ang magandang imahe ni Gabby, hindi man lang daw siya nakuhang ipagtanggol ng kanyang manager sa mga opinyong nasusulat ngayon tungkol sa kanya, samantalang ang nakasaad sa kontrata ay “to promote, enhance and advance the professional career through good public relations with the movie press, entertainment and movie industry and the movie-going public at large.”
Meron ding kuwestiyon si Gabby tungkol sa kanyang income tax, kinukuwestiyon din niya ang totoong halaga ng kanyang mga tinatanggap na shows, lumalabas na pinapatungan ng kanyang manager ang halagang sinasabi nito sa kanya.
Dahil sa mga ibinigay niyang dahilan ay sinabi ng abogado ni Gabby, “By reason hereof, please be informed that Mr. Gabby Concepcion is rescinding his management contract with you effective IMMEDIATELY, in accordance with Article 1191 of the Civil Code.”
Labels: Gabby conception
Thursday, September 11, 2008
Sarah, type maging madre!
WALANG duda na ang bangu-bango ng career ngayon ni Sarah Geronimo. Super-tagumpay ang movie nila ni John Lloyd Cruz na A Very Special Love, at halos lahat na yata ng lalake sa showbiz ngayon ay type siyang makasama sa movie.
Sabi, pinag-aagawan siya ngayon nina Ronnie Liang, Mark Bautista, Erik Santos at Billy Crawford?
Aminado si Sarah, may isang lalake na nakikita niya tuwing Sunday ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Mas matanda raw ang lalake sa kanya.
Ano ba ang ginagawa nu’ng lalakeng ‘yon at sumasaya siya?
“Mahirap mag-describe, eh…” say ni Sarah.
Akala ko, sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Rayver Cruz ang mga crush mo?
“Wala po sa kanila! Si Piolo, iba pa po siya.
“Basta, napapasaya po ako nu’ng crush ko, pero hindi naman talaga ‘yung kilig. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako napapasaya.”
Bakit ba ayaw niyang sabihin ang pangalan ng crush niya? Baka naman may asawa na ito?
“Naku, ayaw ko pong magsalita. Marami ang magre-react kapag sinabi ko. Nakikita ko kasi ‘yung mga magiging consequences, kaya ayokong sabihin.”
Anyway, si Sarah yata ang kaisa-isang babae ngayon sa showbiz na maraming bawal gawin. Bawal sa kanya ang makipaghalikan sa pelikula, at bawal din ang magkuwento tungkol sa kanyang crush.
Sabi nga, baka kung hindi nag-artista si Sarah, isa na siyang madre ngayon.
“Siguro po kung wala na itong lahat, may posibilidad na maging madre ako
. Totoo po ‘yon. Pero, hindi ko po alam, parang may gusto po akong marating. Hindi po ito joke. Seryoso po ito.
“Sobrang conservative talaga ako. Hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na nakikipaghalikan sa harap ng mga tao. Parang nakakakilabot. Kung iki-kiss man ako ng lalake, gusto ko sa aming dalawa na lang, ayaw kong makita ng lahat,” say na lang ni Sarah.
Labels: Sarah Geronimo
Bossing ng isang network ‘nangagat’
Suspendido pa hanggang ngayon ang isang bossing ng isang departamento ng isang malaking network. Parang malalim na parang mababaw lang ang dahilan ng kanyang suspensiyon, ang paghahatid-paglilipat ng salita sa isa niyang kasamahang bossing din, ang kanyang siniraan ay bossing din kaya nagkagulo-gulo sila.
Sinabi nung suspendidong bossing sa mas mataas na ehekutibo kesa sa kanya, “Alam mo ba na kapag nakatalikod ka, tinatawag kang___(isang negatibong termino) ni ____(pangalan ng isang bossing din ng departamento)?”
Natural, nagulat ang sinabihan niya, bakit nga naman ganun? Hindi naman ito ____(ang terminong ikinambal diumano ng isang bossing sa kanya), matalino naman ang female boss, ano naman kaya ang galit ng bossing na yun sa kanya para ikambal sa kanyang katauhan ang napakasakit sa pandinig na salitang yun?
Kailangang magamot agad ang problema, hindi nga naman tama na meron palang nangangagat nang talikuran sa kanilang departamento, kaya ihinain sa kataas-taasang ehekutibo ang isinumbong na chika ng suspendidong bossing sa kanyang kasamahan.
E, palaban ang taong diumano’y tumawag ng____ sa female boss, harap-harapan nitong kinompronta ang kanyang kasamahan, ayon sa bossing ay napakahalay ng ganun na sila-sila na nga lang ang magkakasama sa departamento ay nagtatrayduran pa sila.
Sa halip na kampihan, sinuspinde ng departamento ang ehekutibong gumawa ng isyu, ayon sa hatol ay hindi tama na gumagawa ng mga kuwento ang bossing para magkagulo-gulo ang kanilang dibisyon.
Ang tanong, sa pagbabalik kaya ng suspendidong ehekutibo ay mabalik pa sa dati ang kanilang samahan ng bossing na iginawa niya ng kuwento para makaaway ang mas mataas na ehekutibo sa kanila?
Labels: Blind Item
Charice ima-manage ni Oprah
Sosyal na sosyal ang bagets na si Charice dahil pinag-uusapan ang pag-apir niya sa show ni Oprah Winfrey noong Martes.
Mukhang totoo ang tsismis na si Oprah na ang magiging manager ni Charice dahil hangang-hanga siya sa talent ng bagets na Pinay singer.
Magkakaroon ng duet sina Charice at Celine Dion sa show nito sa Madison Square Garden sa September 19 at kukunan ito ng mga kamera ng Oprah para ilabas sa kanilang show. Ganoon katindi ang suporta ni Oprah kay Charice na international singer na ang aura.
Malayung-malayo ang mararating ng singing career ni Charice dahil mga sikat na personalidad sa Amerika ang tumutulong sa kanya. Bukod kay Oprah, suportado rin si Charice ng sikat na composer na si David Foster.
Ano kaya ang masasabi ng tatay ni Charice sa tagumpay ng kanyang anak? Naimbyerna kaya ang fadir dahil ibinulgar ni Charice sa show ni Oprah na bayolente ang tatay niya?
* * *
Laman ng mga news program noong Miyerkules ng gabi ang pag-apir ni Charice sa show ni Oprah.
Ewan ko lang kung naririto sa Pilipinas si Charice dahil kasali nga siya sa concert ni Celine Dion sa Madison Square Garden sa September 19.
Hindi ko napanood ang tsikahan portion nina Charice at Celine sa show ni Oprah pero may nagkuwento sa akin tungkol sa pagiging inconsistent ni Celine.
Inconsistent dahil may moment na ‘Cherish’ ang tawag niya kay Charice at may oras na Sherish ang pronounciation niya sa name ni Charice. Nalito-lito na siguro si Celine kaya iba-iba ang tawag niya kay Charice. O di ba, pati si Celine eh pinatulan ko dahil sa mali-maling bigkas niya sa pangalan ni Charice?
Labels: CharicePempengco
Wednesday, September 10, 2008
ennylyn, enjoy sa pagiging nanay
HINDI maikakaila ang pagiging super proud mom ni Jennylyn Mercado sa kanyang baby na si Jazz. Habang hindi pa bumabalik sa kanyang showbiz career, very hands-on pa nga si Jennylyn sa pag-aalaga ng kanyang anak.
Ayon kay Jen, “Ang sarap maging mommy, sobra! Walang katumbas!”
Nang sabihin namin na ang cute ng baby niya na nakita namin ang picture sa Startalk, siya na mismo ang nagsabing, “nakuha niya sa akin ‘yung eyes at saka lips niya. Para siyang Chinese.”
May mga commercial offers na ba ang baby niya?
“Wala pa naman po. At saka, sa coffee table book ko po kasi siya unang lalabas.”
If ever na may offer for TV commercial, papayag ba siya?
“Siguro po, pero, hanggang doon lang. Ha! Ha! Ha!”
Hindi pa raw talaga puwedeng mag-release ng mga pictures or ipakita ang anak ng live sa telebisyon dahil una nga raw itong masisilayan ng publiko sa kanyang coffee table book.
‘Yun nga lang, siguradong mas masasabik ang mga tagahanga ni Jennylyn na makita ang kanyang coffee table book kunsaan, detelyado na makikita ang mga pictures noong buntis pa lang siya at hanggang sa actual na ipinapanganak niya ang kanyang baby. Instead na sa unang napabalita na October ang release nito, na-move na raw ito by November.
Pero matutuwa naman ang mga fans niya dahil by next month, balik limelight na raw siya at sasabak na muli sa pagta-trabaho. Hindi pa nga lang daw niya alam kung anong project ang una niyang gagawin.
Ito na ba ang balik tambalan nila ni Mark Herras?
“Hindi ko po alam. Kahit ako, wala akong idea. Ayaw nilang sabihin. Secret daw muna po.”
Contrary sa mga chika na lilipat na rin si Jennylyn sa Kapamilya network tulad ni Angel Locsin na kasamahan niya sa management ni Becky Aguila, wala raw katotohanan ‘yun.
“Kapuso pa rin po ako. Hindi lang po ako nag-renew na sa GMA Artist Center, pero, sa GMA 7 po, may exclusive contract po ako sa kanila. ‘Yun na rin po ang gusto ni Tita Becky,” say na lang ni Jennylyn.
Labels: Jennylyn Mercado, Kapuso
Angelica, isnabera at mayabang?
LUMAKI na ang ulo, yumabang, nagkaroon ng amnesia, at isnabera sa entertainment press, ‘yan ang mga akusasyon kay Angelica Panganiban ngayon.
Sabi, mula raw nang mapansin ang husay niya sa Iisa Pa Lamang bilang si Scarlet Dela Rhea Castillejos, nag-iba na ang drama ni Angelica?
“Hindi pa naman po ako nauuntog, kaya bakit ako magkaka-amnesia,” bungad na depensa ni Angelica.
Ipinaliwanag ni Angelica na ang malabong mga mata niya ang dahilan kung bakit minsan, kahit nakakasalubong na niya ang mga manunulat, ay hindi niya sila napapansin.
“Kung hindi po malapit sa face ko, nahihirapan po akong makita. Pero,
dahil kinuha na po ako bilang endorser ng isang contact lens, hindi na po mangyayari ‘yon. Sigurado po na mababati ko na ang makakasalubong ko,” paliwanag pa ni Angelica.
Iginiit ni Angelica na malabong lumaki ang ulo niya, dahil may mga tao raw sa paligid niya na palaging nagpapaalala sa kanya sa pinagmulan at pinahirapan niya.
“Sila po ang nagsasabi sa akin na kapag lumaki ang ulo ko, masasayang lahat ng pinaghirapan ko, na baka hindi ko maabot ang gusto kong marating,” say niya.
Anyway, nagpapasalamat si Angelica na sa halip na kamuhian siya bilang si Scarlet sa Iisa Pa Lamang nila ni Claudine Barretto, mas minahal pa raw siya ng mga manonood.
“Masuwerte ako dahil masarap paglaruan ang character ko. At masuwerte ako dahil naiintindihan ng mga tao ang character ko, na hindi sila galit sa akin,” say pa rin ni Angelica.
Labels: Angelica Panganiban, KAPAMILYA
Kuwento sa aktor nangyari na
Ang tunay na kulay, patungan mo man ng iba’t ibang kulay, ay lulutang at lulutang pa rin sa paglipas ng panahon. Pansamantala lang ang nakapaibabaw na kulay, kapag kumupas yun ay lilitaw ang orihinal na itsura, anumang palamuti lang ay hindi nagtatagal.
Parang sa tao rin, anuman ang gawin at sabihin natin para mailigaw ang publiko ay magiging pansamantala lang, sa bandang huli ay ang tunay na tayo pa rin ang maghahari at makikita ng bayan.
Maraming nanghihinayang sa isang personalidad na biglang nawala noon, sayang daw ang aktor, dahil kung kailan naman nasa kaitaasan ang kanyang career ay saka siya nagdesisyong umalis at talikuran ang kanyang career.
Hindi basta umalis lang ang aktor, meron siyang iniwasan, umilag siya sa isang matinding kontrobersiya at naiwan dito sa Pilipinas ang mga taong umaasang makakasama siya sa pagharap sa laban.
Ngayon ay parang sirang plakang lumulutang ang matinding kontrobersiya sa pagitan nila ng kanyang manager. Pera na naman ang isyu. Pera na naman ang kinukuwestiyon ng nasabing personalidad.
Para sa marami ay hindi na bago ang kuwentong ito, parang nauulit na lang, dahil ang ikot ng kuwento ng paghihiwalay nila noon ng kanyang dating manager ay sumesentro rin sa laglagan.
Sabi ng mga nakamasid lang sa nagaganap ngayon, “Bago? E, ganyan din ang ginawa niya noon sa manager niya, inilabas niya ang sarili niya sa usapin, naiwang nakatulala dito ang taong halos gumawa na sa kanya!”
Payo ng mga taga-showbiz sa kasalukuyang manager ng personalidad ay huwag masyadong intindihin ang nangyayari sa kanila ng kanyang alaga, pero kailangan pa rin nitong ilatag ang mga ebidensiya, para hindi na nagdududa sa kanya ang aktor.
Kung ano ang magaganap sa career ng aktor ay tanging sila lang ng kanyang manager ang nakakaalam.
Labels: Blind Item
Juday gustong maging sirena
Pinaligaya ng husto ni Judy Ann Santos si Mother Lily (Monteverde ng Regal Films) nang pumayag itong maging star ng pang-48th anniversary presentation nitong Mag-ingat Ka Sa… Kulam na mapapanood sa Oktubre sa mga sinehan. Bale pang-All Souls Day ito ng Regal.
Paano ba naman hindi mata-touch ang producer ng Regal, eh pumayag si Juday na babaan ang TF niya bilang pagtulong sa industriya ng pelikula at maraming artista na itong natulungan in the past na hindi naman umubra ang sked ngayong kailangan sila. With Juday around, nakakasiguro nga naman si Mother Lily ng isang papanooring pelikula na horror-suspense na kung saan ay nakilala ang Regal sa loob ng 48 years.
Sa isang pakikipag-usap kay Juday, sinabi nito na naging mabait sa kanya ang producer ng Regal: “Hindi ko naman siya mapapahindian lalo’t naging mabait naman ang pagtrato niya sa akin,” sabi nito na sinusugan naman ng manager na si Alfie Lorenzo na habang ginagawa niya ang Kulam ay marami itong nasakripisyong proyekto, dahil halos isang taong ginawa ang pelikula na dinidirek ni Jun Lana. Nasabi rin ni Juday na gusto rin sana niyang maging isang sirena sa pelikula, “Pero okay na ako sa pagiging Ula,” dagdag pa nito.
Labels: Judy Ann Santos, KAPAMILYA
Sarah may inspirasyon na!
Sinagasa ko ang malakas na ulan kahapon para mapuntahan ang album launch ni Sarah Geronimo sa Pier One sa Morato, Quezon City.
Nakakaloka ang panahon pero mas nakakaloka ang hagdan ng Pier One dahil any moment eh puwede kang madulas dahil sa tubig ulan.
Maagang dumating si Sarah sa presscon. Hindi siya katulad ng ibang artista na sinasadya na magpa-late para star na star ang dating nila.
Humingi agad ako ng kopya ng bagong CD album ni Sarah or else, baka maubusan ako. Paborito ko si Sarah at favorite rin siya ng aking pamangkin kaya nangharbat kaagad ako ng CD niya na may title na Just Me.
Tatlong kanta ang inawit ni Sarah. Siyempre, pinakagusto ko ang pagkanta niya sa A Very Special Love, ang theme song ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na pinanood ko sa sine.
Gandang-ganda ako sa version ni Sarah sa A Very Special. Para akong hinehele sa pagtulog habang pinakikinggan ko ang pagkanta niya.
Umeksena ang isang bagets na babae na halatang fan na fan ni Sarah. Malakas ang loob ng bagets. Hindi siya nahiya. Talagang nakipag-duet siya sa kanyang idol.
Idol si Sarah ng mga kabataan dahil sa kanyang wholesome image. Never siyang nasasangkot sa mga eskandalo at intriga. Very pleasing pa ang personality niya.
* * *
Ikinuwento ni Sarah sa presscon na may part 2 ang movie team-up nila ni John Lloyd. Kung hindi raw magkakaroon ng changes, sa November ang umpisa ng shooting nila.
Tatapusin muna ni Sarah ang concert niya sa Araneta Coliseum bago umpisahan ang shooting. One at a time ang drama niya dahil hindi puwedeng pagsabayin ang concert at shooting ng pelikula. Mangangarag siya.
Ayaw sabihin ni Sarah ang name ng mhin na inspirasyon niya. Natutuwa raw siya kapag nakikita ang kanyang secret inspiration.
Kahit kinulit si Sarah ng mga reporter, hindi siya napilit. Mananatiling secret ang identity ng crush ni Sarah. Siyempre, hindi rin alam ng lucky guy na siya ang inspiration ni Sarah. Secret nga kasi.
Labels: KAPAMILYA, Sarah Geronimo
Donate
Search
Categories
- abs-cbn (1)
- Alessandra de Rossi (2)
- Angel Locsin (2)
- Angelica Panganiban (2)
- Angelika dela Cruz (2)
- anne cutris (2)
- Blind Item (12)
- Boy Abunda (1)
- Carlene Aguilar (1)
- CharicePempengco (1)
- Claudine Baretto (2)
- Controversy (5)
- Cristy Fermin (1)
- Dennis Trillo (2)
- Ding dong Dantes (4)
- Edu Manzano (1)
- ely buendia (1)
- francis m (1)
- Gabby concepcion (2)
- Gabby conception (4)
- heart evanghilista (2)
- Janina San Miguel (1)
- Jc de Vera (1)
- Jennylyn Mercado (3)
- john lloyd cruz (2)
- Jolina Magdangal (1)
- Judy Ann Santos (5)
- KAPAMILYA (4)
- Kapuso (3)
- Karylle (1)
- katrina halili (3)
- Kris Aquino (1)
- marian rivera (5)
- Movies (2)
- Nadia Montenegro (2)
- ogie alcasid (1)
- Paolo Bediones (1)
- Patrick Garcia (3)
- Phoemela Baranda (1)
- pokwang (2)
- Polo Ravales (1)
- Pops Fernandez (1)
- Raymart Santiago (2)
- Rhian Ramos (4)
- Richard gomez (2)
- Richard Gutierez (1)
- Robin Padilla (1)
- Roxanne Guinoo (1)
- Ryan Agoncillo (2)
- sam milby (2)
- Sarah Geronimo (5)
- Shows (1)
- Startalk (1)
- vilma santos (1)
- willie revillame (1)